Hanggang ngayon ay wala pa rin si Klein. Mamaya na ang ball, ano na bang nangyari sa lalaki na iyon? He’s strong, mautak at malaki ang tiwala ko na magiging okay siya, but stillㅡhindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. “Princess? Nakaayos ka na ba?” Rinig kong tawag ni Zen mula sa labas ng pintuan. “Malapit na ako, bukas naman ‘yang pinto. Pwede kang pumasok.” Sabi ko kaya pumasok siya. I’m wearing a white gown that hugged every curve my body had to offer, It’s also flowed freely to the floor and my shoulders were bare. Binigay sa akin ito ni Ms. Eve last night and it really suits me very well. “Wow!” Bungad ni Zen nang lapitan niya ako. Ngumiti naman ako atsaka inayos ang bowtie niya dahil nakatabingi iyon. “Wala pa rin bang balita kay Klein?” Tanong ko at umiling lang siya. Maya-m

