Chapter 6

3704 Words
Margareth POV “Hello Margs! I’m on my way there. “ Paalala sa akin ni Joy. Dalawa kasi kami sa kinuhang ninang ng anak ng aming kaibigan. Usapan kasi namin ni Joy na sabay na kaming pumunta d’on. Total madaanan naman niya ang aming mansion. Ayaw pa sana akong payagan ni Daddy ngunit nagpilit ako. Pagbaba ko sa hagdan nadatnan ko si Yaya na seryoso siyang nakikinig sa radio! “Basilio, wag mo akong iwan. Maawa ka sa akin, maawa ka sa magiging anak mo ang sabi mo mahal mo ako? Nasaan na ang pangako mo Basilio mahal ko… Huhuhuhu! “ “Abangan natin ang susunod na kabanata, maniniwala ba si Basilio kay Christy o wala nang pag-asa sa kanilang dalawa? “ Narinig ko sa radio sabay punas ng luha ni Yaya. “ Hayaan mo Christy magsisi yang Basilio na yan dahil hindi ikaw ang pinili, “ Sabi pa ni Yaya habang pasinghot-singhot pa! “umh! Sino ba si Basilio Yaya? “ biglang tanong ko sa kanya at eto nga, mukhang nagulat pa ang mahal kong Yaya “Ay kabayong malaki! “ gulat na sigaw ni Yaya saakin. Natawa ako sa reaction niya dahil ang gulo-gulo ang buhok ni Yaya na akala mo hinahabol ng suklay! “Yaya anong kabayo? Tyaka anong nangyari sayo? Mahal na ba ang suklay ngayon? “ tanong ko sa kanya dahil sobrang gulo ang kanyang buhok, “At sino ba yan si Basilio at Christy Yaya? At parang sila pa ata ang dahilan kung bakit ganyan ang itsura mo ngayon? “ tanong ko ulit sa kanya, dahil hindi naman nagsasalita si Yaya, pero mukhang natauhan siya ng tinapik ko ang kanyang balikat . “Alam mo Marga anak, sa susunod makinig ka maganda na palabas yan, sayang at bitin! Saka itong buhok ko anak, wag mo nang pansinin, “ May panghihinayang pa na sagot ni yaya saakin. Kaya naman tumabi ako sa kanya at makipag chika muna ako! Ngunit ako pa ata ang interview–in niya! “Saan ka pupunta anak, may lakad ka? “ sabi ko na nga ba eh! “Yes Yaya, gusto mong sumama? “ biro ko pa sa kanya. Tiningnan lang naman ako mula ulo hanggang paa! Tapos ang tamis ng ngiti na para bang pasok sa taste niya ang suot ko! Mahilig din kasi si Yaya sa mga magandang manamit like me! Sabi nga niya sa akin ay para daw akong isang modelo. “Naku anak! Wala yata akong dress na ganyan! Kahit gusto ko man sumama mukhang hindi bagay ang pang Filipanya kong dress d'on sa aking baul, “ sagot niya na mukhang seryoso naman! Kaya naman sinakyan ko siya habang hinihintay ko si Joy. “Yaya, kung gusto mo pahiraman kita, mukhang nagda-diet ka yata ah, “ biro ko pa sa kanya. Napatawa naman ang Yaya ko! “Naku anak, sinabi mo pa! Gusto ko kasi makita sa personal si Lee Min ho! “ bungisngis pa ni Yaya saakin! At ang matanda feeling teenager pa! “Omg Yaya! Kapag narinig ka ni Joy mag-aaway kayo! Asawa yun ni Joy? “ seryoso kong sagot sa Yaya ko, mukhang naniwala naman siya dahil natahimik bigla! Omg! “Totoo anak? May asawa na si Joy? “ takang tanong pa niya saakin, tumango naman ako dahil nagpipigil ako para hindi matawa! “Naku sayang naman! Bakit hindi ako inimbatahan at ako’y makakain sana ng lechon! “ sagot ni Yaya saakin sabay pitik pa sa kanyang daliri na akala mo naman lugi! Akala ko pa naman ang sasabihin niya ay makita si Lee Min Ho, ngunit lechon lang pala ang gustong kainin. “Yaya gusto mo ng lechon? “ tanong ko sa kanya. Tumango naman ang matanda! Kung sabagay bihira kaming kumakain ng karne sa bahay, puro kasi fish at vegetable kaya siguro namiss niya ang karne! “Oo anak, bibili kaba? “ tuwang-tuwa pang sagot ni Yaya saakin. “O’ sige Yaya. Uuwian kita mamaya ng lechon. Ano gusto mo yung skin ba o yung laman? “ biro ko pa sa kanya, napalunok pa siya sa pagbigkas ko sa lechon. “Pwede ba anak both? “ tugon naman saakin. 'to ang gusto ko sa akin Yaya palabiro. Pero tiningnan ako ulit ni Yaya nang may pagtatanong sa kanyang mga mata! Kaya naman bago pa magtanong nagsalita na ako! Dahil alam ko naman kung ano tumatakbo sa isip niya. Na baka hindi ako pinayagan ni dad, na lumabas. “Yaya, alam ni Dad na lalabas ako ngayon, and don’t worry may mga bantay naman ako! Isa pa Yaya ang pagkakaalam ko isang Police ang asawa ni Trizia, kaya don’t worry ok, hindi na mangyayari sa akin ulit ang nangyari kamakailan." sabi ko sa kanya dahil mas sila pa yata ang may phobia kaysa akin, gosh! Aaminin ko, n'ong una medyo nahihirapan ako, kunting kumpol-kumpol lang ng sasakyan nanginginig na ako, pero hindi naman nagtagal ay naging ok naman ako awa ng Diyos. Napansin ko sa mukha ni Yaya na maaliwalas at mukhang naniniwala naman saakin! Kaya naman niyakap ko na siya. “I Love you Yaya! “ lambing ko pa kanya. Hinaplos naman ang aking buhok, pansin ko din sa Yaya ko paborito niya ata ang aking buhok! Kung sabagay ako din naman gustong-gusto ko ang maalon-alon kong buhok na mahaba! “You like my golden hair Yaya? “ tanong ko sa kanya, natural na brown ang aking buhok dahil American si Mom, yun lang naman ang alam ko tungkol sa kanya ang pagiging isang American! Tumango naman si Yaya mukhang umurong na ang kanyang dila, kaya hinayaan ko nalang siya. Total naman malapit na si Joy. Maya't maya lang, dumating din si Joy dahil sa ugong ng sasakyan mula sa labas ng mansion. Sakto naman na pumasok na si Pepito sa main door! “Ma’am Margareth, nandito na ang kaibigan mo. “ paalala ni Pepito saakin, kaya naman tumayo na ako mula sa pagka-upo! Pinasadaan ko muna ang aking itsura mula sa malaking salamin sa living room, dahil halos salamin naman lahat dito sa baba ng mansion namin. Nang makuntento na ako sinabihan ko na si Pets. “Salamat Pepito, get ready the car please. “ sagot ko sa kanya, mabait ako kay Pepito dahil mabait naman siya, hindi naman niya ako pinapakialaman sa gusto ko, kaya hindi siya nakatikim ng kamalditahan ko! Yung mga bodyguard ko dati, ayun sila na ang bantay ni Dad! Ang sabi pa ni Dad yung iba naman hindi daw kaya ang ugali ko! Kaya naman halos lahat bago. “Sana ngalang magsawa na silang lahat para wala na ang laging naka buntot sa akin! “ reklamo ko pa! As if naman may nakakarinig sa akin. Wala naman na kasi si Yaya dahil kanina nagpa-alam na din dahil madami daw siyang gagawin. Lumabas na ako at baka mainip si Joy E’ baka pumasok pa 'yon hanggang sa magchichikahan na naman kami, may pagka tsismosa pa naman ng babaeng yun! Paglabas ko ng door ayun nga mukhang lalabas na siya sa kotse niya! “Hi gorgeous! “ bati niya sa akin. May similarity ang dress namin dahil nag-usap kami na dapat similarity kami ng damit! Napansin ko si Pepito nakatitig siya kay Joy, kaya naman napangisi pa ako! Mukhang may mabubuong lovebird sa teritoryo ko! Maaga pa naman ng umalis kami sa bahay, isa pa alam ko naman na walang mangyayari saamin! Dahil dalawa lang naman ang naka buntot na sasakyan sa aming likuran! Naki sakay na rin si Joy sa kotse ko at sumunod na lang ang kanyang driver. “Kakaiba ka madam! Daig mo pa Prinsesa, kung sabagay Prinsesa ka naman pala, “ hagikgik pa niya sa akin, simaan ko lang siya ng tingin! “Hoy, grabe siya! Galit ka na n’yan Margs? “ nakangiti niyang tanong saakin, napa-iling nalang ako sa kanya! Kaya naging kaibigan ko siya dahil si Trisia College friend namin sa U.S doon kami nagka kilalang tatlo noon kaya masasabi ko din sa sarili ko na close friend ko sila! Hindi ko alam kung bakit malayo ang loob nila kay Cara! Si Cara ay itinuturing kong bestfriend dahil siya na ang kalaro ko mula bata! Gustong ampunin ni Daddy noon ngunit ewan ko ba kay Dad at hindi tinuloy! Sabik kasi ako noon na magkaroon ng kapatid! Mula elementary at High School ay magkapareho kami ng pinasukan. Ngunit naghiwalay na kami ng pinag-aral ako ni Daddy sa America. Gusto ko man kasama si Cara pero hindi na pumayag si Daddy. Isa pa iba ang pangarap ni Cara, gusto kasi ni Cara ang maging sikat na modelo at natupad naman niya. Kaya ngayon masaya ako dahil pumapayag–pag ang aking kaibigan sa Industriya ng pagiging modelo! Yan ang hindi ko maintindihan sa dalawa kong kaibigan kung bakit mainit ang dugo nila sa kanya. One day kasi nag hang-out kami with her dahil rest daw niya sa work! Tapos hindi inaasahan noon ay may nangyari. Nabuhusan lang naman ng juice ang damit ni Cara at galit agad siya sa kawawang waitress at itong dalawang kaibigan ko to the rescue sa kawawang waitress! Sinabihan nila si Cara na wag ng uulitin lalo pa at may pangalan na inaalagaan, at si Cara nagalit sa dalawa. Buti nalang at naawat ko! Magmula noon malayo na sila sa isa’t-isa! Hindi na rin ako magtaka kung wala si Cara ngayong gabi. “Hoy! Ang layo na ang narating ng isip mo madam! Andito na tayo, “ bulong sa akin ni Joy na nagpa gulat pa sa akin, kaya napaigtad pa ako! Ganun na pala ka lalim ang nasa isip ko! “Hah, andito na pala tayo? “ sabog kong tanong sa kanya! Tinignan lang naman ako mula ulo hanggang paa na akala mo may kakaiba sa akin, tapos hinawakan pa ang ulo ko, parang sira ang kaibigan ko! “What are you doing!? “ suplada ko pang tanong sa kanya! Pero napa-iling lang siya! “Alam mo Marg's, malala na yan! Mang hangout kaya tayo ulit? Mukhang pagod na pagod kana sa kaka–work mo sa kumpanya niyo! Ay kasama pala ako! “ Saad niya sabay bungisngis! Oo, siya lang naman ang secretary ko, sira talaga ang ulo ng kaibigan ko kaya pinalo ko siya sa kanyang balikat, hindi naman malakas. “Tumahimik ka nga diyan! Baba na tayo sira! I’m fine! Don’t worry about me! “ Sagot ko naman sa kanya para matigil na siya kasi kung nakatitig iba! Nasabi ko din sa kanya ang nangyari sa akin sa Baguio! At ang gaga imbis na mag-alala sa akin, ayon kilig na kilig! Ang sabi natagpuan ko na daw ang Prince Charming ko, ni pangalan nga hindi ko alam eh pati mukha dahil hindi ko nakita, paano ba naman kahit gabi na naka suot pa ng sumbrero! At ang masama pa nawalan ako ng malay! Gosh talaga! “Halika na friend! Trizia is waiting us! “ excited pa niyang bulalas saakin, bumaba na kami sa kotse at totoo nga andoon si Trizia na naghihintay sa amin, mukhang kami talaga ang hinihintay kasi kumaway pa saamin. Maganda si Trizia, anak mayaman rin! Pero eto siya maagang nag asawa kasi batch namin siya! Well hindi namin masisi dahil gwapo naman ang husband niya! Alam namin na inlove siya sa husband niya dahil one time umiiyak siya noon dahil nga buntis ang gaga! Kaya naman to the rescue kami ni Joy at ito siya ngayon Happily Married. Isang Police ang asawa niya, 'yon ang alam namin! Masyado kasing pribado ang buhay nila! Trizia is a daughter of the elite groups as well. “Margs, Joy! “ sigaw niya sa pangalan namin, halata naman na masaya at maaliwalas ang kanyang mukha na mas lalo pang nagpa ganda sa kanya! Nakangiti siyang sumalubong saamin! Hindi na rin ako magtaka dahil sa dami ng sasakyan sa kanilang bakuran pati sa labas! Syempre nag-iisang anak at apo ang may Birthday at sinabay pa ng binyag. “Hello my beautiful gorgeous Mommy! Congrats my bessy! Omg kailan din kaya ako! “ bulalas ni Joy kay Trizia sabay beso kaya napatawa ako sa inasta ng kaibigan namin! Sinamaan naman ako ng tingin! Habang si Trizia naman napa-iling pero nagpipigil na tumawa, kilala kasi namin si Joy masayahin talagang siyang tao! “ I think nahanap mo na Joy! Someone looking at you! “ sakay ni Trish sa sinabi ni Joy, and speaking of someone kilala ko ang sinabi niya at nag-aperan pa kami ni Trish! “Nasaan?! “ tanong naman ni Joy saamin, dahil palipat-lipat ang tingin niya sa amin dalawa! “Secret! “ sabay pa namin na sagot ni Trizia at nagtawanan kami! Ang labas pikon ang aming kaibigan! Nagbeso narin kami ni Trizia at inaya na kami sa loob. Masasabi kong maganda ang décor! Mukhang pinaghandaan! Kung sabagay naman! Sabi ko na she is the only daughter of a businessman tycoon! Napaka maaliwalas ang kapaligiran, kahit gabi. Maliwanag ang buong paligid dahil sa naglalakihang mga ilaw. At motif na kulay gray and cream combination. Bagay na bagay sa anak niyang may party “Marg’s, Joy wait lang hah, kukunin ko lang ang Jr ko, “ paalam sa amin ni Trizia, masaya naman kami sa sinabi niya dahil sabik na din kami na makita ang anak niya. “O sige Mommy! Bilisan mo hah! Ang dami naman palang gwapo dito! Omg makasungkit nga kahit dalawa lang! “ biro pa ni Joy napa-iling nalang kami ni Trizia sa inasta ng kaibigan namin! At iniwan na nga kami ni upang kunin ang anak niya. Palinga-linga pa ako sa paligid namin at mukhang busy at nagka kasiyahan ang mga Tao! Puro mga businessman ang andito karamihan sila may sinasabi sa buhay! Kung meron lang si Daddy dito sa Pilipinas malamang andito din siya ngayon. May lumapit sa amin na isang lalaki na naka tuxedo, if I’m not mistaken he is a businessman. Hindi naman ako nagpa halata na alam kong papunta siya sa gawi namin. Habang si Joy naman busy sa kinakalikot ng kanyang cellphone. “Hi! Margareth Bernardo right? “ tanong niya agad saakin, tumayo naman ako para magpa kilala sa kanya dahil nakaabang na ang kanyang palad saakin. Napaangat pa ng ulo si Joy mukhang hindi niya inaasahan na may lumapit sa amin. “Hi, yeah! How do you know me? “ sagot ko sa kanya, at napangiti naman ng kaharap kong lalaki! Masasabi kong gwapo naman. “Of course! Sino ba naman ang hindi nakakakilala ang isang babaeng Dyosa, and other that, the only one daughter of Don. George Bernardo, “ nakangiti niyang sagot sa akin at lumabas ang mapuputi niyang pantay-pantay na ngipin at mas lalong nagpa gwapo sa kanya! Pero wala talaga akong ibang naramdaman. Siguro paghanga lang. At marunong pang mambola! Nagtaka pa ako dahil kilala niya ako! Kung sabagay nga naman kilala ang kumpanya namin at ang Daddy ko! Kailan lang naman ako naging Presidente sa aming kumpanya. “By the way, I’m Garry miss Bernardo, “ nakangiti niyang pakilala saakin, sinuklian ko naman siya ng ngiti. “Hi, hindi ko na sasabihin ang pangalan ko dahil kilala mo naman na ako, anyway. “ nakangiti kong sagot sa kanya at tinanggap ko ang palad niya. Siya naman ang pag tikhim ni Joy saamin, at mukhang gusto din siyang ipa kilala ko, dahil umirap pa ang gaga! “By the way, she’s my friend, Joy! “ tumayo na si Joy at nakipag kamay na din kay Garry. Nakipag chikahan muna sa amin ang lalaki at bumalik na din sa kanyang mesa, dahil naghihintay daw ang kaibigan niya doon na may pinagpapantasyahan babae na takot siyang lapitan! Ang sabi ko sa kanya duwag ang kaibigan niya! At yun na nga biglang tumawa ng malakas ayon tuloy agaw eksena pa kami kanina! Ang sagot lang naman saakin! Hindi daw duwag ang kaibigan niya! Ang totoo daw ay isang Captain ang kanyang kaibigan! Hindi naman niya nilinaw kung anong klaseng Captain ang sinasabi niya. Pakiramdam ko! May nakatitig sa akin! Hindi ko rin maiwasan ang hindi matakot! Niyakap ko pa ang aking sarili, dahil bigla akong naka ramdam ng lamig! Tumingin naman ako sa paligid ngunit tulad ng dati busy sila sa kasiyahan! “Hi mga bess! Meet my Son! “ masayang bulalas ni Trizia saamin kasama ang anak at asawa nito! Mukhang napapaligiran kami ng mga gwapo! “Kaya naman pala, akala mo mamatay na ‘tong kaibigan namin noon ay dahil naman pala sa kakisigan ng asawa nito, nagkatinginan pa kami ni Joy dahil mukhang iisa ang nasa utak namin! At nahalata naman kami ni Trizia. “Oo girls, tama ang nasa utak niyo! “ sabi saamin na akala mo naman nabasa niya ang laman! Kung sabagay alam nga niya! At ito na ipinakilala niya saamin ang kanyang mag-ama na super cute ang bata at seryoso naman na asawa nito. Nagkataon kasi no’n na wala kami sa kasal n’ya. Exam namin no’n at naiintindihan naman kami ng aming kaibigan. Basta ang pangako namin no’n kapag binyag ang anak dapat present daw kami. At ‘to kami ngayon. “Marge’s Joy, meet my son and my husband, Pitter sweetheart si Margareth at Joy my colleges friend, “ pakilala niya sa amin. Nag hi naman ang asawa nito ngunit napaka seryoso! Samantalang anak nito kumaway-kaway pa ang mga paa at kamay na akala mo tuwang-tuwang na makita kami! Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na hinagkan ang bata at napa hagikgik pa! Tuloy tumawa si Joy at Trizia! Hindi ko rin maiwasan ang hindi matawa! “Marg’s! Alam mo ikaw na kaya ang sumunod na mag-asawa na din! Total naman mayaman kana! Hindi mo na kailangan mag ipon! “ biro pa ni Joy saakin na narinig naman ang mag-asawa. “Sira ka talaga! Paano naman ako mag-asawa E’ ni boyfriend wala ako bruha ka! “ hindi ko mapigilan na bulalas napa takip na lang ako sa bibig ko ng napagtanto ko na kasama pala namin ang asawa ni Trizia! Kaya napalo ko sa balikat ang magaling kong kaibigan! At ayun nga nagkatawanan pa sila! Samantalang pansin ko ang asawa ni Trish na nakatingin saakin. Para bang kilala ako. Ako din naman, parang nakita ko na rin siya ewan ko lang kung saan! Napansin naman ni Trish na nakatingin sa akin ang kanyang asawa kaya naman nagtanong ito! “Do you know each other sweetheart? “ tanong ni niya sa kanyang asawa, hindi naman galit si Trish, mukhang natutuwa pa nga eh! “She’s like a familiar sweetheart, “ sagot naman ang kanyang asawa na nakangiti na! Pero kay Trish lang naman, dahil kapag saamin seryoso ang mukha! Tapos Palinga-linga pa sa paligid! At nagpaalam na nga ang asawa nito! “Buti naman umalis na asawa mo! Bakit napaka seryoso naman yun? Bawal ba ang ngumiti sa kanya? “ tanong agad ni Joy kay Trish natawa naman ang isa samantalang ako busy sa kakalaro sa bata! Dahil natutuwa ako sa kanya! Nakahiga kasi sa stoler ang anak ni Trish na kumakaway ang kamay at paa! Parang tuwang-tuwa siya! Habang nakikinig naman ako sa dalawa. “Ano kaba Joy! Ganun talaga di Pitter, pero ang sweet niya, kaya nga na inlove ako doon, “ kumikinang na mga mata ng kaibigan namin habang nag kwe-kwento saamin! Nakikita ko naman na sobrang saya ang aming kaibigan sa bago niyang pamilya. “Pero kanina pa aligaga yun! Kasi ayaw niyang iwanan ang Idol n'ya! Ewan ko ba doon! Minsan nga nagagalit na din ako kasi mas importante pa ata ang kasama niya sa trabaho kesa sa amin ni Jr ko! “ Himutok ng kaibigan namin kaya naman umupo na ako ng maayos! Mukhang may hinanakit ang kaibigan namin sa ka trabaho ng kanyang asawa. Hindi naman kami tsismosa ni Joy, pero syempre curious kami, dahil minsan lang kami magkita-kita lalo na at busy kami sa kanya-kanyang trabaho. “So, galit ka sa ka trabaho ng asawa mo? “ pagsisimula ni Joy kay Trish. “Hindi naman! Idol lang talaga nila yun! Alam niyo bess, gwapo kaya yun! Kaya lang syempre mas gwapo ang asawa ko noh! “ bawi naman sa sinabi niya! Napa Halakhak pa kami ni Joy sa inasta ni Trizia pati anak nakisabay narin! Puno ng tawanan at kasiyahan sa Party ng anak ni Trizia! Joy And I were very happy that night! Isa-isa na rin kaming nagpaalam at hindi na rin nakisabay saamin si Joy dahil uuwi na lang daw siya sa kanyang condo unit. Habang pauwi kami kasama ang aking bodyguard narinig ko si Pepito na may tinawagan siya gamit ang earpiece. “Pare! Napansin niyo ba ang itim na kotse na kanina pa nakasunod? Alert kayo mukhang hindi maganda ang kutob ko, “ mahina man na boses ni Pets ngunit umabot sa akin. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan dahil mukhang mangyari na naman ang nangyari sa La Union noon! Kaya hindi ko maiwasan ang hindi magtanong kay Pepito! “Pepito what happened? “ tanong ko sa kanya! Sagutin na sana ako ng bigla na lang may nagpaulan ng bala sa amin sinasakyan! Sumigaw pa ako sa pagkabigla dahil mukhang bumalik na naman ang nangyari few weeks ago. Nanginig ako sa takot! Habang si Pepito nasa tabi ko na para bang sinasangga ang katawan niya sa akin upang hindi ako tamaan ng bala. “Ma’am Margareth dapa! “ sigaw niya sa akin! Wala na rin akong naririnig kundi puro putok nalang ng baril! Pakiramdam ko ito na ang pangalawa kong kamatayan. Hanggang sa may narinig akong isang ugong ng sasakyan kung hindi ako nagkakamali motor 'yon. Ngunit napalitan ng putok nang baril ang naririnig ko! “Mommy, help…. “ Peping dasal ko habang nakapikit ang aking mga mata! Nagulantang lang ako sa gulat ng bigla na naman bumukas ang pintuan ng kotse at bigla nalang may humila saakin! “Who are you!? “ tanong ko sa kanya kahit pa nanginginig na ako sa takot! Pakiramdam ko nangyari na naman ito! But this time nakikita ko na ang mukha ng taong humila saakin! “Halika kana kung gusto mo pang mabuhay damn it! “ mura pa niya kaya naman sa inis ko! Tinanggal ko ang kamay niya! Ngunit bigla nalang may putok ng baril na tumama sa gawi namin! Napasigaw pa ako sa sobrang pagka gulat! "Ayyy! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD