We meet again "Welcome back, Lite! Whohoa!" Malakas na hiyaw at sabog ng confetti ang bumungad sa akin pagpasok ko sa condo unit namin. Naka-plaster ang ngiti sa labi ko. Nag effort pa talaga sila ha. They gave me bouquet of tulips and put a lavender sash on me with the words 'Welcome Home, Queen Mother' written on it. Si Jenica, Legosi, Marvin ang may hawak ng confetti. Bumeso ako kay Jenica at nakipagbatian sa dalawa pang kaibigan. My eyes roamed. Nakatayo sa likuran nila ang iba pang kakilala na malalapit din sa akin. Stella couldn't make it, may dinaluhan siyang convention para i-promote ang bagong released nilang toys. Lumakad na ako para batiin pa ang mga nandoon, pawang naging mini reunion ang set-up ng pa-welcome party ko. Una kong napansin ang disenyo ng buong bahay, masyado n

