MARCUS JAVIER P.O.V
Pagpasok ko ng bahay, hindi pa man ako nakakabawi ng hininga mula sa malamig na simoy ng gabi, agad kong narinig ang boses ni Mama. Para bang hinihintay niya talaga ang pagbukas ng pinto para simulan na ang sermon niya.
"Marcus Javier Santos! Ano na naman itong ginawa mo?!" Malakas ang boses niya ng makapasok ng sala at nakita ko siyang naka nakaupo sa sofa, naka-cross ang mga braso at mukhang galit na galit.
Tumigil ako sa harap niya at dahan-dahang inilapag ang coat ko sa isang upuan. "Good evening din, Mama," malamig kong sagot habang diretso lang ang tingin ko sa kanya.
"Huwag mo akong 'Good evening' na parang walang nangyari! Tumawag si Michelle, galit na galit! Ano bang ginawa mo sa kanya?" Hindi mapakali si Mama, nakatayo na ngayon at nagtataas ng kilay.
"Umupo ako. Kumain siya. Tapos umalis siya," maikli kong sagot habang tinanggal ang relo ko. Hindi ko talaga kayang intindihin ang drama niya ngayong gabi.
"Umupo ka? Kumain siya? Marcus!" Napahawak siya sa noo niya, halatang nape-pressure na. "Ano ba talaga ang problema mo? Ang dami-dami kong nakikita sa mga babaeng ito, pero ni isa wala kang nagustuhan!"
Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. "Mama, sinabi ko naman sa'yo, hindi ko kailangan ng asawa ngayon."
Tumitig siya sa akin nang masama. "Hindi mo kailangan? Marcus, tatanda kang mag-isa kung hindi ka maghahanap ngayon! Tumatanda ka na, anak. Wala ka pang asawa. Gusto mo ba talagang maging binata habang buhay?"
"Hindi naman ako nagmamadali," sagot ko habang sinisilip ang mga mensahe sa phone ko. Wala akong balak makipagtalo, pero halatang hindi siya titigil.
"Hindi ka nagmamadali? Marcus, nasa trenta ka na! Tapos na ang panahon ng laro-laro. Kailan ka pa magiging seryoso? Kapag singkwenta ka na?" Sumandal siya sa sofa, mukhang frustrated na.
"Mama, trabaho ang priority ko. May boxing pa ako. May kumpanya pa akong inaasikaso. Ayaw mo ba no'n? Hindi ba dapat proud ka dahil productive ang anak mo?"
"Productive? O, sige, productive ka nga. Pero ano ngayon kung wala kang pamilya? Sinong mag-aalaga sa'yo kapag tumanda ka? Marcus, gusto ko lang naman na may makasama ka sa buhay, isang taong magpapasaya sa'yo."
"I don’t need someone para sumaya, Mama. Masaya naman ako ngayon." Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina, pero sumunod siya sa akin, hindi pa rin tapos ang litanya niya.
"Masaya ka? Hindi mo nga tinitingnan ang mga babaeng ipinakikilala ko sa'yo. Si Michelle? Napakaganda, matalino, at maayos ang pamilya! Pero anong ginawa mo? Wala kang ginawa kundi manahimik! Alam mo ba kung gaano kasakit iyon para sa kanya?"
Napahinto ako sa pag-inom ng tubig at humarap sa kanya. "Mama, hindi ko naman sinabing ako ang perpekto, pero bakit ba laging gusto mong pilitin ako sa mga babaeng pinipili mo? Hindi mo man lang ako tinatanong kung anong gusto ko."
Tumaas ulit ang kilay niya. "Anong gusto mo? Sinong gusto mo? Sabihin mo nga sa'kin, Marcus! Kasi hanggang ngayon, parang wala ka namang gusto!"
Tumahimik ako. Bigla kong naalala ang mukha ng babaeng iyon sa flower shop. 'Yung takot at tapang na sabay kong nakita sa kanya, ang simpleng kagandahan niya, at ang paraan ng pag-alala niya sa nanay niya. Pero hindi ko iyon sinabi kay Mama. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang laki ng epekto niya sa akin.
"Hindi ko pa alam," maikli kong sagot.
"Exactly! Wala kang alam! Kaya nga ako naghahanap para sa'yo!" Bumalik siya sa sala at nagpatuloy ng sermon. "Ayoko lang naman na makita kang mag-isa sa buhay. Marcus, kung ayaw mo ng mga babaeng pinipili ko, sige, ikaw ang maghanap. Pero kung wala kang gagawin, itutuloy ko ang blind dates mo!"
Napaupo ako sa isang upuan at napahawak sa noo ko. Ang bigat ng usapan namin. Alam ko namang may punto si Mama, pero hindi ko maitulak ang sarili ko na gawin ang gusto niya.
"Mama, pwede bang magpahinga na tayo? Pagod ako." Tumayo ako, halatang gusto nang tapusin ang pag-uusap.
Pero tumingin siya sa akin, nanatiling matatag. "Marcus, makinig ka. Ayoko na ulit makatanggap ng tawag mula sa kung sinuman na inis sa ugali mo. Ayusin mo 'yan."
Umiling ako nang bahagya at tumalikod na. "Good night, Mama," sagot ko bago umakyat sa kwarto.
Pagdating sa kwarto ko, sinarado ko agad ang pinto at humiga sa kama. Tahimik ang paligid, pero ang isip ko, magulo pa rin. Tumitig ako sa kisame habang naiisip ko ang nangyari kanina sa flower shop. Hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na siya. Bakit nga ba bigla na lang pumasok ang ideya niya sa buhay ko? Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, pero parang gusto kong malaman lahat tungkol sa kanya.
Napapikit ako, pero hindi mawala ang mukha niya sa isip ko. Naalala ko ang paraan ng pagtitig niya sa ducati ko noong una ko siyang nakita. Naiiba siya—iyon ang sigurado ako. Sa kabila ng mga babaeng ipinapakilala ni Mama, parang wala silang panama sa isang simpleng babaeng naabutan ko lang sa flower shop na iyon.
"Bukas," bulong ko sa sarili ko. "Siguro dapat bumalik ako."
***********
Pagkahiga ko sa kama, napabuntong-hininga ako nang malalim. Pagod ako—hindi lang sa araw na ito, kundi sa paulit-ulit na pwersahang pagdidikta ni Mama tungkol sa buhay ko. Napapikit ako, pero halos wala pang limang segundo, ang mukha ng babaeng iyon sa flower shop ang sumagi agad sa isipan ko.
Nakakainis. Bakit ba hindi ko siya matanggal sa utak ko? Ilang beses ko nang pilit iniwasan ang pag-iisip sa kanya simula pa noong pumasok ako sa bahay, pero parang nananatili siyang nakaukit sa utak ko.
Naalala ko ang mga mata niya kanina—malaki, maganda, pero punong-puno ng takot habang nakayakap siya sa mama niya. Para bang pinipilit niyang magpakalakas kahit halata namang nanginginig siya sa kaba.
Napailing ako at napakamot ng noo. Anong problema ko? Bakit ko ba iniisip 'to? Marami naman akong nakita at nakilala na babaeng mas maganda, mas maayos ang postura, mas... sosyal. Pero bakit siya? Bakit 'yung simpleng babae sa flower shop na iyon?
Napadilat ako at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Tahimik ang paligid, pero ang ingay ng utak ko. Parang naririnig ko pa rin ang boses niya kahit na mahina lang niyang sinabi ang, "Mama, natatakot ako." Paano ko ba iyon natandaan nang ganito ka-detalyado? Ni hindi nga kami nag-usap.
Huminga ako nang malalim at tumagilid, pero imbes na makatulog, lalong tumindi ang imahe niya sa utak ko. Naiisip ko kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos kong umalis. Nagsara na kaya sila ng shop? Kumusta na kaya siya? Napangiti ako ng bahagya nang maisip kong matapang din siya, kahit na sobrang halata ang kaba niya kanina. Iba siya. Iba sa kahit sinong babaeng nakilala ko dati.
Nagpagulong-gulong ako sa kama, pilit hinahanap ang tamang posisyon para makatulog, pero wala. Nakakaasar. Tiningnan ko ang orasan—alas-dose na. Imbes na antok, parang mas lalo pa akong naiinis sa sarili ko.
Napatitig ako sa bintana ng kwarto ko, sa labas ng madilim na kalangitan. Marcus, ano ba? Naisip ko. Hindi ka naman ganito. Hindi ka nagkaka-interes agad sa kung sinu-sinong babae. Pero ngayon? Sa isang estranghera na halos hindi mo pa kilala? Natawa ako nang mahina, may halong pagka-frustrate.
Pero naalala ko rin ang sinabi ni Mama kanina. "Wala kang alam! Kaya nga ako naghahanap para sa'yo!" Parang biglang may kaunting realization akong naramdaman. Baka nga kaya ako walang nararamdaman para sa mga babaeng pinipilit niyang ipakilala, kasi wala namang may tama sa kanila para sa'kin.
Tapos, bumalik ulit sa isipan ko 'yung babae sa flower shop. Ang natural niyang itsura, ang pagiging totoo niya—walang kaplastikan, walang arte. Kahit sa gitna ng takot, makikita mo pa rin ang malasakit niya sa mama niya. Bihira na sa panahon ngayon ang ganun.
Napailing ako ulit. "Ano ba 'to?" bulong ko sa sarili ko. Tumihaya ulit ako sa kama at ipinikit ang mga mata, umaasang makakatulog na ako sa pagkakataong ito. Pero hindi. Sa tuwing pumapasok ako sa antok, siya ang nakikita ko. Para bang hindi siya aalis sa utak ko hangga't hindi ko naaalam ang pangalan niya, o kung paano ko siya makikilala nang mas maigi.
Naalala ko bigla ang ducati ko. Ang itsura niya kanina na para bang sobrang fascinated siya sa motor ko. Napangiti ulit ako. Hindi ko maiwasang ma-amuse. Sino bang babae ang ganun? Madalas kapag babae, make-up, sapatos, o damit ang pinapansin. Pero siya? Ducati ang pinansin niya. At mukhang seryoso siya.
Bukas... Sabi ko sa sarili ko. Dapat siguro bumalik ako sa shop. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Mama na hindi ko na kailangang makipag-blind date, pero sigurado ako sa isang bagay: gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang kausapin, malaman kung anong meron sa kanya na parang hindi ko makita sa kahit sino pang iba.
Hinila ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at sinubukan ulit matulog. Pero bago ako makatulog, napansin ko ang sarili kong nakangiti pa rin. May kung anong excitement akong nararamdaman sa ideya ng muling pagkikita namin.
At sa unang pagkakataon, hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ko.