Chapter 17

2063 Words
MARGARETH POV Andito na kami ngayon sa living room. Dahil aminin ko sa aking sarili medyo nakaramdam ako ng takot kanina sa banta n’ya saakin. Naalala ko pa kasi ang sinabi ng aking kaibigan. Lalo pa at wala kaming kasama dito sa bahay. Pinapanood pa n’ya ako kanina habang kumakain sabay pa ngisi-ngisi pa siya kaya inirapan ko siya ng tingin. Gusto ko tuloy tanungin ang babaeng nagugustuhan n’ya ngunit naunahan ako ng hiya. Isa pa wala naman kaming relasyon. Maliban lang na siya ang personal bodyguard ko. Pagkatapos kong kumain. Nag-aya s’ya saakin na lumabas kami. Maaga pa kaya pumayag na ako. Dahil mag speed both daw kami. Tuwang-tuwa naman ako at least hindi na masisira ang araw ko. Akala ko paman din ay pumunta lang ako dito para matulog kanina. “Naku, hindi lang tulog, yung kiss? “ sigaw ng kontrabida kong utak! “ napa-iling nalang ako. Dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa aking utak. Habang naghihintay ako dito sa living room narinig ko na ang mga yabag niya, at hindi ko mapigilan ang aking sarili at mapa tingin sa kanya. Para siyang greek God sa sobrang macho at gwapo! Napalunok pa ako sa anim na pandesal sa kanyang harapan! Dahil ang hinayupak mukhang nanadya at walang saplot sa pan itaas! At lalo pa ay nakasuot lang siya ng swim trunks at hapit na hapit pa sa gitna niya! Napalunok pa ako ng dalawang beses dahil mukhang nagkakasala na ang aking mga mata. “Like the view? “ nakangisi niyang tanong sa akin, do’n lang nagbalik ang diwa ko dahil nasa harapan ko na pala siya ng hindi ko namalayan. “Hindi ah! “ tanggi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya, dahil baka hindi ako makapagpigil ay ako na ang unang humalik sa kanya! “Marga! Easy wag kang maharot! “ sita ko pa sa sarili ko. At ang hinayupak narinig ko na naman siyang tumawa. Sakay-sakay na kami sa isang speed both! Yung pang dalawahan lang ang sinakyan namin, dahil wala naman akong pagpipilian! Dahil pagdating namin dito sa beach, iisa lang naman ang speed both! Ang sabi ko pa sa kanya hindi ako marunong mag drive dahil ako pa talaga ang pina pwesto niya sa harapan! Siya daw ang bahala! Ang yabang E’ noh! “C’mon baby! “ aya pa niya sakin kanina. Gusto ko man siya tanungin kung bakit ganun ang tawag sa akin. Ngunit umurong ang dila ko. E-enjoy ko nalang total magaan naman sa pakiramdam ko ang endearment niya saakin. “Hindi nga ako marunong! “ naka pout ko pang sagot sa kanya kanina. “It’s ok, I’ll teach you, C’mon! We need to hurry! Later on we go back to Manila, “ sagot pa niya sa akin. Minsan nagtataka na ako sa bodyguard ko. Yung mga English niya hindi pang kalye! Para siyang isang bigatin na tao? Katulad na lang ng mga pagkain ko sa tuwing lunch sa office. At lalo na sa mga ginamit niyang sasakyan. Hindi naman kasi gawain ng mga dati kong bodyguard ang pinakita niya ngayon sa akin. Kalimutan ko na muna ang mga iniisip ko. Ang mahalaga ngayon mag e-enjoy muna ako! ‘To ang unang araw na may kasama akong mag e-enjoy sa tanan ng aking buhay. Kaya naman nakangiti na akong lumapit sa kanya. Inalalayan pa niya akong makasakay sa speed both. At sumakay na rin siya. “Woooh! Ang sarap! “ sigaw ko habang nasa gitna kami ng dagat! Nakataas pa ang kamay ko habang siya ay nag dra drive! Ang este parang nakayakap na siya saakin. "nang gustong-gusto mo naman girl? “Sigaw ulit ng kabila kong utak! N'ong una awkward saakin, ngunit kalaunan nawala na din ang aking hiya dahil siguro sa magandang tanawin ng aking nakikita. “Happy? “ bulong niya sa akin ng medyo binagalan na niya ang pag drive sa speed both. “Very happy! Thank you! “ masaya kong sagot sa kanya habang nakapikit ako at ni nam-nam ko ang lamig ng simoy ng hangin at mga talsik ng tubig na dumadapo sa aking balat! Dahil naka swimsuit attire lang ako. Napalunok pa ako nag naramdaman kong may tumusok sa aking likud! At alam ko rin kung ano yun! Wala man akong experience sa mga ganitong bagay, ngunit pinag aralan ko naman no’n. “I think we need to go back, dahil baka masira ang skin mo sa init ng araw, “ bulong niya saakin. Na touch naman ako sa sinabi niya, concern pala siya saakin. At tumango ako bilang sagot. Pag baba namin sa speed both pina suot niya sa akin ang kanyang T-shirt. Nakakunot noo pa ako! Dahil wala naman akong nakita kanina na damit na suot n’ya? “Wear this! Baka ando’n na sila naghihintay saatin.” Sabi niya sa akin sabay abot ang kanyang damit. Wala naman na akong nagawa lalo pa at medyo daring din ang suot ko. “Thank you! “ sagot ko naman sa kanya. Hindi naman niya ako sinagot ngunit may binulong na hindi ko narinig. “Ayaw kong makita ka nilang ganyan suot mo. Dahil gusto ko, ako lang ang maka kita sa pagmamay-ari ko. “ may sinasabi siya pero bulong lang. Hindi ko naman maintindihan. Kaya nagkibit balikat nalang ako. Wala naman mga tao or tourist dito, I think private place ang pinuntahan namin. At totoo nga ang sinabi niya dahil nakatayo lahat ang mga kasamahan niya sa harap ng rest house? “Sir, Ma’am! “ bati nila saamin. Pero sa kasama ko sila nakatingin. Ni ayaw man lang akong tignan? “Anong problema nila? “ kausap ko pa sa sarili ko. “Mauna ka na sa taas at magbihis kana rin dahil uuwi na tayo, “ sabi pa saakin at seryoso na ang kanyang mukha. Mukhang bumalik na siya sa dating seryosong mukha. “Ok, ikaw hindi ka ba magbihis? Baka magkasakit ka? “ sagot ko naman, at sabay-sabay pang napaubo ang kanyang mga kasamahan! Samantalang ang kaharap ko na seryoso kanina ay nakangiti na. “It’s ok, don’t worry about me. You will go first. “ sagot niya sa akin ng nakangiti na, napa-iling nalang ako sa inasta nila! Kaya umakyat na ako dahil uuwi na daw kami. Nakangiti pa akong umakyat sa taas! Dahil may baon akong ngiti sa labi mula sa aking hang-out today! Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Inayos ko na rin ang aking mga kagamitan. At inisa-isa ko pang lahat kung meron pa akong nakalimutan. Pero ayos na dahil na ibalik ko na lahat sa maleta ko! Maliban lang sa mga sabon at shampoo iwanan ko na lang dito. Saktong pagka sarado ko ng aking maleta nang may kumatok sa aking pintuan! “Yes! “ sagot ko sa kumatok! Hindi naman siya nagsalita. Kaya tumayo na ako at bubuksan ko na lang. Baka mga kasamahan ni Andrew minsan kasi nahihiya pa sila saakin. Siguro nasusungitan sila sa akin. Pag bukas ko ng pinto, medyo napa nganga pa ako dahil isang greek God na naman ang bumungad sa aking harapan at basang-basa pa ang kanyang buhok mukhang katatapos lang naligo. “M-May kailangan ka? “ nauutal kong tanong sa kanya, ngunit siya napalunok lang na hindi naman nagsasalita. Nakatitig lang sa akin, partikular sa labi ko dahil do’n siya naka tingin. Ako na tuloy ang napalunok at hindi ko maiwasan ang ma pa kagat sa labi ko. Ngunit wrong move yata dahil hinapit na niya ang baywang ko at agad na naman akong sinunggaban ng halik, at walang pasabi-sabi na pumasok na siya sa aking kwarto. Wala na din akong magawa dahil natangay na ulit ako sa mainit niyang halik sa akin. N'ong una hindi pa ako marunong sumabay hanggang sa ginagaya ko nalang siya kung paano s’ya humalik. Aaminin ko kahit ilang beses na kaming nag halikan ‘to lang yata ang pinaka malala. Medyo matagal-tagal kaming naghalikan at nagbitaw sa isa’t-isa habang pareho kaming habol ang hininga. Walang imik ang umatawi sa aming dalawa sa loob ng aking room. Wag n’yang sabihin na mag so-sorry na naman! Dahil ang tahimik niya. “Subukan lang n’ya mag sorry makakatikim s’ya! “ maktol ko sa hangin. “Are you ready? “ Nabigla pa ako sa tanong niya, ang layo sa isip ko. “Hah! Y-Yeah! “ medyo sabog ko pang sagot sa kanya, at hinapit na naman ako sa baywang. At napatingala pa ako sa kanya. At ngayon nagkatitigan na naman kami. Matangkad ako pero mas matangkad siya kaya naman kailangan ko pang tumingala sa kanya upang makita ko ang napa gwapo niyang mukha. “Do you know how much—” hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil may kumatok sa labas! Narinig ko pang napamura siya! Kaya hindi ko mapigilan ang mapa bungisngis. “Damm it! “ lumabas sa bibig niya. “Hoy! Paborito mo ba yan na salita? “ tanong ko pa sa kanya ng nakangiti ako, ayun tuloy siya ang nakatulala sa akin! At hindi ko mapigilan ang hindi matuwa sa itsura niya. “Sir! May tawag ho kayo! Pasensya na sa istorbo! “ katok ulit sa labas at boses ni Pepito yun na para bang alam na alam ang nangyayari sa loob. Kaya tinulak ko na si Andrew at buksan na ang pinto dahil hindi na siya gumagalaw! Mukhang na engkanto na ata ang mokong! “Tumayo kana d’yan dahil may tawag ka daw ano ba! “ maktol ko sa kanya! Dahil naka upo lang naman ako sa lap niya, dahil habang naghahalikan kami kanina binuhat n’ya ako nang hindi ko namalayan. ‘Ayts! “ narinig ko pang hinga nang malalim! Bago tumayo, pero kalaunan ngumiti na rin at bitbit na ang aking maleta na nakalagay sa paanan ng aking kama. “Wala ka nabang nakalimutan? “ tanong niya sa akin, mukhang nagbalik na ang diwa n’ya. Tumango naman ako bilang sagot. At hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas sa kwarto ko. Pag bukas namin sa pintuan nasa ere na ang kamay ni Pepito na akala mo kakatok yata ulit! Ngunit nakangisi naman siya sa kasama ko. ‘Tsk! Istorbo! “ bulong ni Andrew kay Pepito na hindi ko narinig at ang isa naman napatawa lang. “Pasensya Sir! May tawag sa taas! “ natatawa niyang pakamot-kamot ng ulo si Pepito sabay bigay ang cellphone ni Andrew sa kanya. Kinuha naman ang isa cellphone nito, at bitbit na ni Pepito ang maleta ko. Binitawan na din ni Andrew ang kamay ko at nag paalam na sagutin daw niya ang tawag. Kaya nandito ako ngayon sa sala at naghihintay sa kanya. Samantalang ang ibang kasamahan n’ya nasa labas na at naghihintay sa amin. Matapos ang paghihintay sa wakas pababa na ang boss! Medyo nakasimangot pa ako dahil hindi biro ang tagal n’yang nakipag-usap sa cellphone niya. “Siguro yung babaeng nagustuhan niya ang kausap! Bakit ang tagal? “ kausap ko pa sa aking sarili. “Nagseselos ka girl? “ sagot ng kontrabida kong utak! “Erase-erase Marga! “ Para akong temang na kumaka usap sa sarili ko. “Ahm! Let’s go? “ nakangiti niyang tawag sa akin pero hindi ko s’ya pinansin, tumayo ako na hindi ako sumagot! Bahala siya sa buhay niya! Nakita ko pa siyang napa-iling siguro sa inasta ko. “Let’s go mens! “ utos pa niya sa mga kasamahan niya. At wala pa rin akong imik! Samantalang si Pepito ayun! Pa pito-pito pa ang mokong! Sabay ngisi kay Andrew! Kaya dalawa na silang sinamaan ko ng tingin! At wala akong pa sabi-sabi na pumasok nalang sa kotse ni pangit! Dahil masama talaga ang loob ko sa kanya! Ano s’ya two-timer ganun? So ano sa kanya para-usan? Wow! Hindi ako papayag! Ako si Margareth! Walang sinuman na makakatalo sa akin! Makikita ko lang talaga ang babaeng ka agaw ko sa kanya malilintikan saakin! Para akong timang na kausap ko ang aking sarili. Pero bakit ang sagwa naman yata yung word na para-usan. E’ halik lang naman ang nangyari! Erase Marga erase! Sita ko ulit sa aking sarili. Nagulat pa ako sa biglang malakas na viverate ng aking cellphone! Patunay na may tumatawag. Kaya sinagot ko na ng hindi ko tinignan kung sino ang caller. "Hello" sagot ko agad “bilang na ang araw mo mahal na prinsesa! Dahil malapit ka nang mawala sa landas ko hahaha! “ Bigla akong Nanginginig sa sobrang takot ng marinig ko ang boses n’ya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD