Thamara "SALAMAT, Boo," sabi ko nang makababa ako ng kotse niya. "Ingat ka pauwi." "Okay, I'll ingat myself," aniya. "Call me especially when you need help." Tumango ako at ngumiti bago ko siya kinawayan. Hinintay kong tuluyang makalayo ang sasakyan niya bago ako pumasok sa building at umakyat sa condo unit. Malalim ang buntong-hininga ko habang nakasakay ako sa elevator at naghihintay na marating ang floor ng condo. Binuksan ko ang pinto gamit ang sarili kong susi bago ko ini-lock nang makapasok ako. Normal na tahimik ang condo namin kaya hindi na ako nagtaka nang tanging ang lamig lang na nagmumula sa aircon ang sumalubong sa 'kin. Hinubad ko ang sapatos kong suot at nagpalit ako ng pambahay ng tsinelas bago ako naglakad papuntang kwarto. "Saan ka galing?" Natigilan ako nang hindi

