Thamara PAGKARATING ko sa tapat ng condo ay inaasahan ko nang naroon na si Zkat sa loob ng unit, kaya naman nang buksan ko 'yon at bumungad sa 'kin ang tahimik at walang katao-taong lugar ay napabuntong-hininga ako. Hindi pa yata siya tapos sa pagsama sa babae niya. Para na namang inukit ang puso ko kaya minabuti ko na lang pumasok sa kwarto upang maligo at makapagbihis. Half-bath lang ang ginawa ko kaya mabilis lang, nasa gitna na ako ng pagsusuklay ng buhok ko nang makarinig ako ng ingay ko mula sa labas. "Ano ka ba, Kuya? Hindi ka mapakali. Kumalma ka nga!" narinig kong pasinghal na boses ni Jenny Ahbigael. Anong ginagawa niya rito? "How can I calm down, Ahbi? Thamara is pregnant, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin!" narinig kong sabi ni Zkat. Kung hindi ka sana umalis kan

