We made it in time, nakabalik kami sa academy ng ligtas at pumasok sa kanya kanyang kwarto para magpahinga. Nakausap na rin namin si Mr. Sage na hindi namin nagawang isama pabalik ang dalawang guardians. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya kaya naman hindi ko mapigilan ang mapaisip. Tahimik lang akong nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Propesiya? The demon is back? Until now hindi pa rin iyon mawala sa isip ko. Anong propesiya ang sinasabi ni Jeno? May kinalaman ba iyon sa pagkatao ko? Hindi ako mapakali sa kakaisip kaya nagdesisyon akong lumabas ngunit saktong paglabas ko ay nakasalubong ko si Klein. It’s just my insticts pero pakiramdam ko ay hindi talaga siya okay dahil insidenteng nangyari kanina. Tinignan ko ito ng matiim atsaka itinulak pabalik sa loob ng kwarto niya a

