Chapter 20

2348 Words
MARGARETH POV Napa unat ako sa aking mga braso ng gumising ako kinaumagahan. Natakot pa ako dahil wala na si pangit sa aking tabi. Kaya dali-dali akong lumabas mula kubo. Maaliwalas ang kalangitan. Luminga pa ako sa paligid ngunit wala akong makita ni anino ng kasama ko kaya sumigaw ako! “Pangit! Nasaan ka? “ sigaw ko na akala mo naman may makakarinig saakin. Huni ng ibon at mga palaka ang aking naririnig. Medyo nakaramdam pa ako ng lamig sa aking katawan kaya napayakap pa ako sa aking sarili. Hanggang sa nakita ko na si pangit mula sa hindi kalayuan at may bitbit na saging? Parang slow-motion ang kanyang pag hakbang sa aking paningin. Napalunok pa ako ng ilang beses dahil wala ulit pang itaas na damit dahil sinabit lang n’ya ito sa kanyang balikat. “You’re awake? “ Napakurap pa ako sa tanong n’ya dahil hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala siya. Nakita ko pang napataas ulit ang labi niya na para bang ngumiti siya? “C’mon, you need to eat first, then we go. “ aya pa niya saakin. Pansin ko lang kagabi pa siya nag e-english sa pagsasalita. Naka tingin lang ako sa kanya ng hindi ako sumasagot. Kaya tumigil siya at sinulyapan ako dahil ramdam niya siguro na hindi ako sumunod sa kanya. “C’mon, do you want I’ll carry you again? “ bulalas niya sa akin na naka ngisi na siya, iba ang ngisi niya parang nanghahamon pa. Dahilan para nabalik ang diwa ko. Hindi ko siya sinagot at mabilis na akong maglakad at nilagpasan ko pa siya. At tumawa pa ang mokong! “Scared huh! “ rinig ko pang bulalas n’ya. Kaya sinulyapan ko siya ng nakataas ang kilay ko. “Hindi noh! “ suplada kong sagot sa kanya. Hays! Akala ko may nangyari kagabi sa amin ngunit wala naman. Masyado yata siyang tapat sa babaeng nagugustuhan niya. Pero na-mula ang mukha ko ng maalala ang mainit na halik ng pinagsaluhan namin dalawa kagabi. Pero paano ang yung babaeng nagustuhan niya? Medyo naguguluhan pa rin ako. Siya kaya ang first kiss ko. Pero parang wala naman sa kanya ang halik namin. Pero bakit parang iba naman ng pinaparamdam niya sa akin sa tuwing hinalikan ako. Katulad nalang ngayon binalatan pa niya ako ng saging. Medyo kinilig naman ako, dahilan para mamula ang aking mukha. “This, kainin mo para magkalaman ang tiyan mo. Dahil uuwi na tayo mamaya. “ sabi niya sa akin sabay abot ang saging. Kinuha ko naman ang saging at nagpa salamat sa kanya. At wala na naman imik sa loob ng kubo. Hanggang sa may narinig kaming mga yabag. Ngunit ang kasama ko parang wala lang sa kanya. Ni hindi man lang natakot o nabigla. Samantalang ako nakaramdam ng takot, kaya lumapit pa ako sa kanya at bumulong. “M-May tao y-yata. “ mahina kong bulong sa kanya, na halos magdikit na ang aming mukha. Hindi rin nakaligtas ang paglunok niya dahil sa lapit ng aking mukha sa kanya, kaya lumayo ako konti. “Tsk! Sabi ko mamaya pa sila pupunta dito, ang titigas ng ulo! “ Meron siyang sinasabi ngunit hindi ko naman narinig. Dahil sa takot ko tumabi ako sa kanya. At ang mokong kung maka yakap wagas! “Man's searching the area! Halughugin ang kubo! “ rinig kong boses ng lalaki na parang pamilyar saakin. Ngunit tumingin ako kay pangit presente lang naka-upo sa tabi ko na para bang walang narinig. Samantalang ako kinakabahan na! Hanggang sa bigla nalang bumukas ang pintuan sa kubo, nagulat pa ako ngunit si pangit parang wala lang sa kanya. “Lieutenant! Andito ang suspect! “ sigaw ng taong sumipa sa pintuan. Napa sik-sik pa ako kay pangit dahil sa kaba kong naramdaman. At ang isa naman pinulupot pa ang braso sa baywang ko. Parang gustong-gusto ang nangyayari. At ang aking ginawa. Ngunit ang tinawag nilang Lieutenant ay sumilip sa pintuan. At ganun nalang ang gulat ko dahil si Garry pala ‘yon. Yung lalaking nagpa kilala sa amin nung pa binyag ni Trizia? At ang tumulong sa amin ng gabing may panganib sa buhay ko. Tumayo na sana ako ng biglang humigpit ang hawak ni pangit sa bewang ko. Kaya naman tumingala ako sa kanya ng may pagtatanong sa aking mga mata. Ngunit pag-galaw lang ng panga ang sinukli saakin. Medyo naguluhan pa ako? “Lumabas kana d’yan! Tama na ang magdamag! “ boses ni Garry parang may laman ang sinabi niya na hindi ko naman maunawaan. At ang iba nilang kasama napa smirk pa, na akala mo’y nag pipigil tumawa dahil naka bukas ang pinto ng kubo. Kitang-kita kami sa loob. Samantalang ang kasama ko. Parang napilitan pang tumayo. At hawak kamay pa kaming lumabas. Pag labas namin sa kubo ganun na lang ang gulat ko dahil ang dami pala nila? Hindi lang sampo! Pero napa kunot noo ako, bawat isa sa kanila may nakapaskil na ngisi sa mukha, at lahat sila sa katabi ko nakatingin. Lalo na si Garry dahil gusto yatang matawa sa itsura ni pangit dahil parang natalo ng million sa sangkadakmol ang mukha niya na hindi mo maipaliwanag. Naguguluhan man ako ngunit hindi na ako nag tanong pa. Basta ang nasa isip ko lang makaka uwi na kami. “Ahm! Hi Ms Bernardo, nice to see you again? Mukhang meant to be tayo? “ bulalas ni Garry sa akin na para bang gusto n’yang matawa dahil nakatingin lang naman s’ya kay pangit pero ako naman yung kinakausap. “Paano mo nalaman na nandito kami? Wag mong sabihin na dumaan din kayo? “ tanong ko sa kanya imbis na sagutin ko siya. Dahil tumatak sa utak ko ang sinabi noon ni pangit sa Dad ko. “Ah, eh. Parang ganun na nga Ms Bernardo. “ sagot niya sa akin. Samantalang ang iba nilang kasamahan parang gustong matawa e’ wala naman nakakatawa! “So, ahm! Mr. whoever you are. May I excuses baka gusto mong I uwi na ang dalaga sa kanyang Ama? “ may laman na salita ni Garry sa kasama ko. Ngunit hindi mawala-wala ang nakapaskil ng pagpipigil nang tawa sa mukha nito. “He's my personal bodyguard anyway. “sabad ko kay Lieutenant Garry. Ngumisi lang naman si Lieutenant Garry saakin. "Yeah, personal bodyguard. " madiin na sagot ni Garry sa akin. “Tsk! “ smirk lang ang sinagot ni pangit kay Garry ngunit biglang nag-tawanan na ang lahat. “Let’s go! “ Sabi ni pangit at hinawakan na ang aking kamay at walang galang na nilampasan niya ang mga naka uniform na kung hindi ako nagkamali mga FBI dahil yon ang sinabi ni Garry noon kay Dad. Ako na tuloy ang nahiya sa inasta niya at sinulyapan ko pa si Garry na akala ko kanina napahiya ngunit hindi mawala ang ngisi sa labi niya! Na para bang bale wala lang sa kanya ang inasta ni pangit. “Biruin mo na ang lasing wag lang sa bitin Lieutenant! “ biro ng isang kasamahan nila! Sabay tawanan na naman silang lahat. Maliban lang sa kasama kong napaka seryoso ng mukha. Hindi naman ako nakaramdam ng takot o asiwa sa kanila. Para bang natural lang sa kanila ang lahat. Lalo na sa nakahawak sa kamay ko ni walang paki alam sa paligid. Kahit panay hila ko ang aking kamay kaso ang higpit ng pagkahawak. Kaya hinayaan ko nalang. Sabay papito-pito pa si Garry mula sa likud namin. May nauna din naman bago kami ni pangit. Ngunit napatigil ang mga nasa unahan at sumenyas na tumigil muna kami dahil tinaas pa ang kamay niya. Alerto ang lahat dahil sa bilis ng kanilang kilos. Para akong nanonood sa pelikula. Bawat kilos nila ay parang iglap na kasing bilis dahil lahat sila nakatago. Ngunit kami ni pangit ay nakatayo lang kung saan kami naglalakad kanina. At nakita na namin ang tatlong lalaki na may hawak ng baril at tuwang-tuwang sila dahil nakita kami. Napasiksik ako kay Andrew, dahil aaminin ko nakaramdam ako ng takot. Pinulupot niya ang braso sa aking bewang. “Andito pala kayo pinagud mo pa kami! “ sigaw ng isa. Napa pisil si pangit sa aking bewang na para bang sinabi niyang ok lang ang lahat. Pero iba ang dating sa akin. Dahil nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking katawan. Pero bigla akong natauhan, ng naka-lapit na ang tatlo sa amin, biglang nagsalita si pangit sa kanila. Na animo'y nagbabanta! ‘Kung mahal niyo pa ang mga buhay ninyo, bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Umalis kayo dito at sabihin sa akin kung sino ang nag utos sa inyo. “ Matigas na boses ni pangit na para bang isang hari na walang sinong makakabale ang utos. Pati ako nabigla sa kanya. Ibang-iba siya ngayon. Nakita ko rin ang takot ng isang lalaki, ngunit ang dalawang kasama nito tumawa lang. “Gago! Mag isa kalang tatlo kami? “ sigaw ng isa! Nag igting ang panga ni Andrew, dahil sa sinabi ng taong kaharap namin. Kahit nakahawak saakin si pangit sa aking bewang ay sa isang iglap, sinipa niya ang lalaki at pinaputukan ng baril ang isa pa, at ang mayabang kanina ay tinutukan ni Andrew ng baril sa noo nito. At doon na lumabas ang mga FBI sa kanilang pinagtataguan. Nabigla pa ang tatlo dahil mukhang hindi inaasahan na marami kaming kasama. “Boss! Maawa ka sa amin Aalis nalang kami” sigaw ng lalaki kanina na akala mo takot na takot na. “Tsk! Kanina pinagbigyan na kayo! Ang titigas ng ulo niyo kasi! Hay naku! “ boses ni Garry na parang balewala lang ang nangyari. Naguguluhan ako. Alam ko na mga FBI ang mga kasama namin ngayon. Pero itong nakahawak sa kamay ko. Bakit parang pakiramdam ko hindi s’ya basta-basta bodyguard lang? Nag iwan ng malaking katanungan sa isip ko ang mga napapansin ko sa aking bodyguard. At ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay. Walang umutawi na ingay hanggang natagpuan namin ang highway. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit may sasakyan doon. Hindi nga ba ni-rescue kami? Napansin ko din. Ito lang ang kauna-unahang pagkakataon na wala si Daddy na rumescue sa akin. “Get in the car. “ utos niya sa akin. Sa haba-haba ng nilakad namin ngayon lang s’ya nagsalita. “Kayo nang bahala sa mga—ahm! “Napa tikhim pa siya sa mga FBI ngunit hindi niya naituloy dahil tumingin siya saakin at binalik ulit ang atensyon niya sa mga kasama namin. “Kayo na bahala sa nahuli Sir, at salamat sa mga tulong niyo. “ sabi niya na may galang na sa kanyang kaharap. Nakahinga na ako ng maluwag dahil akala ko pati mga FBI babastusin niya. “It’s ok Ca— “hindi naituloy ang sabihin ng isang FBI dahil siniko ni Garry. Napa kamot nalang ng ulo ang isa. “ Kami na bahala sa kanila, kung gusto mo samahan ka pa namin na umuwi para ihatid ka namin, I mean si Ms Bernardo. “ Nakangising sagot ni Garry sa kasama ko. Napailing nalang din si pangit. “Do I have a choice? “ Sagot naman ni pangit na para bang walang pagpipilian. Nagka–tawanan tuloy ang lahat! Hanggang sa tinawag na sila ni Garry at kanya-kanya ng sakay sa mga sasakyan. Bale pitong FBI car ang dala nila. Nagtataka pa ako sa sobrang dami. Na akala mo isang sindikato ang huhulihin. Matapos ang mahaba-habang byahe. Tumigil ang ibang FBI car sa hindi kalayuan. At si Garry nalang ang sumama sa amin. Hindi daw pwede malaman na mga kalaban, na FBI ang likod sa pag responde saamin. Hanggat hindi pa nahuhuli ang tunay na salarin. Hindi na rin ako sumagot kasi, si Andrew na ang kinausap nila. At parang nagkakaunawaan sila. At sa wakas! Nakarating din kami sa bahay. Si Yaya ang una kong nadatnan na para bang hindi nakatulog ng maayos dahil sa malalim na mata at maitim pa sa gilid. Napangiwi pa ako sa aking nakita. “Marga anak! Diosko nag-aalala ako sayo ano bang nangyari hah? “ tanong niya agad saakin dahil siya ay nakaabang sa labas ng mansion. “Margareth my princess, “ si Daddy halata din ang lungkot sa kanyang mukha. Niyakap ko muna si Yaya at pumunta ako kay Daddy. “Daddy, I’m safe. Don’t worry. “ ganting yakap ko sa aking ama. “Ok let’s go inside. Don’t stay here. “ hindi ko alam kung sa akin ba sinasabi ni Dad ang katagang 'yon. Pero nagulat ako ng sumunod ang dalawa. Si Pangit at Garry. Umupo muna ako sa sofa at agad-agad naman akong binigyan ni Yaya ng maiinom. Ngunit hindi nagtagal nagpaalam na ako sa kanila dahil sa malagkit na ang katawan ko. At pakiramdam ko ang baho ko na. Nagpaalam na din ako sa Daddy ko at sinulyapan ko lang naman ang dalawa. Pero si pangit iba na naman kung makatingin sa akin! Kaya hindi ako nakatiis tinaasan ko siya ng kilay. Napa smirk lang si Garry. Iniwan ko na sila total sila lang naman yata ang kailangan ni Dad. Pero bago ako umakyat sa taas, nagbilin pa si Yaya na i-akyat daw niya mamaya ang almusal ko. Pero sabi ko bumaba nalang ako mamaya pagkatapos kong maligo. Dumeretso na ako sa aking kwarto at agad akong nag tungo sa banyo. Pinuno ko muna ang aking bathtub dahil gusto kong magbabad. Hindi biro ang nangyari sa amin kahapon. Pero bakit hindi ko nakita si Pepito sa mansion hindi ba siya ang unang umuwi kahapon. Iwinaksi ko muna ang mga iniisip ko, maligo na nga lang ako. Wow! Naibulalas ko pa. Dahil sa maligamgam na tubig. Nagbalik tuloy ako sa nangyari kagabi saamin ni pangit. C’mon baby, sleep here. “ Tawag pa saakin sabay pagpag sa ratan ng kubo kung saan siya naka-upo. Nagpatianud naman ako sa kanyang boses at mga titig. Umupo ako sa tabi niya at ng medyo malayo ngunit pina usog pa niya ako ng mas malapit sa kanya. Hanggang sa nagkakatitigan kami. Isang gabing mainit na halik ang aming pinagsaluhan na para bang wala ng bukas. Napaigtad ako mula sa malalim kong pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking banyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD