As we continue to make our way along the villages, bigla na lang lumapit sa akin si Klein. Medyo nabigla pa ako dahil sa basta niyang pagsulpot sa tabi ko. “Let’s rest, pagod ka na.” “No, wala tayong oras. Hindi ako pagod.” Nagpatuloy ako sa paglakad ngunit hinawakan niya ang braso ko upang pigilan. “Masama yung pakiramdam mo kanina pa. Bakit hindi ka nagsasabi?” Inis na tanong nito, dahilan para humawak bigla si Zen sa noo ko at i-check kung mainit ba ang temperatura ko. “You’re burning hot.” “Hindi lang siguro ako sanay sa hangin. Ibang iba kasi ang atmosphere rito. Come on, wag niyo ako alalahanin.” Ngumiti ako nang malawak para ipakita sa kanila na okay ako, ayokong maging pabigat gaya ng sinabi ni Klein. Ayokong ako pa ang maging sagabal sa misyon na dapat ako ang kumukumpleto.

