MARGARETH POV
“Brandon ano 'to? “ hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa kaharap ko ngayon.
Ito ang mga papeles na pinag-aralan ko. Dahil binalik sa akin ang mga papeles na hindi pa daw ako nakabayad ng delivery papuntang Cebu? Habang si Brandon ay hindi maka imik.
“If I am not mistaken. I’ve give you the payment for this already isn’t it? “ tanong ko ulit sa kanya. At binagsak ko sa mesa ko ang folder kung saan ando’n ang record ng nasabing delivery.
“Marga, let me handle this ok, relax, we have time, “ Sagot niya sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kanyang panga.
“Brandon, this is serious, we talk million’s here! It’s not only about me or you? This is all about our company! Ano na lang ang sasabihin at isipin ng mga board members kapag nalaman nila ito? “ frustrated kong sagot sa kanya.
‘Ok, give me two days ok, I can handle this. N–Nabayaran ko na mga yan. So don’t think too much, maybe t–they make wrong, “ halata sa sagot niya ang pagkataranta. Kaya naman tiningnan ko siya ng seryoso at halos hindi niya maiangat ang kanyang mukha saakin.
“I’ll give you two days, Brandon. But if you make a problem again. I’m sorry to tell you, but I need to tell everyone, especially Dad and board members. “ sagot ko sa kanya. Tumango naman siya saakin.
“You may go, “ Utos ko pa sa kanya. At hindi na naman nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kanyang panga.
“I am not you staff demment! “ Narinig ko pang may binulong siya ngunit hindi ko na maintindihan at lumabas na sa opisina ko.
“Coffee? “ nag angat ako ng ulo sa boses ni Joy mula sa pintuan hawak ang isang tasang kape na umuusok pa. Kaya naman binaba ko na ang folder sa mesa ko at napa hawak pa ako sa aking sentido.
“Yes please, thanks Joy! “ pasasalamat ko sa kanya at agad naman niyang nilapag sa mesa ko.
“Relax, wag mong masyadong isipin yan, naku tingnan mo, may linya na ang noo mo, “ biro pa niya sa akin, kaya simaan ko siya ng tingin,
“ Eto naman oh dina mabiro, sus! Fyi mis mo na Sir Pogi noh? “ dagdag pa niya saakin.
Oo nga! Dalawang araw na ang nakalipas at nagpaalam si Andrew. Hindi ko alam kung saan siya pumunta basta si Dad ang kinausap niya. Kaya ang bantay ko ngayon ay si Pepito.
Mula sa araw na ‘yon. Kinabukasan nagpaalam siya kay Dad. Ayaw ko naman magtanong sa Daddy ko dahil naunahan ako ng hiya. Basta ang sabi sa akin ni pangit ay meron daw siyang importanteng lakad.
Nahiya naman ako. Pero sumagi sa isip ko ang babaeng nagugustuhan niya.
“Erase Marga! Erase! “ bulong ko sa hangin. At napa iling pa ako.
Hindi na ako nag tanong dahil may hiya naman ako kahit paano. Kaya nag–fucos ako sa work ko at ito naman ang aking nalaman.
Dapat isang linggo na ay naka deliver na sila ng mga staff toys sa Cebu. Ngunit dahil daw walang payment sa truck ay nadelay ito. Ang hindi malinaw sa akin, pinirmahan ko na ang lahat ng documents at ready na for delivery. Dahil pirma ko lang ang kulang at bayad na lahat.
“Ang layo ng isip mo hah! Sus hindi halatang namis mo siya? Kung sabagay ikaw ba naman ang halikan! “ nagbalik ang diwa ko dahil sa sinabi ng aking kaibigan na secretary ko ngayon.
Nagsisi tuloy ako na-kwento ko pa ang nangyari! Ang seste kilig na kilig ang gaga!
At ito siya ngayon, wala nang ibang ginawa kundi sabunin ako. Sinasabi ko na nga ba!
Dahil sa araw na yun hindi niya ako tinantanan!
“Oh tahimik na? Wag kang mag-alala friend ikaw lang ang babae ni sir pogi. “ parang sigurado pa niyang tugon saakin. Tinignan ko lang siya. Ngunit ito siya naka ngisi na!
“Sus! Ayan oh, namumula na ang pisngi! Nag bla-blush ka besh! “ kantyaw pa saakin. Kaya naman pina seryoso ko na ang aking mukha dahil alam kong hindi n’ya ako titigilan.
“Joy please not now, “ sabi ko sa kanya, mukhang tumalab naman dahil tumahimik na siya.
“Ok miss B. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka po, ba–bye! “ Maharot pa niyang paalam sa akin, tinanguan ko siya at tuluyan na siyang lumabas sa aking opisina.
Napalalim pa ang hinga ko ng makalabas na ang aking kaibigan.
Yes, she’s right. I miss him so much! I don’t understand why. Magmula kasi ng panay halik na saakin parang hinahanap ko na lagi ang presensya niya. Siguro nga gusto ko na siya? O must be say, Im inlove?
Wala din naman kaming officially relationship. Basta ang alam ko nagkakaunawaan kami. Not like the others na meron silang tinatawag na goals and rules.
Huminga muna ako ng malalim bago ko tinuloy ang pagbabasa ng mga papeles. Dahil iba an ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko rin namalayan ang oras.
“Lunch ready miss B! “ masiglang bulalas ni Joy pagka pasok niya sa aking office bitbit ang lunch na galing na naman sa isang resto na naging paborito ko na.
Miss B ang tawag niya sa akin dahil sa aking Apelyidong Bernardo.
“Thanks Joy, halika sumabay ka na sa akin hindi ko naman n’yan maubos. “ aya ko pa sa kanya.
“No thanks, Miss B pero kumain na kasi ako eh, “ hagikgik pa niya. Kaya napaangat ako ng ulo at napaka kunot noo ako, dahil iba ang ngiti ng aking kaibigan. Ngunit parang alam niya ang laman ng isip ko dahil sumagot pa kahit hindi naman ako nagtatanong.
“Ahm, sabay kami ni Pets, “ parang kinikilig pa niyang bulalas saakin. Tumango ako sa kanya bilang sagot sabay ngiti ng may kahulugan.
Kumain na lang ako mag isa ng lumabas na si Joy mula sa aking office.
Ang bilis ng oras, dahil nag-uunahan na naman na magsi–labasan ang mga empleyado sa kumpanya. Nakatingin ako ngayon sa baba ng bailding namin. Tanaw ko mula dito ang mga empleyado.
Bata pa lang ako, nakikita ko na sila. Dahil noon paman, lagi na ako sinasama ni Daddy dito sa kumpanya. May naalala naman ako konti nung aking childhood. Yun nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit para napili lang ang aking maalala.
Ayaw ko naman tanungin ang aking ama dahil alam ko hindi din niya sasabihin sa akin kung bakit. Minsan tuloy napapa isip ako kay Dad, parang ayaw niyang balikan ang aking childhood. But sometimes I understand him because maybe it's about my mom.
Hays! Malalim kong hinga. Tinignan ko pa ang orasan sa side table ko, it was 5:30 in the afternoon. Siguro nakalabas na si Joy.
Kinuha ko na rin ang aking Gucci bag at umuwi na rin ako. Gusto ko man sana pumunta sa bar kaso i-uwi ko na lang pakiramdam ko kasi, pagod na pagod ako ngayon kahit wala naman akong ginagawa.
“Talaga? Yung totoo, wala ka talagang girlfriend? Baka nagkukunwari ka ha? “ paglabas ko ng office ko, maharot na boses ni Joy ang aking nabungaran kasama ang bodyguard kong si Pepito.
Hindi pa ako nagsalita dahil mukhang hindi naman nila ako naramdaman dahil busy silang dalawa sa pagha-harutan.
“Wala nga, ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin buhay Joy, ang aking ligaya, “ corning sagot ni Pepito.
Gusto ko man matawa sa kanilang dalawa ngunit nag pigil ako. So, meron pala silang tinatago hah! Samantalang ang kaibigan ko todo kilig naman. Dahil napa hawak pa ito sa kanyang mukha na akala mo isang teenager!
“Talaga? O my Pepito, pakiramdam ko mahal na din kita, “ sagot ni Joy na pa kurap-kurap pa sa mata.
Hanggang sa magtitigan ang dalawa! Na parang may gagawin! Kaya napa tikhim na ako, at bigla pa silang nagkahiwalay. Siguro dahil hindi nila inaasahan ang presensya ko.
“Ahm! Hindi pa ba kayo uuwi? Ako gusto ko nang umuwi, “ sabi ko sa kanila at seryoso ang mukha ko. Pero ang totoo gusto ko matawa sa kanila dahil, parang nalugi sila ng million! Sa naudlot yata nilang halikan!
“Hi miss B, sorry po! Pasensya na! “ kunwari pakamot-kamot naman ang ulo ang sira ulo kong kaibigan, sabay pasimpleng ismid saakin. Mukhang nabitin ang loka!
“Ay, sorry ma’am. Akala ko kasi busy pa kayo. Yun kasi ang sabi ni Joy, “ pa kamot-kamot naman ng ulo ni Pets.
“Naku Pepito, alam mo ba na maraming namamatay sa maling akala? “ tugon ko kay Pepito at nilagpasan ko na sila, ngunit tumigil ako sa paghakbang, at tumingin sa aking kaibigan.
“Wait, Joy may driver kaba ngayon? “ tanong ko sa aking kaibigan.
“Hah? “ sagot niya sa akin. Ang gag* mukhang nawawala sa sarili,
“Sabi ko susunduin kaba ng driver mo? “ ulit ko sa kanya.
Mayaman din naman si Joy kaso mas gusto niya ang maging secretary ko dahil sakal na sakal daw siya do’n sa kumpanya ng kanyang ama. Ewan ko ba sa babaeng to ang arte din minsan. Pero love ko naman.
“Wala eh, mag taxi na lang ako siguro miss B. “ sagot niya sa akin sabay ngiti. Mukhang naka balik na siya sa sarili. At alam ko naman na sinakyan lang ang sinabi ko. Pakiramdam ko may binabalak ng kaibigan ko.
“Ok, you can join us, right Pets? “ tugon ko sabay sulyap kay Pets. Kanina lang napakunot noo din ang isang to eh! Fyi halata naman siya. At napansin ko pa nagbunyi si Joy. Sabi ko na nga ba eh!
“Ah, eh kayo ho ang bahala ma’am, “ kunwari pa n'y ang sagot sa akin. Kaya hindi na ako nag aksaya ng oras dahil gusto ko nang umuwi.
Pinagbigyan ko ang dalawa. Napailing pa ako sa kanila.
Una akong hinatid ni Pets sa mansion. Pinagbigyan ko na ang dalawa, dahil mukhang nagkakaunawaan naman. Naalala ko pa no’n si Joy minsan umiiyak. Dahil pinipilit daw s’yang ipakasal sa lalaking ni minsan hindi pa n’ya nakita. Kaya nga lumayas yun eh!
“Anak, ready na ang dinner. “ nagbalik lang ang diwa ko sa tapik ni Yaya. Nandito ako ngayon sa harden kung saan nakatingin ako sa mga bulaklak na ngayon ay lantana.
“Anak, hindi ka parin nakaka move-on d’yan? “ turo pa sa mga bulaklak. Kung sino ba kasing herodes na nagtanim dito na walang ugat?
Nagsimula lang naman 'to ng bumisita si Brandon dito sa mansion na may dalang bulaklak para sa akin. Ang hindi ko maunawaan, ay bigla nalang nawala ang dala ni Brandon, at kinabukasan marami ng bulaklak sa loob ng mansion pati harden. At 'to nga ang kalabasan.
“Yaya, sure ka talaga na hindi mo alam kung sino ang nagtanim d’yan? “ paulit-ulit kong tanong kay Yaya. Dalawang araw na din ang nakaraan.
“Hindi anak, “ paulit-ulit din naman na sagot ni Yaya saakin. Pati kay Pets nagtanong na din ako ang sabi hindi din alam. Alangan naman na kay Dad ako magtanong. Hays!
“Wag mo na kasi problemahin anak, hayaan mo at ipa imbestiga ko kay sir Andrew pagbalik niya. “ tugon pa ni Yaya saakin. Kaya napatingin ako sa kanya.
“Yaya, bakit napasok na naman si pangit usapan? Halika na nga! Gutom na ako! “ sagot ko sa kanya dahil isa pa tong Yaya ko asar din minsan. Dahil puro na sila Andrew sa mansion!
Anyway si Yaya lang pala ang kumatok sa banyo ko noon. Dahil kailangan ko daw kumain utos daw ni pangit. Ang weird! Hindi ba dapat si Dad ang mag-utos?
Buti naman sumunod na din ang matanda. Akala ko magtatanong na naman eh!
“Yaya si Dad? Hindi ba umuwi? “ tanong ko sa Yaya ko habang pumasok kami sa loob ng mansion,
“Ewan anak, alam mo naman ang ama mo, sumusulpot lang kung kailan gusto. May lahi yatang invisible! “ bulalas ni Yaya saakin sabay tawa pa, kaya pati ako napa sunod na rin sa kanya.
Natapos na ang hapunan. Mabilis lang lumipas ang oras. Nandito ako ngayon sa aking biranda. Nakatayo at nakatingala sa langit. As usual tulad ng dati kina kausap ko ulit ang mga bituin.
Ngunit hindi pa ako nagsisimula ay tumunog na ang aking cellphone na nakalatag sa mesa.
Bumili ako ng bago dahil yon ang utos ni pangit. Dahil ang cellphone ko daw ay nasira! Gusto ko man nagreklamo no’n ngunit wala na akong magawa. Lalo at kay Dad pa siya nagsabi.
Narinig ko ulit na tumunog ang aking phone.
Ignore’n ko sana kaso hindi naman tumigil sa pagtunog. Kaya kinuha ko na at sinagot ng hindi ko tinitignan kung sino ang caller.
“Hello! “ medyo irita kong sagot sa kabilang linya, ngunit walang sumasagot.
“Hello! Kung ayaw mo mag salita wag kang manira ng moment! “ sigaw ko sa kabilang linya. Sabay patay ang tawag niya.
“Hays! Sino kaba na istorbo! Nagmo-moment ang tao eh! “ maktol ko na akala mo nasa harapan ko lang ang kausap ko.
Ngunit bigla naman tumunog ang cellphone ko, patunay na may message.
“ Ang pag ibig ko sayo, ay parang paghinga. Bakit ko ititigil kung alam kong hindi ko na kaya. “
Basa ko sa message. Napa nganga pa ako sa text message kung sino man. Pero natawa naman ako dahil inulit ko pang binasa!
Kaya naman nereplyan ko. Siguro wrong send lang ito.
“Excuse me! I think you got the wrong number, “ send…..
Pero tumunog ulit ang cellphone ko, kaya naman binasa ko ang reply.
“You are the number one in my life. In my heart, in my soul. “ basa ko ulit sa message niya.
Papatayin ko na sana ang cellphone ko kaso meron pang kasunod na message.
“1 4 3.” Yan lang ang reply niya! Kaya iniisip ko kung ano ibig sabihin ng 1,4,3? Dahil ayaw tumigil sa kaka-text ay tinawagan ko ang number.
“Your number that you called is an attended out of coverage area! Please try again later! “
Rinig kong boses ng operator sa kabilang linya. Kaya nagkibit balikat na lang ako. Baka kasama sa mga scammer. Nagkalat na kasi sa buong bansa!
Tiningnan ko ang wristwatch ko mag aalas nueve na. Maaga pa sana kaso parang inaantok na ako. Kaya naman pumasok na ako sa room ko. At nahiga na.
Ngunit tumunog na naman ang cellphone ko. Parang may sariling isip naman ang aking kamay dahil kinuha ko ang cellphone ko kahit ayaw ko na sana!
“Dreams of me. 143.” Basa ko ulit sa message niya.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Kahit scammer pa siya at korne! Napailing na lang ako.
Bumalik na ako sa aking bed at humiga ng may ngiti sa labi. Kahit hindi ko siya kilala o scammer man. At Least kahit paano napangiti niya ako sa mga kakornehan niyang message.