MARGARETH POV
Sa wakas tumigil na din ang ulan. Akala ko kanina hindi na titigil sa sobrang lakas. At bigla nalang lumiwanag sa labas patunay na sumisilip na ang buwan.
“Andrew “ tawag ko sa pangalan niya.
Andito kami ngayon sa loob ng maliit na kubo. Ang sabi niya dito daw kami magpapalipas ng gabi. Ito na siguro ang pagkakataon ko na tanungin siya sa babaeng nagustuhan niya. Parang nakakahiya naman, hays! Bahala na!
“Yes? “ matigas niyang boses. Lalaking-lalaki.
“M-May g-girlfriend ka na ba? “ Medyo nahiya ko pang tanong sa kanya.
Gusto ko man tumingin sa mga mata niya ngunit natatakot ako na baka masaktan ako sa aking makita. Isa pa first time ko ‘tong gagawin sa tanan ng aking buhay.
Nakayakap siya sa akin at nakapatong ang ulo ko sa kanyang dibdib. Naririnig ko pa ang malakas nang kabog ng kanyang puso.
“ Why you ask? “ rinig kong sagot n’ya saakin. Pero hindi ako nagsalita dahil parang umurong ulit ang dila ko.
“I don’t have a girlfriend. But I have a woman that I like. “ Sigunda niya. Akala ko hindi na siya magsasalita. Aminin ko sa sarili ko nasaktan ako sa inamin niya saakin.
Gusto kong lumayo sa kanya dahil nasaktan ako sa sinabi niya. Ngunit mahigpit ang hawak n’ya sa baywang ko. Kaya wala akong choice kundi tanungin ulit siya.
“D–Did she know that you like her? “ medyo piyok kong boses na tanong sa kanya. Pakiramdam ko ang sakit sa dibdib ko ang mga nalaman ko about him.
“Ikaw naman kasi eh! Nagtanong kapa! “ sigaw ng utak ko.
Hindi ko siya narinig na nagsalita. Ngunit naramdaman ko ang mainit n’yang hininga sa aking ulo. Mukhang nakayuko at nakatingin siya sa akin.
“I think, she doesn’t have an idea. “ narinig ko na naman na sagot niya.
Ang swerte naman ng babaeng yon. Nagugustuhan siya ng taong parang ngayon mahal ko na. Bakit ang sakit naman sa puso ko na malaman na meron na pala siyang ibang nagugustuhan. Gusto kong umiyak pero nilabanan ko.
Napa pikit pa ako ng mariin bago ako nagsalita.
“B-Bakit? H-Hindi b-ba k-kayo nagkita? “ medyo garalgal kong boses sa kanya. Hindi ko alam kung napansin niya ang boses ko.
Pero hindi siya nagsalita. Narinig ko pang napalalim ang kanyang pag hinga. Kaya nagsalita ako ulit.
“S-Saan m-mo s-siya nakilala? “ tanong ko ulit kahit alam kong hindi naman niya ako sa-sagutin. Nagbabakasakali lang naman ako.
“Tapos masasaktan ka kapag hindi ikaw yon? “ kastigo ng utak ko.
“One morning, when I was riding my motorbike. I saw her face. “ pagsisimula niya.
Bakit parang pakiramdam ko ang sakit-sakit sa puso ko na para bang pinipiga ng pinong-pino. Bakit ako nakaramdam ng inggit sa babaeng nagugustuhan niya. Bakit?
“M–Maganda b–ba siya? “ tanong ko sa kanya. Gusto kong sabunutan ang aking buhok dahil bakit yun pa ang nasabi ko. Obyos naman siguro na maganda ang nagugustuhan niya.
Naramdaman ko pang gumalaw ang katawan niya. Parang tumawa pa siya. Mas lalo tuloy akong nasaktan. Ang swerte ng babaeng yun. Sana-sana ako nalang.
“She’s gorgeous. The most beautiful woman that I met. “ may pagmamalaki pa niyang sagot saakin. Kahit hindi na ako tumingala sa kanya alam kong naka ngiti siya.
“But I think she doesn’t know that I like her. “ pagpapatuloy pa niya. Kaya naman tumingala na ako sa kanya.
Nag tama ang aming mga mata. Ang kanyang mga titig ang nagsasabing hindi lang gusto ang nararamdaman niya sa babaeng yon kundi buong pagmamahal. Bakit ang sakit-sakit sa puso ko na malaman ko na may iba na siyang mahal. Bakit hindi nalang ako. Ang daming bakit na katanungan sa utak ko.
Naalala ko pa ang sinabi ni Karen saakin,
“Girl, nasaan si Margareth Bernardo na palaban? “
“How about you, do you have someone? “ Napa kurap pa ako sa tanong niya, dahil ang mainit niyang hininga ay tumatama sa aking mukha. Habang nakatitig siya saakin. Nakatingala kasi ako ngayon sa kanya.
Iniisip ko kung magsasabi ba ako na gusto ko siya. Pero parang awkward naman. Pero wala naman mawawala kung aamin ko diba?
“Yeah, but he had someone. “ malungkot kong tugon sa kanya. Nakita ko pa na medyo parang nasaktan din siya sa sinagot ko. Bakit siya nasaktan? Naawa ba saakin?
“Kilala ko ba siya? “ Tanong niya sa akin na hindi pa rin binaling sa iba ang paningin. Dahil nasa akin pa rin ang mga titig niya.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. At ang mata niya kanina na malungkot ay biglang nag alilawas. Na para bang tuwang-tuwa siya sa sagot ko kahit wala naman akong binibigkas na letra.
“Gwapo? “ tanong niya ulit saakin na medyo napataas pa ng kanyang labi. Nakita ko tuloy ang pantay-pantay niyang ngipin na mas lalong nagpa dagdag sa kanyang karisma.
“Most handsome. “ sagot ko sa kanya. At mas lalo pa niyang pinalakawak ang kanyang ngiti dahilan para akong na hipnotismo sa kanya.
Lalo pa at tumawa s’ya ng malakas na para bang wala nang bukas. Naguguluhan tuloy ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang mapa kunot noo. Alam ka n’ya na siya yung sinasabi kung gusto ko?
“Ahm! I’m sorry. I was happy to hear that, “ kalaunan sabi niya. Tumigil na rin siya sa pag tawa at hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya. Dahil doon ako naka titig.
Ang pagtaas-baba ng adams apple niya ay sabay din akong napalunok.
Para kaming naingkantong dalawa dahil walang gustong magsalita sa amin. Kung meron ka sigurong maririnig na ingay sa loob ng kubo ay mga huni lang ng mga palaka at ibon sa labas ng kubo
Ang mga titig niya sa akin ay para akong mauupos sa kina upuan ko. Mabuting na lang at nakaupo ako. Dahil kung hindi baka nanghina na ako. Bumagsak na ang aking katawan sa sobrang panginginig sa aking mga tuhod.
Mas lalo pa niyang nilapit ang kanyang mukha saakin, at higpit ng yapos sa aking baywang, ng mas lalong kinainit ng aking katawan sa kanyang pinapadama at kakaibang titig. Napa pikit nalang ako at bahala na kung ano ang mangyayari.
Iwawaksi ko muna ang babaeng nagustuhan niya. At gagawin ko din ang lahat para ako na ang mahalin niya ng makalimutan niya kung sino man ang babaeng 'yon.
Ngunit wala naman akong nararamdaman na labi ng dumantay sa mga labi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay seryoso na ulit ang kanyang mukha na kanina lang ang sarap pagmasdan dahil sa matamis niyang ngiti.
Nakaramdam pa ako ng dismaya dahil pakiramdam ko mahal niya ang sinabi niyang babae na para bang ayaw niyang mag kasala dito.
Napa hinga pa ako ng malalim. Kaya naman lumayo na ako sa kanya at tumayo.
Medyo hindi n’ya ata inaasahan ang aking ginawa. Dahil maliit lang ang kubo wala naman akong ibang pagpipilian kundi umupo sa gilid. Nang may narinig akong kaluskos sa labas. Alam kong narinig ng kasama ko dahil sumenyas siya na wag akong gagawa ng ingay.
Hindi lang isang yabag o dalawa ang narinig ko mula sa labas. Mukhang marami sila. Hindi ko mapigilan ang aking sarili ng bigla akong nakaramdam ng takot. Napa yakap pa ako sa aking sarili.
Ni hindi ko namalayan na andito na pala sa tabi ko si Andrew. At nakahawak ulit sa aking baywang.
Minsan tuloy. Iniisip ko ako ba yung sinabi niyang babae? Pero imposible dahil hindi ko pa naman siya nakita na nag drive ng motorbike.
Pero sa labas ulit ang aking atensyon dahil sa mga yabag. Ngunit walang boses kaming narinig. Hanggang sa may nagsalita sa kanila.
“Dito muna tayo magpalipas ng gabi, hindi pwedeng hindi natin sila makita malalagot tayo kay boss! “ rinig kong boses ng lalaki na para bang nakakatakot.
Dahil sa parang bangag na boses nito. Bumulong si Andrew na wag akong gagawa ng ingay dahilan para magrambulan ang kaba ng aking puso. Hindi ko alam kung saan ba ako kinabahan. Do’n ba sa kanyang bulong na nagpa-init sa buo kong katawan o baka naman sa mga taong sigurado ako ang hinahanap.
Sumenyas siya saakin na gusto n’yang lumabas ngunit pinigil ko ang kanyang mga braso. Dahil aminin ko natatakot ako at baka mapahamak s’ya.
“Hindi ako pwede mag stay dito, baka pumasok sila mas lalo akong walang magawa. As you heard there are many outside. Don’t worry I’ll be safe. But please stay here ok. “ Tugon pa saakin na akala mo alam ang laman ng utak ko. Kahit labag man sa loob ko ang gagawin n’ya ay tumango na ako bilang sagot sa kanya. At tumayo na s’ya at tinapat pa ang kanyang tainga sa tapat ng pintuan ng kubo.
“Boss! Sigurado ba kayo na dito sila nagtungo? “ rinig kong boses ng isa pang lalaki. Mukhang nasa labas sila ng pintuan.
Kaya bumalik si Andrew sa gawi ko at nag iisip kung saan kami pwedeng dumaan. Bawat sulok ng kubo parang may tao dahil meron pang pigura na naaninag ko sa labas dahil medyo maliwanag ang buwan.
“Boss! Wala bang aswang dito? “ tanong ulit ng isa pang kamasa nila na para bang may takot sa kanyang boses. Bigla ako tuloy natakot kung may aswang nga ba?
“Gago kaba Teryong! Sa palagay mo ba may aswang pa sa panahon ngayon? Kahit kailan ka talaga bobo! “ sigaw ng tinawag nilang boss.
“Ang totoong aswang Teryong yung amo natin! Tsk! Kung hindi lang sa laki ng binayad natin naku! Hindi ko na pagtyagaan 'yon! “ boses pa ng isang lalaki. Sabay tawanan silang lahat. Ang pagkakaalam ko baka na kulang sampo silang lahat.
“Yung mga naiwan kanina nahuli ba silang lahat? Wag na wag silang magkakamali na kumanta dahil maubos din ang pamilya ng mga gong-gong na 'yon! “ sigaw ng tinawag na boss.
“Bossing! Walang signal dito. Kaya hindi ko alam kung nahuli sila o hindi. Sino ba kasi ang babae na gustong ipapatay ng amo natin? Mukhang yayamanin hah! Ano kaya bossing kung kidnapin na lang natin at ipa ransom sa ama niya. Naku! Sigurado bossing tiba-tiba tayo sa salapi! “ boses ng isa pa! Medyo nanginig pa ako sa sinabi ng lalaki. Pero si Andrew ay napansin kong nagngingitngit siya sa galit, dahil gumalaw pa ang panga niya.
Aaminin ko sa aking sarili, nakaramdam ako ng takot, meron palang gustong pumatay sa akin? But why?
Ngunit bago paman s’ya lumabas, may mga putok na ng baril ang umalingawngaw sa labas ng kubo. Dahilan upang mapa hiyaw ako! At bigla nalang akong hinila ni Andrew palabas sa kubo.
Nag bilis ng pangyayari parang isang iglap lang ang lahat!
“Mga tarantado! Nasa loob ang hinahanap natin mga bobo! “ sigaw ng tinawag nilang boss. Ngunit nakalabas na kami ni Andrew at nakatago kami sa likod ng isang malaking puno.
At mag isa nalang akong nakatayo. Na hindi ko namalayan na wala na pala si Andrew sa tabi ko. Nanginginig na ako sa takot kaya napa-upo ako at napa pikit. Habang naririnig ko ang sunod-sunod na putok ng baril sa hindi kalayuan.
Gusto ko man sumigaw sa sobrang takot, ngunit natatakot ako at baka may makakita saakin. Malinaw sa pandinig ko na meron taong gusto akong patayin. Pero sino siya? Ni wala akong alam na kilalang kaaway ko. Kung si Daddy pa siguro meron dahil sa mga kalaban niya sa negosyo.
Bakit gusto niya akong patayin? Anong kailangan niya sa akin? Maraming katanungan sa isip ko ang hindi ko masagot. Totoong marami akong benasted noon nag-aaral pa ako pero imposible naman na sila. Hindi ko naman sila pinaasa o binastos.
Matagal-tagal din akong naka-upo sa likod ng punong kahoy ng unti-unting humina na ang putukan ng baril. At bigla nalang natahimik ang lahat. Pero may mga yabag pa akong naririnig sa hindi kalayuan kaya niyakap ko ulit ang aking sarili. At baka ang goons na gustong. Patayin ako.
“Pangit nasan kanaba? “ mahina ang aking boses, na para bang nakakaramdam ako ng ginhawa sa pag banggit ko sa kanya.
“I’m here, “ bulong niya sa akin na kina gulat ko pa.
“Ay herodes! “ napasigaw pa ako sa sobrang gulat. Ngunit siya napatawa lang ng mahina.
Nagawa pang tumawa samantalang kanina nakikipaglaban sa mga gustong pumatay saakin.
“C’mon magpahinga ka muna, bukas na tayo umuwi. “ Aniya saakin na akala mo walang nangyaring barilan kanina lang.
Hindi ako gumagalaw sa kina upuan ko, pero nakahawak siya sa aking kamay. Ang lagay para na kaming nagka holdings hands, habang naka upo ako at naka tayo siya. At ako’y naka tingala sa kanya.
Pero nagising ang diwa ko ng bigla nalang akong binuhat.
“Ay! “ tili ko pa dahil sa pagkabigla ko. Binuhat ako ng pa-bridal style. Bigla tuloy akong na tahimik at nahiya. Nagulat pa ako dahil wala ni isang tao sa labas ng kubo dahil sa liwanag ng buwan. Parang nakisama pa ang buwan saamin.
Nang nahimasmasan ako nag tanong na ako sa kanya, nasa loob na kami ng kubo.
“Nasaan ang mga kalaban? “ tanong ko sa kanya.
“Don’t mind them. I threw them all into the cliff. "
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso sa sinabi niya.
Ano daw? Tinapon niya sa banging ang kalaban niya? Hindi rin siya mayabang noh!
Napatawa pa ako ng mahina sa sinabi ni pangit saakin. Hindi ko akalain na meron pala siyang tinatagong kalokohan sa katawan.
Pero teka! Hindi kaya nagsasabi s’ya ng totoo. E’ dalawa lang kami diba? Ibig sabihin mag isa nga siyang lumaban. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa. At eto na naman siya nakatitig na ulit sakin na akala mo walang nangyaring hindi maganda kanina.
“C'mon baby, sleep here. “ Tawag pa saakin sabay pag-pag sa ratan ng kubo kung saan siya nakaupo.
Bigla tuloy akong na excite na ewan!