Chapter 8

2239 Words
MARGARETH POV KINABUKASAN! Nagtataka ako dahil nandito si Dad sa mansion. Supposed to be, wala siya ngayon! Well, siguro dahil sa nangyari sa akin kagabi kaya nandito siya ngayon. Nasa taas pa lang ako ng hagdan ng narinig ko na ang malakas niyang tawa! I was surprised because I hadn’t heard my father laugh in a long time! Kaya naman nagmamadali pa akong bumaba sa hagdan. Nakasuot lang ako ng manipis na pantulog na short at spaghetti strap dahil maaga pa naman. Hindi narin ako nag suot nang robe dahil alam ko na walang ibang tao sa loob ng mansion. Mamayang alas nueve pa ang pasok ko sa work. Hindi ko rin naman alintana ang suot ko dahil nakasanayan ko na! Isa pa wala naman ibang tao sa loob ng bahay namin kundi ang aming mga kasambahay at halos lahat naman sila babae. Dahil ang mga bodyguard namin ay sa labas lang sila, at meron silang tirahan sa labas ng mansion. “I am happy your back young man! “ sa sinabi ni Dad, medyo kinabahan ako. Dahil nasa dulo na ako ng hagdan! Dalawang palapag na lang ay nasa living room na ako. Bigla nalang nagdaragundong ang aking puso sa hindi ko maintindihan na dahilan. “Maganda ang offer mo Don Bernardo. Isa pa kailangan ko ng pera. Sino ba naman ang tatanggi sa grasya. “ Narinig kong matigas na sagot ng boses lalaki! Parang kilala ko ang boses na 'yon! Pero ano daw? Pera? At anong pinag-uusapan nila? Dahil curious ako, hindi ko na alintana ang suot ko at nakalimutan ko na! Kaya naman lumapit na ako sa kanila! Mukhang hindi nila inaasahan ang dating ko! Kung sabagay nga naman alam ni Dad na tanghali na ako nagigising! Pero hindi naman katulad ngayon dahil may trabaho ako noh! “What is this Dad? Anong offer na pinagsasabi nito? “ tanong ko agad sa aking Ama at turo ko pa sa lalaking bigla-bigla nalang tumalikod at napa mura pa siya dahil rinig ko pang nag Damn it na naman! Parang paborito niya ang katagang 'yon! “Uh, hija! It’s early in the morning you’re a wake? “ gulat naman si Dad saakin! Ni hindi nga ako pinansin sa tanong ko at tinawag pa si Yaya! “Yaya Soledad! Give a robe of Marga please! “ sigaw ni Daddy sa akin Yaya! Ngayon lang ako nagising sa katotohanan na ang nipis pala ng damit ko! Kaya pala ang hinayupak tumalikod! Pero duda ako malamang gustong gusto niya kapag wala siguro si Dad! Namula pa ang mukha ko sa kahihiyan! Habang si Dad napa-iling na lang sa akin! Pero hindi ako nagpa halata na napahiya ako noh! Agad naman dumating ang Yaya ko, at to the rescue! Napangiwi pa ako dahil tinignan pa ako ng aking Yaya nang pataas pababa dahil siguro sa aking itsura ngayon! Pinaikotan ko siya ng mata at yun agad-agad naman na pinasuot sa akin ang aking robe. “Ok young man, pwede ka nang humarap. “ pag basag ni Daddy sa katahimikan, at ang hinayupak humarap naman sabay sulyap pa saakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay! Hindi rin naman nakaligtas sa akin ang pagtaas ng adams apple at paglunok niya bago nagsalita! Habang ako nakikinig. Na parang walang nangyari! Kahit pa gusto ko ng lamunin sa kinatatayuan ko ngayon. Pero hindi ako nag– pahalata. “Ahm! Kailan ba ako magsisimula Don Bernardo? “ matigas niyang boses, dahil naguguluhan ako pakiramdam ko naman may kinalaman ako kaya naman sumabat ako! “Excuse me! Dad, anong pinagsasabi nito? “ tanong ko sa aking ama sabay turo ulit sa lalaking kasama namin! Ay kasama niya pala dahil ako naman ang saling pusa dahil lumapit lang naman ako na walang pasabi! “Hija, siya ang Personal mong Bodyguard, siya ang inatasan kong magbabantay sayo in 24/7 hours! “ sabi ni Daddy sa akin na ikinagulat ko pa! Mukhang seryoso naman ang aking Ama! “What? Personal bodyguard? Are you kidding me right dad? Do you? “ tanong ko sa kanyang sinabi, I can’t believe na binigyan ako ng personal bodyguard? As in ang nakasunod lahat ng galaw ko! No! “Mukha ba akong nagbibiro anak? “ balik tanong naman ni Dad saakin! Omg mukhang seryoso nga ang aking Ama sa gusto niyang gawin! “No, Dad! Don’t do this to me please! I don’t need a bodyguard! At dito mo pa ako ipa bantay? No! “ matigas ang pagtutol ko sa aking Ama! Samantalang ang kasama namin tahimik lang naman na para bang walang pakialam sa nangyayari dito sa mansion kahit gusto ko ng sumigaw sa sama nang loob ko! “Margareth! “ Boses ni Dad, kaya bigla akong natahimik! Hindi galitin na tao si Daddy pero minsan lang niya ako tatawagin sa buo kong pangalan! Dahil si Mommy lang ang tumawag sa akin 'yon. “Daddy, “ parang gusto kong maiyak sa pagtawag niya sa pangalan ko, pero umurong ang dila ko dahil sa kasama namin! At bumalik na naman ang sama ng loob ko! “Hija, si Mr. Falcon ang magiging Personal bodyguard mo hanggat hindi pa nahuhuli ang mastermind na gusto kang kunin saakin, do you understand Anak? Please Anak para din naman sayo to, “ Mahinahon na paliwanag ni Dad saakin, wala naman na din akong magawa dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko sinagot ang aking Ama, basta umalis nalang ako sa harapan nila! Inirapan ko pa ng tingin ang taong magiging Personal bodyguard ko! Ngumisi pa ang gago bwisit siya! Pero bago ako makalayo sa kanila narinig ko pa ang sinabi ni Daddy sa kanya. “Take care of my daughter, young man! I trusted you. “ ramdam ko na sincere sa sinabi ni Dad sa kausap niya! Hindi ko na hinintay ang sagot ng Personal Bodyguard (PB) ko dahil malayo na ako sa kanila at dali-dali na akong umakyat sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Iniisip ko ngayon kung bakit ganun na lang magtiwala si Dad sa taong kausap niya kanina! Oo, nga iniligtas ako ng taong yun pero hindi ba alam ni Dad na baka isa yun sa mga gustong mawala ako sa mundo? Anong malay ko! Hindi yun mawala sa isip ko. “Sus, ang sabihin mo gustong-gusto mo ateng, aminin mo, gwapo si fafa Falcon ayeh? “ sigaw ng isang bahagi sa utak ko! “No! “ agad kong sigaw naman! Bwisit! Sigaw ko ulit! Napaigtad pa ako ng may kumatok sa aking pintuan! “ Anak, sabi ng Daddy mo bumaba kana daw at kakain na, “ si Yaya ang nasa labas ng aking kwarto! Pag tingin ko sa orasan mag aalas otso na pala! Ang tagal ko na palang nag-isip! Napaigtad na naman ako ng kinalabit ako ni Yaya dahil nakapasok na pala siya ng hindi ko namalayan! “Anak! “ sabay kalabit niya sa akin at hindi ko maiwasan ng napatalon sa gulat! ‘Ay herodes! “ sigaw ko sabay napatalon pa ako sa gulat! Nakita ko naman kay Yaya ng napa–kunot noo siya! “Yaya! Bakit kaba nanggugulat hah, “ hindi ko maiwasan ang hindi palakasin ang boses ko, mukha naman bale wala lang sa Yaya ko ang inasta ko dahil nakangiti pa siya sa akin na akala mo naman may nakakatawang nangyari! ‘Naku anak, nandito ako dahil naghihintay na ang Ama mo sa labas, sabay na daw kayong kumain dahil aalis na naman daw siya! Isa pa andito ako para ihanda na ang damit mo at baka makalimutan mong office ang pupuntahan mo anak, “ nakangiting bulalas ni Yaya saakin sa dulo na sinabi niya! Alam ko ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina. “Yaya, yung nangyari kanina—” hindi ko matuloy ang tanong ko dahil nahihiya ako sa Yaya ko, wala pa naman akong bra kanina! Nakita kaya ng taong 'yon! Manyak talaga siya! Mga himutok ko sa aking sarili. “Anak, wag mo nang isipin yun, wag kang mag-alala nakatalikod naman si pogi, “ hagikgik pa ni Yaya na akala mo teenager kung magsalita! Kaya naman nasigawan ko siya ulit! “Yaya! I hate you na! “ kunwari galit ako sa kanya pero tumawa lang ang matanda! At humarap sa akin, “E', anong sasabihin ko anak, na nakita ka? Naku bata ka! Kung bakit kasi makakalimutin kana ay kabata-bata mo pa! “ sermon niya sakin kaya napa–yakap na ako sa kanya! “Thank you Yaya hah! Bakit pala ang bilis mo kanina na nagbigay ng robe ko? May magic ka? “ tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang napagtanto na mabilis nga si Yaya E' matanda na siya! Aakyat pa siya sa taas tapos baba! Oh diba! “Ang totoo n’yan anak, nakita kita kanina na bumaba na! pigilan sana kita kaso dumeretso kana sa dalawa kaya inutusan ko si Elsa na kunin ang robe mo dahil matanda na ako, at bigay ko na sana sayo bago kapa lumapit sa Ama mo, at yun nga nahuli pa ako ng dating! “ mahabang paliwanag ni Yaya saakin. “Yaya, malaswa ba kanina ang suot ko? “ tanong ko sa aking Yaya nakangiwi pa ako! Tumingin pa saakin bago siya sumagot. “Anak, hindi naman! Ang ganda-ganda mo nga kanina eh, para ka ng model sa tanduay! “ biro pa ni Yaya sa akin kaya napapadyak ako sa inis! “Yaya!” sigaw ko sa kanya dahil mukhang pinagtripan na ako ng matanda! Tumawa lang naman siya sabay labas na at bilisan ko pa daw dahil baka daw ma late pa ako! Wala na din akong sinayang na oras at binilisan ko na rin! Naligo na ako at tinawagan ko na si Joy! Dahil alam ko naman maaga yun pumapasok! Sinabi ko na sa kanya ang mga papeles na kailangan ko ngayon. Pagbaba ko narinig ko na naman ang tawa ni Dad! Ngumiti pa ako dahil masarap sa pakiramdam na marinig na tumatawa siya! Kaya naman dali-dali akong pumasok sa dining at malawak ang ngiti ko, ngunit nawala ng makita kong ando’n ang herodes! “Really? Kasabay ni Dad ang bago kong Personal bodyguard? “Napataas pa ako sa kilay sa nadatnan ko! At ang hinayupak parang walang nakita dahil dedma lang niya ako! Hello ako kaya ang amo niya! Haller! “Hi Dad! “ agaw pansin ko sa aking Ama! Pati ang Ama ko hindi rin yata ako napansin dahil kay herodes siya naka focus! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain! “Oh anak! Kanina kapa namin hinintay, pasensya kana at gutom na daw si Mr Falcon dahil mahaba ang byahe niya kanina, “ sabi ni Dad saakin, hindi ko naman sinabi na magpaliwanag! At wala din akong paki-alam noh! “Whatever Dad! “ walang gana kong sagot sabay taas kilay sa kaharap ko! Unang araw pa lang niya nakuha na niya agad ang tiwala ng aking Ama! Kakaiba ang lalaking to! Pero kumukulo ang dugo ko sa kanya! Tapos na kaming kumain at nauna ng umalis sila Dad kasama ang kanyang mga alepores! Oh yeah, ALEPORES ang tawag ko sa mga bantay niya na akala mo isa siyang Presidente sa dami niyang bantay! Kung sabagay nga naman E’ mayaman si Dad. Lumabas na ako at nakita ko naman na nakatayo na lahat ng bodyguard ko sa labas! Pati ang new personal bodyguard ko na mukhang mayabang ang dating! Nakasuot lang naman siya ng leader jacket at naka sunglass akalain mong isa siyang action star! Nakatingin lang sa akin ang hinayupak at hindi man lang ako pinag buksan ang pintuan! Kaya naman nakatikim na ulit siya sa akin kahit ang aga-aga! “Excuse me Sir! Baka gusto mong pagbuksan ako ng pintuan ng kotse kung hindi po ikasasama ng loob mo? “ nakakainsulto kong tanong sa kanya pati ngiti ko pilit! And I know he knew that! Pinag buksan naman ako! Na walang imik! Napahiya siguro! Sabi ko sa loob-loob ko! Hinihintay ko naman na pumasok si Pepito or driver namin ngunit wala akong makita na lumapit ni isa sa kanila! Nagtaka pa ako! At ang herodes ang pumunta sa driver seat! Hindi ko rin maiwasan ang hindi magtaka! Kahit pa ayaw ko siyang kausapin! Nakikita ko kasi na nakatayo sila Pepito sa hindi kalayuan na nakangiti pa habang nakatingin saamin! Sakto naman na napa–dako ang tingin niya sa akin at tinawag ko siya! Patakbo pa siyang pumunta sa aking gawi. “Bakit Ma’am? “ tanong niya agad saakin, samantalang ang driver ko kulang nalang paliparin na ang sasakyan kung hindi ko lang siya sinamaan ng tingin! Dahil nilakasan pa ang ugong ng kotse! Nang-aasar ba siya? Pero binaling ko na ang atensyon ko kay Pets. “Hindi kaba sasama sa amin? “ mabait kong boses kay Pepito, wala naman kasi binibigay na sakit ng ulo ang bodyguard kong to! Hindi katulad ng bago na ewan ko ba kung bakit ang init-init ng dugo ko sa kanya! “Naku ma’am! Si Sir Andrew lang ang kasama niyo ma’am, susunod na lang kami ma’am! “ pakamot-kamot naman sa ulo na sagot ni Pepito saakin! Tinanguan ko lang siya at sinara ko na ang salamin ng bintana nang kotse. Samantalang ang herodes seryoso na naman! Hindi na din ako umimik at agad na niyang pinasibad ang sasakyan. At muntik na akong napa–subsob sa harapan! “Hayop ka talaga herodes ka!! “ sa isip-isip ko dahil parang gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino sa sobra kong inis sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD