Thamara NANG makaalis si Zkat sa condo para pumunta sa trabaho ay tyaka lang ako lumabas ng kwarto ko. Gaya ng nakasanayan, nagsimula akong maglinis at magligpit ng buong unit. Nang matapos akong maglinis ay tyaka ako naglista ng mga dapat kong bilhin sa grocery tyaka ako pumunta sa baba ng unit at tyaka ako bumili. Nang matapos akong makabili ay dumiretso ako pabalik ng condo at iniliagay ko sa tamang lalagyan ang mga pinamili ko bago ako nagluto ng makakain ko sa tanghalian. Nagluto ako ng pakbet dahil pakiramdam ko ay matagal-tagal na rin mula no'ng huli akong nakakain ng pakbet. Amoy pa lang ng ginigisa kong sibuyas at bawang ay nanubig na ang bagang ko at agad na akong nakaramdam ng gutom. Nang matapos akong magluto ay tahimik akong kumain mag-isa tyaka ako naghugas ng pinggan pa

