Thamara TAHIMIK akong nagluluto ng agahan. Mabuti na lang dahil hindi ako nagduwal ngayon, maaliwalas ang pakiramdam ko kahit na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa matinding iyak ko kagabi. "Good morning!" Nangibabaw ang pabango ni Zkat kahit na anong bango ng niluluto kong fried rice. Oo, hindi ako tuluyang nakaalis kagabi, hindi ko rin nakayanang umalis kahit buong-buo na ang desisyon kong iwanan siya. Sobrang tanga ko na siguro dahil napakatapang kong mag-impake ng gamit pero kaunting suyo niya lang ay agad-agad na akong bumigay. "Zkat, napakalamig ng balat mo!" reklamo ko nang maramdaman ko ang yakap niya at ang pagdikit ng pisngi niya sa pisngi ko, halatang katatapos niya lang maligo. "Nakita mo ba ang pinlantsa kong damit para sa 'yo?" "Yup. I'm wearing it, look," sa

