MARGARETH POV
“Hey! Are you ok? “ Nag-aalala na mukha ni Andrew at tanong sa akin. Sabay sulyap sa cellphone ko at walang pasabi-sabi nitong kinuha at ibinigay sa mga kasamahan niya.
“Pepito, check who’s the caller! “ tawag n’ya kay Pepito at binigay sa kanya ang aking cellphone. Habang ako nanginginig sa takot. Dahil tumatak sa utak ko ang kanyang sinabi.
“Magpakasaya kana dahil siguraduhin ko sayo malapit na kayong mag kita nang mommy mo! “ Hindi ako takot sa banta n’ya pero bakit pakiramdam ko kilala niya si Mommy. Kaya doon ako biglang nanginginig sa takot.
Hindi na rin pumapasok pa sa isip ko ang sinasabi ni Andrew. Kahit meron siyang sinabi sa akin hindi nag sisink sa utak ko. Pakiramdam ko nanghihina ako sa natanggap kong tawag.
Ni hindi ko namalayan na nandito kami sa malawak na lupain at puro damuhan.
Dahil dalawang helicopter ang naghihintay sa gitna ng malawak na damuhan. At agad silang nagsaludo sa aking kasama ng makita kami.
“Sir! Ready na ang helicopter ! “ tugon ng isa sa aking katabi. Tinanguan lang naman siya ni Andrew. Hindi ako nagsasalita at tahimik lang ako. Samantalang si Andrew napapa pisil sa pulsuhan ko.
“Ok we need to go back to Manila as soon as possible! Men’s let’s go! “ Rinig kong sagot niya sa kaharap niya, sabay tawag niya sa mga kasamahan nito.
Para siyang nagmamando na isang boss sa lahat. Dahil sumusunod sa kanya na walang reklamo.
“Hey, what’s wrong? Tell me? “ bulong n’ya saakin. Napa-iling lang ako sa kanya dahil walang gustong lumabas sa bibig ko.
“Damn it! “ rinig ko pang bulalas n’ya. Pero pag-aalala ang naaninag ko sa kanyang mga mata.
“I want to go home please. “ Sa wakas may lumabas na sa bibig ko.
Nakasakay na lahat ng mga bodyguard ko sa helicopter kasama na din si Pepito at kaming dalawa ay hindi pa.
“Ok baby, sumakay na tayo, para makabalik na tayo agad sa Manila. “ medyo malakas pa niyang boses saakin dahil sa lakas ng tunog ng helicopter. Sumulyap pa ako sa gawi ng mga bodyguard ko at mabilis naman silang sumakay, at nagsisiksikan sila sa isang helicopter? Samantalang si Pepito do’n sa wala pang laman siya sumakay.
Lima lang kasi ang bawat seater’s sa helicopter . Binuhat pa ako ng parang pa bridal ng hindi niya ako ma hintay na sumagot sa kanya. Wala na akong nagawa at pinulupot ko na ang aking mga braso sa kanyang leeg.
Pina-upo n’ya ako sa harapan ni Pepito na naaninag ko din ang pag-alala sa kanyang mukha. Habang Kinabit ni Andrew ang seatbelt at headphone sa tainga ko. Para daw marinig ko kung ano sasabihin ng bawat isa.
Nang medyo mahimasmasan na ako. Ang mga kotse ang una kong naalala. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magtanong.
“Sandali! Yung mga sasakyan? Paano makauwi ang mga yun? “ tanong ko sa kanila, napakunot noo naman ang katabi ko, samantalang si Pepito hindi yata inaasahan ang tanong ko?
“Don’t mind the car’s, bukas na mansion na. How about you are ok now? “ May pag-alala parin sa mukha n’ya habang naka titig saakin. Ni wala yata siyang pakialam kahit nandito si Pepito sa harap namin.
“O-Ok lang ako. Don’t worry. “ Medyo nanginig pa ang boses kong sagot sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita. Basta naka hawak lang sa kamay ko ng sobrang higpit.
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami agad sa Manila. Meron na din naghihintay na sasakyan para sa amin. At ang driver pa ni Daddy ang sumundo. Medyo nagtaka pa ako dahil may isang motorsiklo sa tabi ng kotse na sundo namin.
“Let’s go? “ Aya niya sa akin at tumango lang ako. Pagka sakay niya saakin sa loob ng kotse ay kinausap muna niya si Pepito. At nakita ko nalang si Pepito ang nag drive sa motor na nakita ko kanina.
At 'yong iba naman sa kabilang kotse. Nasa passenger seat ako naka-upo pakiramdam hinang-hina pa ako hanggang ngayon. Hindi ako nanghihina sa boses at banta ng kausap ko kanina. Kundi sa pag banggit n’ya kay mommy.
"It's been a long time, kahit sa bahay walang bumabanggit sa Mom ko, pero 'yung taong tumawag, bakit ang dali sa kanyang bigkasin si Mommy? "
Nabigla pa ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Pag tingin si Andrew pala. Nakabalik na pala siya sa tabi ko.
“Do you want to see the doctor?” Tanong niya sa akin ngunit hindi ako sumagot.
I think you need. “ Sigunda niya. Hindi parin ako sumagot basta napapikit na ako at pinulupot niya ang braso niya sa aking baywang at naka unan na ang aking ulo sa dibdib niya. Feeling ko nakaramdam ako ng ginhawa. Kaya hinayaan ko na lang.
“Sa hospital tayo. “ rinig kong utos n’ya sa driver.
Walang imik sa loob ng sasakyan. Ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko. Minsan sa baywang ko. Napapatingala pa ako kapag napapa pisil siya sa baywang ko ngunit wala naman lumabas na boses mula sa aking bibig. Kung siguro sa ibang pagkakataon baka nasigawan ko na naman siya.
Sa haba-haba ng byahe nakarating din kami sa hospital. Dito nagising na ang aking diwa.
“Anong ginagawa natin dito? “ nagtataka kong tanong sa kanya. Nakakunot noo pa siya na para bang hindi inaasahan ang tanong ko.
“To check you baby. “ malambing n’yang sagot saakin. Ngunit ang sama ng mukha ko sa mga nurse na nagpapacute sa kanya. Bale wala naman sa kasama ko dahil nasa akin ang atensyon niya.
“No! I want to go home! I don’t like here! “ pasigaw kong sagot sa kanya na nagtataka pa siya. Pati ang mga nurse nagulat pa yata sa inasta ko?
“Baby what’s wrong, tell me? “ malambing parin n’yang sagot saakin. Akala ko kanina magagalit na siya saakin. Dahil sa sigaw ko.
“I want to go home. Wala akong sakit ok na ako. “ Mahina kong sagot sa kanya. Napa hinga pa siya ng malalim.
“Ok, as you said. But please in once. Kailangan mong magpa check up muna ok baby? “ Malambing pa rin n’yang sagot saakin. Kaya tumango na ako. Pero sinamaan ko ng tingin ang nurse na kanina pa nagpapa cute sa kasama ko. At bale wala naman kay Andrew mukhang hindi n’ya napapansin.
At ang hinayupak naka halata na! Kaya pati s’ya simaan ko ng tingin. May pa ngiti-ngiti pa ang hinayupak!
“Ahm! Nurse paki tawag ang doctor. “ utos niya sa nurse. Ngumiti naman ang malanding nurse.
Pagka alis ng nurse isang naka ngisi na mukha ng nakatitig sa akin na para bang ang saya-saya n’ya. Haller! Nakasimangot kaya ako! Bwisit siya!
“You knew what! Your cute when your jealous. I like that. “ nakangiti niyang bulalas sa akin. Ano daw ako nag seselos? Omg in his dream!
“Excuse me! Ako nagseselos? “ Turo ko pa sa aking sarili.
“ Of course not! In your dreams! “ Sigunda ko pa sa kanya. Pero mas lalo pa napa halakhak siya ng tawa.
Napatulala pa ako sa mukha! Bakit mas lalo siyang naging gwapo ng tumawa siya?
“Really? Your not baby? “ Tanong sa akin ng nahimasmasan na. At s’ya naman ang pasok ng gwapong doctor na may kasamang magandang nurse. Narinig ko pa si Andrew na napamura pagka pasok ng doctor.
“Hi Miss Bernardo long time no see! How are you? “ Tanong saakin ng doctor na kinasama ng tingin ni Pangit. Kaya may naisip ako na kalokohan.
“As you can see I—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumabat na si pangit.
“As you can see, she’s fine now. Anyway kailangan na pala namin umalis. Halika na baby. “ Sagot ni Andrew sa doctor. At nilakasan pa talaga ang bigkas na baby. At binuhat pa ako mula sa higaan ng pa bridal. Naka nganga tuloy ang nurse kanina na nagpapansin sa kanya. Samantalang ang doctor napatawa pa ng malakas at napa-iling. Yung kasama naman n’yang nurse parang nahiya pa dahil namumula ang mukha.
Ngunit biglang tumigil si Andrew at humarap sa doctor.
“Charge your time into my name! I’ll pay it! “ Sabi pa at tuluyan na kaming umalis. Baka ang sinasabi ni Andrew ay yung hindi natuloy na pag check up sa akin ng doctor. Naguluhan pa ako dahil hindi naman kailangan bayaran ang doctor.
Ang doctor naman tawang-tawa sa inasta ng aking kasama. Kahit wala naman nakakatawa. Actually nandito lang naman kami sa Madrigal Hospital.
Malayo pa kami sa mansion. Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse, hindi ko mapigilan ang aking sarili dahil tawa ako ng tawa. So ganun din pala s’ya magselos grabe hah!
“I think you really ok now. “ sabi pa n’ya magkatabi kami ulit ngayon sa loob. Ngunit ang ibang kasamahan n’ya ay naka sunod saamin.
“So, that is the way you're jealous huh? “ Panggagaya ko pa sa kanya.
“Yes! And I will kill people who take you from me. “ Diretso niyang sagot sa akin na kina tigil ko sa pag tawa. At humarap ako sa kanya at pinaka titigan.
Nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Ang mga mata nitong kulay asul na kung maka titig nakakatunaw. Akala ko kanina mag deny din siya na hindi na magselos pero ngayon harap-harap na sumagot sa akin. At umamin pa?
“Y-You kill people? “ Medyo natakot ko pang tanong sa kanya. At tumitig lang sa akin na para bang yes ang sagot n’ya.
“S-Sino kaba talaga? “ Sigunda ko pa. Ngunit hindi pa rin nagsalita. Pero bigla nalang akong niyakap at napasubsub pa ako sa tapat ng dibdib niya.
Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Parang ako lang ganun kabilis ang t***k ng puso ko.
“Have you heard that? “ bulong n’ya saakin. Tumango lang ako bilang sagot.
Wala na din kaming paki-alam kung nakatingin sa amin ang driver. Ang pinag-alala ko lang baka magsumbong siya kay Dad.
Dahil ang pagkakaalam ko galit na galit si Dad no’n nadatnan kami sa mansion na magkapatong.
Pero ‘tong kasama ko parang walang pakialam naman sa driver.
“Kilala mo ba kung sino ang sinisigaw n’yan? “ pabulong niya ulit na tanong saakin. Kaya umiling ako kahit medyo alam ko naman. Ayaw ko lang mag assume. Mahirap na noh!
Magasasalita pa sana siya ng biglang nag preno ang sasakyan namin. Dahilan para mas lalo pa akong napasubsub kay Andrew.
“what the– “ Hindi pa nasasabi ni Andrew ang gusto n’yang sabihin ng biglang may nagpa putok na ng baril sa aming likuran.
Hindi na ako nanginginig sa takot. Pakiramdam ko safe ako sa piling ni Andrew. Nakita ko pa pinindot niya ang bluetooth sa tainga niya.
“Cover us, ilalabas ko ang senyorita niyo sa kotse. “Rinig kong utos niya sa mga kasamahan niya. Hindi ko marinig kung anong sinabi sa kabila.
Mahigpit ang hawak niya sa aking baywang. Na para bang ayaw n’ya akong matamaan ng bala. Samantalang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa sasakyan.
Mabuti nalang at nakalabas na kami. At hinila na ako ni Andrew sa malayo sa pinanggalingan ng putukan kanina.
Siguraduhin n’yo na makahuli kayo ng buhay sa kanila! “ narinig kong utos niya. Mukhang may kausap na naman siya. Andito kami ngayon sa kagubatan. Buti nalang naka suot ako ng maong pants baka puro kagat na naman ng lamok ang aking mapala kapag nagkataon.
“C’mon baby doon tayo. “ Aya niya sa akin. Napangiti pa ako sa endearment na gamit niya. Kahit alam kong mapanganib ang naghihintay sa akin hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa kanya. Lalo na ang mga sinabi niya sa akin kanina sa loob ng kotse.
Pero napatigil siya sa paghakbang at tumingin saakin na akala mo naman may makikita. Ang dilim kaya ng paligid.
“ Let’s go? “ Aya ulit saakin dahil wala naman masabi. Kaya napa bungisngis ako.
Malayo-layo na rin ang nilakad namin. At nakaramdam na rin ako ng pagod. Kaya naman tumigil muna kami. Kanina pa n’ya pa tinataas-taas ang cellphone niya mukhang my problema yata siya kaya hindi na ako nakapag timpi at nag tanong na sa kanya.
“Ok kalang ba? May problema? “ tanong ko sa kanya.
“Wala tayong signal dito. Mukhang napalayo tayo sa pinangalingan natin. Ok lang ba sayo na–“ hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin sa akin, at napa kamot pa s'ya sa kanyang batok.
“Na? “ balik tanong ko sa kanya,
“Na matulog dito? “ sabi sa akin na kinalaki ng mata ko!
“D-Dito? As in dito? “ paulit-ulit kong tanong sa kanya.
“Yes baby, wala akong signal hindi ko sila ma–contact at sigurado ako ganun din sila saakin. So C’mon maghahanap tayo ng pwedeng silungan lalo at parang uulan pa yata. “ Mahaba-haba niyang litanya sa akin. Hindi pa nga ako nakaka sagot ng hinila na ako at sa baywang ko ulit siya nakahawak. Pwede naman sa kamay.
Hindi na ako nagreklamo dahil totoo nga ang sinabi niya na uulan. Dahil may tig-isang patak na panigurado mamaya babagsak na ang ulan.
“Kailangan natin bilisan kung hindi mababasa tayo! “ sigaw ko sa kanya. Dahil parang wala yata siyang balak na tumakbo!
“Doon tayo dali! “ aya niya sa akin sa di kalayuan at may nakita siyang kubo kaya dali-dali kaming tumakbo papunta doon.
Habol-habol ang hininga naming dalawa ng makarating kami sa kubo. Nagtawanan pa kami na akala mo walang panganib saaming buhay.