Thamara MATAPOS kong mailagay sa maleta ang mga gamit ko, pinakaramdaman ko muna ang labas ng kwarto ko. Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay hanggang lalamunan na lang ang hangin na nalalanghap ko. "Mauna na ako. Gabi na rin eh. Dumaan lang talaga ako para mangumusta," narinig kong sabi ni Kuya Jason kay Zkat. Bumalik muna ako sa paghiga sa kama ko habang nag-iisip nang mabuti. Siguro ay makikituloy na lang muna ako sa bahay ni Thalia habang naghahanap ako ng matutuluyan. Tama kaya 'tong gagawin ko? Nangilid muli ang luha ko kaya mabilis akong bumangon at kumurap-kurap. Kaya ko 'to. Ilang beses ko pang kinumbinsi ang sarili ko bago ako tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob para hatakin ang maletang hinanda ko. Isinukbit ko naman ang shoulder bag ko kung saan ko nilagay ang

