Chapter 7

2413 Words
MARGARETH POV “Demmen! “ puro mura nalang ang naririnig kong lumalabas sa bibig ng lalaking 'to! Kaya hindi ko maiwasan ang masamang tumingin sa kanya! Kahit pa pinaputukan na kami ng baril! Akala ko nga kanina tinamaan na siya dahil bigla siyang tumahimik ng sumigaw ako, 'yon pala nakatitig lang ang hinayupak saakin na akala mo naman may mali sa suot ko! Kung siguro sa magandang sitwasyon kami nagka tagpo ang lalaking to baka nasampal ko na siya dahil iba ang titig niya halos kilabutan pa ako. Bwisit siya! Hinila niya ako palayo sa putukan at meron siyang tinawagan at nakikipagsabayan pa siya sa barilan na para bang sanay na sanay siya. “Dude! I need your back-up! We’re here at the—” tumingin muna sa paligid bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya sa kanyang kausap at ito na naman nakatitig na naman sa akin! Kaya naman pinaikutan ko siya ng mata! Hindi naman ako takot sa kanya mas takot ako sa mga taong bumaril sa amin. “Malapit sa bahay ni P—” hindi na naman niya tinuloy dahil nakatingin na naman sa akin ang hinayupak! Mukhang manyak ang gago! Kaya tumalikod na ako sa kanya. “Dito yata ako mamatay Dyos ko… “ peping dasal ko pa at tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang aking mga braso! Ngayon ako nagsisi kung bakit ito ang sinuot ko sa party ng anak ni Trizia. Mukhang nakadama naman ang manyak! Dahil tumalikud siya. At hindi ko na narinig ang sinasabi niya sa kanyang kausap dahil sunod-sunod na naman na putok ang tumama sa aming pinagtataguan. Naka tago kami sa malaking puno, at pansin ko sa aking kasama. Kapag may putok yumayakap saakin. “C’mon! “ sigaw na naman sa akin! Sabay hila na naman sa aking kamay! Kulang na lang ma ba-le na ang mga braso ko sa kahihila ng hinayupak na ‘to! Ngunit wala naman akong magagawa dahil ako din naman gusto kong matakasan ang mga goons! Kung bakit kasi gustong-gusto nila akong pinagbabaril na wala naman akong alam na kaaway kahit sino! “Sandali nga! Nasaan ang mga bodyguard ko? “ tanong ko sa taong kanina pa ako hinihila, ni hindi ko na rin napansin na magkahawak–kamay na pala kami! Bwisit! Agad ko naman tinanggal ang kamay ko sa kanya, mukhang naka halata naman ang manyak! Dahil hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng labi niya! Mukhang natutuwa sa sitwasyon ko ang hinayupak! Hindi kaya, siya ang mastermind tapos kunwari hero ko siya? "Omg! No!" Mga pumapasok sa aking isip ngunit nakita ko siyang napakunot ang kanyang noo! Mukhang alam niya ang nasa isip ko! Ganun na ba ako ka halata kahit pa mga friends ko alam nila kung ano ang nasa isip ko! Hindi kaya nagkataon lang or halata lang talaga! “Look miss, I am not what you think! Pasalamat kapa dahil nilalayo kita sa mga taong gustong pumatay sayo! Siguro mga boyfriend mo yun na pinaasa mo kaya ayan gusto ka nalang patayin! “ sabi pa saakin na akala mo isa akong masamang babae! Kung alam lang ng lalaking ito na wala ako ni kahit isang boyfriend! Ang sarap talagang tirisin nakaka-inis siya! Bwisit talaga siya! “Hoy! Simaptikong mama na pangit! “ sigaw ko sa kanya! Wala akong pakialam kung ibibigay n’ya ako sa mga goons dahil hindi ko na kaya ang ugali niya! “For your information! Wala akong kaaway! Aba malay ko! Kung ikaw pala ang mastermind tapos kunwari iligtas mo ako! Hindi ba yan ang totoo! “ Sigaw ko sa kanya dahil ubos na ang pasensya ko sa kanya! Nawala na rin ang kaba ko sa aking dibdib ngunit ang galit ko sa taong kasama ko ngayon ay mas lalo pang nagliliyab! Biglang natahimik ang hinayupak! Ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paglunok niya dahil nakita ko ang pagtaas ng adams apple nito, kahit pa madilim ang paligid! Paano ba naman kasi E’ magkadikit kami, ngunit nagbalik ako sa ulirat ng sinundan ko ang kanyang mata kung saan nakatingin! At walang iba kundi sa cleavage ko! Kaya naman nasampal ko siya ng hindi ko namalayan! “Pak! “ tunog ng aking sampal sa kanya at hindi pa ako na kuntento! Mukhang hindi naman niya inaasahan ang ginawa ko! “Hoy manyak! Mas gustuhin ko pa ang mamatay sa bala kaysa gaasahin mo dito hayop ka! Ibalik mo na ako sa mga bodyguard ko manyak ka! “ Sigaw ko sa kanya sabay suntok ko na rin! Hindi naman siya lumalaban dahil hindi naman siya gumagalaw! Basta hinahayaan lang niya ako sa aking ginagawa sa kanya. “Are you done, “ malamyos na niyang tinig na para bang nagpagaan pa sa akin ka looban, hindi ko naman siya sinagot dahil nanginginig na ako sa iyak! Napahagulhol pa ako dahil pakiramdam ko dito ako kumukuha ng aking lakas. “Please! I want to go home, “ mahina kong sagot sa kanya habang ako ay umiiyak! Alam ko naman na narinig ako. “Just wait a while, darating na ang mga tinawagan ko at makauwi kana, don’t worry, stop crying. “ sagot niya sa akin na malamyos ulit ang kanyang boses, kaya kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakita ko pa na tinanggal n’ya ng kanyang jacket at nagulat ako ng binigay niya sa akin. “Wear this, then you feel comfortable, “ sabi pa saakin, sabay bigay ng kanyang jacket, dali-dali ko naman na kinuha ngunit dahil nga nanginginig ako hindi ko masuot ng tama! Kaya siya na ang nag suot sa akin! Hinayaan ko nalang din, dumikit pa ang palad niya sa balikat ko,napaigtad pa ako, pakiramdam ko may kuryente at para akong napaso, dahil sa hindi ko maintindihan na dahilan! Mukhang pareho pa kami yata dahil ganun din siya, at bigla nilayo ang kanyang mga braso na dumikit sa aking balat. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil puro naman kakahoyan ito. Madilim na rin ang paligid. Takot na takot ako ngunit nawawala naman dahil dito sa kasama ko. Ngayon hawak kamay kami na binabagtas ang kagubatan kung saan niya ako dinala. Bigla na rin ako natahimik dahil umurong na yata ang aking dila. Wala na rin akong pakialam kung magkahawak kamay kami ngayon! Kung sa ibang sitwasyon lang siguro ito at baka pag-isipan pa kaming may relasyon! Hindi rin lingid sa akin na medyo nag namula pa ang aking pisngi, dahil naramdaman ko ang init. Buti na lang at madilim ang paligid. “ Are you ok? “ tanong niya sa akin, kahit boses niya masarap sa pakiramdam. Nakalimutan ko tuloy ang kasungitan niya kanina. Ngunit heto na naman ako! Dahil naalala ko na naman kung paano niya ako kanina sigawan! Kaya imbis na sagutin ko siya tinalikuran ko at nag walk–out ako sa harap niya! Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko! At ito na naman sumisigaw na naman siya! Ni hindi pa nga nag sorry sa akin! Bwisit siya! “Damn it! Wait miss! Baka mapahamak ka pa diyan! “ Tawag niya sa akin, wala akong pakialam basta makaalis na ako sa tabi niya! Dahil galit ako sa kanya! Ngunit napatigil ako dahil parang may malambot akong naapakan! Feel na feel ko talaga dahil nakasuot pa ako ng silicon high heels. “s**t! “ rinig kong lumabas sa bibig niya, kahit medyo malayo sa akin. Natatakot na ako aalis na sana ako ng nagsalita siya, malapit lang siya sa akin dahil may hawak siyang cellphone yun ang gamit niyang ilaw namin. “Don’t move, “ mahina n'yang boses, sabay labas sa baril niya! Gusto ko man sumigaw pero parang umurong ang dila ko! Ako ba ang ba-barilin niya? Nawalan na siya ng pasensya sa akin kaya papatayin na lang niya ako? Napaigtad ako sa isang putok ng baril, akala ko ako yung tinamaan! Nanginginig ang aking mga tuhod sa sobrang takot! Pakiramdam ko matutumba na ako ng biglang may yumakap saakin. “Shhh, your safe, I’m sorry, “ Naiyak ako sa sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko nag so–sorry siya dahil ginawa niya kanina! Kaya naman napahagulhol na naman ako sa iyak! Hanggang sa may narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan na para bang papunta sa gawi namin. Samantalang ang kasama ko, parang walang pakialam sa paligid! Dahil naka yakap pa rin saakin. Hinayaan ko nalang dahil pakiramdam ko gumagaan ang aking nararamdaman takot. “Andito sila nakita ko na! “ sigaw ng isang boses na kilala ko, dahil ang head lang naman sa mga bodyguard kong si Pepito! Ngayon lang natauhan ang aking kasama. Marami na rin Police ang nag responde! At nabigla pa ako dahil kasama si Daddy? “Dad! “ tawag ko at tumakbo ako sa kanya! Niyakap naman ako ni Dad na mukhang nag-aalala siya. Ganito si Daddy kapag nasa piligro ako laging nagpapakita! Minsan tuloy naisip ko hindi yata lumabas sa Bansa! Sinasabi lang na nasa ibang Bansa pero ang totoo nakabantay sa akin. “Anak, are you ok? “ May pag-alala sa kanyang tono! Tumango lang ako dahil pakiramdam ko wala na akong boses. Ngunit nakita kong tumingin si Dad sa aking likuran. “Wait anak, kakausapin ko lang ang tumulong sayo, do you know him? “ tanong pa niya sa akin, umiling ako bilang sagot sa kanya. As I said umurong ang dila ko. “I understand my princess, “ sagot ni Dad sa akin na para bang naiintindihan ako dahil walang lumalabas na boses sa aking bibig. “Young man! “ Parang natuwa pa ang tono ni Dad pagtawag niya sa lalaking kasama ko kanina. “Sir, Good evening. “ matigas na boses ng lalaki! Kanina lang parang musika saakin pandinig ngayon lalaking-lalaki na! Na para bang hindi natatakot kahit sino ang kaharap. “And you are? “ tanong agad ni Dad sa lalaki, samantalang ang mga Police naka search area! Si Pepito naman nakamasid sa paligid. “Andrew Falcon Sir. “ matigas pa rin na boses ng lalaki, napatango, tango naman si dad! Na akala mo tuwang-tuwang sa kausap niya. Pati pangalan n’ya lalaking-lalaki. “Well, Thank you, Young man. To save my daughter in danger, “ Ramdam ko naman na sincere si Daddy sa kanyang sinabi sa kaharap nito. “It’s ok Sir! Kahit naman siguro sino kung makita na may panganib ang buhay at nangangailangan ng tulong ay gagawin din ang ginawa ko Sir, isa pa napadaan lang ako Sir, “ Sagot ang nag nga- ngalang Andrew. Hindi ko naman maiwasan ang hindi nakasimangot sa sagot ng lalaking tumulong sa akin. “Yabang! “ bulong ko pa! Hindi ko alam kung narinig nila ako! Dahil na pasulyap pa sila Daddy at ang kausap niya sa gawi ko. Hindi naman kasi kalayuan ang kinatatayuan nila. “Bueno hijo, meron kabang pinagkakabahalan? O trabaho? Kailangan mo ba ng trabaho? “ sunod-sunod na tanong ni Dad sa kaharap niya! Nainip na din ako at mukhang bumalik na ang boses ko! Isa pa hello! Nakalimutan yata nila na nasa gitna kami ngayon nga kagubatan! Kaya naman sumigaw na ako! “Daddy! Wala kabang balak na umuwi ? Excuse Dad! Omg! Nasa kagubatan tayo Hello! “ suplada kong sigaw sa kanya! Narinig ko pa ang tawanan ng mga Police, hindi ko sure kung Police nga ba sila dahil kakaiba naman ang uniform nila! Hindi rin nakaligtas sa akin ang tingin nila sa kasama ko kanina, pero saglit lang naman. Mukhang hindi naman sila nagkakilala. Pero si Pepito parang kilala niya ang taong nagligtas sa akin dahil nag-uusap na sila sabay sulyap pa sa gawi ko! Sakto naman na nakatingin din ako sa kanila at nagkakatitigan na naman kami ngunit saglit lang dahil tinaasan ko siya ng kilay! At ayon na naman nagtatawanan na naman ng mga Police! Para ngang nakabantay sila sa lahat ng galaw ko e' or galaw ng mayabang na lalaki. Papito-pito pa ang isang Police kung hindi ako nagkakamali, siya ang nagpakilala sa amin kanina ni Joy, at ito na lumapit na saamin partikular kay Dad. “Good evening Sir, Miss! I am Lieutenant Carreon from FBI, “ pakilala niya sa amin. Sabay tingin sa akin, at nakilala nga niya ako agad. Hindi na ako magtataka dahil sa una palang kilala na niya ako. “FBI? “ pag uulit ni Dad sa nagpa kilalang FBI, parang nagliwanag pa nga ang mukha ng aking ama sa narinig niyang FBI mula sa kanyang kaharap! “Yes, Sir! Sakto naman na pauwi na kami galing sa Party, at napadaan kami dito, at narinig nga namin na may barilan na naganap! Don’t worry Sir! Dinala na namin ang mga armadong kalalakihan sa headquarters, pumunta nalang kayo doon at alamin kung ano talaga ang pakay nila, pero kung hindi ako nagkakamali mukhang ang anak niyo talaga ang ponterya nila Sir. “ mahabang litanya nu Lieutenant Carreon sabay tingin pa saakin. Akala ko pa naman kanina, businessman. S’ya lang kasi ang naka tuxedo sa kanilang lahat. Nakikinig naman si Dad at mukhang seryoso na ang kanyang mukha. Napapansin ko rin kasi, magmula ng nagsimula na akong magtrabaho sa kumpanya namin lagi na lang nasa piligro ang aking buhay specially kapag may lakad ako sa gabi! Katulad na lang ngayon. “Ok Lieutenant, Thank you! “ yun lang ang sinabi ng aking Ama sa kausap nito! At nag–kamayan na sila. “Ihahatid na namin kayo Sir. Baka meron pang nakasunod na mga kalaban na naiwan, mas mabuti na ang sigurado, “ dagdag pa ni Lieutenant Carreon. Wala naman nagawa si Dad ang totoo n’yan malaking pabor pa ang ginawa ng mga FBI para sa amin. Pero napansin ko, wala ang nagpakilalang Andrew Falcon kanina! Tumingin pa ako sa paligid ngunit wala na talaga! Pati sa gawi ni Pepito wala din, dahil si Pepito lang ang nakikita ko. Nakahawak naman ako sa braso ni Dad. “Are you ok anak? “ malamyos na boses niya sabay hawak sa mga palad ko, nginitian ko naman siya at tumango ako bilang sagot sa kanya at patuloy na kami sa paglalakad hanggang sa nakarating din kami kung saan ando’n ang mga sasakyan. Pinapasok na ako ni Dad sa loob ng kotse at ngayon ko lang napansin ang jacket ni Andrew, Yeah! I remember his name kahit pa hindi siya pormal na nagpakilala sa akin. I don’t understand myself na para bang hinaplos ang puso ko ng maalala ko siya! Pero sumimangot ako bigla, dahil naalala ko kung, paano niya ako sigawan kanina. Ang pangit na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD