ANDREW POV
Damm it! Damm it! “ hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit sa aking sarili habang nakatingin ako sa kanya palayo. Kahit ilang beses ko pa siyang tawagin hindi na niya ako pinakinggan.
“s**t! “ Frustrated kong sigaw. I am not saying sorry about that kiss. Gusto ko lang naman umiwas sana dahil pakiramdam ko sa aking sarili mas higit pa ang gusto ko. Ngunit galit pa siya sa akin?
Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kanina, paulit-ulit kong nilabanan ang aking sarili ngunit hindi ko na kaya. Lalo na nung nakita ko tinanggal na niya ang kanyang damit, at underwear lang ang suot? Demment!
Mabuti at walang tao sa rest-house dahil inutusan ko silang lahat na pumunta sa bayan. At sinabi kong mag manman sila. Pero sinabi ko naman na babalik sila bago mag lunch dahil uuwi na kami mamayang hapon.
Ngunit mukhang galit na siya, anong gagawin ko? Urgh!! Frustrated kung sigaw! Mas gustuhin ko pang makipag barilan nalang sa mga kalaban ko kaysa ganito! s**t!
Ayaw ko na siyang nakikita na malungkot. Pakiramdam ko meron siyang tinatagong lihim sa kanyang pagkatao. Dahil hindi lang minsan na nakita ko siyang nakatingala sa langit, parang may kinakausap. Hindi rin lingid sa aking kaalaman na umiiyak sa habang parang may kinakausap. Lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan ko siya mula sa malayo.
Habang palakad-lakad ako sa tabi ng dalampasigan, tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko na agad.
“What’ dude? “ tanong ko agad kay Garry dahil siya lang naman ang tumawag.
“Parang ang init yata ng ulo natin Captain?“ biro pa niya sa kabilang linya.
“You shut up! “ sigaw ko sa kanya. Tumawa lang naman ang gago! Alam niya kasi na andito ako ngayon sa bago kong mission. At alam din niya na si Margareth ang sinasabi ng mga kasamahan namin sa kanya. Kaya nga nilapitan pa niya no’n pabinyag ni Pitter.
“ Ano bang nangyari? “ Rinig kong tanong niya at tumigil na siya sa pag tawa. ‘tong kaibigan ko ang expert sa lahat ng ganito, hindi kaya nakakahiya kung maglabas ako sa kanya? Mga katanungan sa isip ko.
“Demment! “ sigaw ko na ulit, sabay sipa sa buhangin, at tumawa na naman ang gago!
“Sabihin mo na kasi dud. Baka matulungan pa kita? “ tugon na naman niya saakin! Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari.
Paakyat na ako sa taas matapos namin mag-usap ni Garry. Dumeretso muna ako sa aking kwarto upang maligo at magpalit ng damit dahil basang-basa na ako.
Pagkatapos namin mag-usap ni Garry ay nagbabad muna ako sa tubig kanina at pinag isipan kong mabuti ang payo ng aking kaibigan.
Sumulyap ako sa kanyang kwarto, as usual sarado. Buti nalang wala ang mga kasamahan ko at baka magtaka na naman sila. O' di kaya naman puro kantyaw na naman ang aabutin ko! Katulad na lang kagabi.
Parang pinagkaisahan pa nila ako kagabi dahil sa nadatnan kami sa sala! “s**t” mabuti nalang din at meron naman silang respeto saakin. At nagkunwari silang walang nakita.
Duda din ako sa mga kasamang kong nag ba-bantay kay Margareth. Hindi sila basta-basta lang. Makisig din ang kanilang pangangatawan katulad ko. Yun nga lang hindi maitatanggi na mas bata pala sila kesa sakin. Si Pepito lang naman ang medyo ka edaran ko.
Masasabi kong magaling din ang ama ni Margareth na pumili ng bantay ng kanyang anak.
“At isa kana do’n Captain! “ sigaw ng utak ko! Napa-iling nalang ako sa aking iniisip.
Hindi ko namalayan na tapos na pala akong naligo. Nagbihis na ako at sundin ang sinabi sa akin ni Garry. Nagdalawang isip pa ako kung susundin ko ba o hind. Bahala na!
MARGARETH POV
“BWISIT siya! Anong akala niya saakin! Hindi man lang ako sinundan? “ mga himutok ko sa aking sarili habang paakyat ako sa taas! Kung sabagay, bakit nga ba ako susundan kong may mahal na siyang iba?
Inisip ko pa kanina kung sundan n’ya ako ibig sabihin may gusto na sa akin, ngunit wala ni anino niya! Hindi ba dapat sinundan niya ako? Kung sabagay nga nag sorry siya sa halik namin.
Siguro sising-sisi na s’ya.
Pumasok na ako sa banyo at maliligo na ako. Pagkatapos nagpalit na rin ako ng damit. Bahala na siya sa buhay niya! Nasira na din ang araw ak. Imbes na mag unwind ang gagawin ko, ‘to ako ngayon hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakita ko ang cellphone ko sa bedside table ko at kinuha ko. Tatawagan ko nalang si Joy!
Buti na lang din at binigay na sa akin. Akala ko hindi na n’ya ibalik. Pero kabilin-bilinan n’ya na wag ko daw sasabihin kung nasaan ako kahit sino. Para walang gulo sundin ko nalang. Hanggang ngayon hindi ko pa tinatawagan si Cara. Dahil si Joy ang unang pumasok sa isip ko.
Isang ring lang naman sa kabilang linya at sinagot aga. Dalawang araw na rin ang absent ko sa kumpanya namin. Dahil araw ngayon ng biyernes.
“Oh, Margs bakit? “ tanong niya agad saakin. Hindi pa nga ako nagsasalita nagtatanong na?
“Good morning Joy, “ medyo malungkot kong boses sa kanya, napasinghap pa sa kabilang linya na akala mo naman may nakaka bigla sa sinabi ko, diba nga nag greet lang ako sa kanya? Over acting din minsan ‘tong kaibigan ko!
“Omg! Margs! Hindi kana V?! “ bulalas niya sa akin! Muntik ko pang nabitawan ang cellphone ko sa kanyang sinabi. Ang gaga niya talaga!
“Gaga! Anong hindi na ako V na pinagsasabi mo d’yan? “ ganting sigaw ko! At ang baliw kong kaibigan napa halakhak pa! Mukhang wala na ang sakit.
“Ang hina naman kasi ng boses mo noh, para kanang pagod eh ang aga-aga friend! “ biro niya na para bang may laman ang sinabi! Bwisit talaga siya mukhang nagkamali yata ako na tumawag pa sa kanya.
“Heh tumigil ka! “ awat ko sa kanya dahil ang baliw kong kaibigan tumatawa na!
“Ok, ok! Sorry na! May problema kaba? Ano nabitin? “ pabiro nitong sagot saakin!
“Anong bitin ang sinasabi mo d’yan? “ naguguluhan kong tanong sa kanya,
“Naku Margs hah, kung hindi lang kita kilala malamang magtataka talaga ako sayo. Buti na lang kilala na kita, “ sabi pa niya sa akin.
“Hoy! Baba'ta! Anong ang pinagsasabi mo d’yan! Tinawagan lang kita kasi bored ako! “ hindi ko mapigilan na himutok! Dahil mukhang iba ang nasa utak ng kaibigan ko. Gosh!
“So, na alala mo lang ako dahil bored ka ganun? Grabe ka Marg’s hah! Ang hurt! “ Kunwari nalungkot pa ang boses niyang sagot sa akin kung kaharap ko siya siguro nakanguso na naman si Joy!
“I mean No! Hays! “ hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nahiya ako sa kaibigan ko. ‘To kasi ang first time na mag open up sa kanya about my personal feelings.
“E’ ano nga? Go on! Baka matulungan kita, FIY kasama mo si Fafa Pogi! “ parang kinikilig pa niyang bulalas saakin,
“Hays! “ hinga ko ulit ng malalim,
“Wow hah! Ang lalim yun Margs. Problem? “ medyo seryoso na siyang sagot saakin. Pinag isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi! Hays bahala na!
“Kasi ano—uhm? “ hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil parang nahiya ako.
“Ano nga dali! “ mukhang excited ang kaibigan ko sa aking sasabihin. Kung sabagay kay Joy medyo kampanti naman ako.
“Kapag bang humalik ang lalaki sayo at nag sorry ibig sabihin ba, nagsisi siya? “ Diretso kong tanong sa kanya, buti na lang at hindi ako nauutal, at ang aking kaibigan sa kabilang linya biglang tumahimik!
Alla siya! Bakit siya nawala? At ang gag* biglang tumili! Nilayo ko pa ang aking cellphone sa tapat ng aking tainga!
“OMG! Margs! Really meron kanang first kiss? O’ wait! Hindi na ako magtanong kung sino! I know it naman eh! “ Sagot niya sa akin na akala mo excited.
“Kaya lang Joy, feeling ko may iba siyang gusto, “ Malungkot kong tugon sa kanya. At tahimik ulit ang kaninang kinikilig.
“Hoy! Asan kana gaga ka?! “ Tanong ko pa sa kanya. Kasi naman nawala na ang gaga.
“Ahm. I’m here friend. Wait hah! You told me, he say sorry to you? And you feel he had another girl’s love? I think so. Because sometimes I saw him he is looking her girl. “ Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi ni Joy. Napa hinga ako ng malalim. Ibig sabihin pala meron nga siyang ibang gusto. Pati kaibigan ko pala alam din.
“You said so? “ malungkot kung tugon sa kanya.
“Bruha joke lang yun noh! E’ ano naman ngayon kung may nagugustuhan siyang iba? Haller nasaan ang kilala kong Margareth Bernardo na pantasya ng mga kalalakihan aber? “ Bawi n’ya sa sinabi saakin. Gaga talaga s’ya akala ko pa naman totoo na ang sinabi.
“Pero wait friend, do’n tayo sa nag halikan kayo, ayeh! So ano ang feeling ng first kiss Margs? “ kinikilig niyang bulalas ulit. Kung alam lang niya dalawang beses na kaming naghalikan ni herodes! Ay hindi pala, maraming beses na.
“He! Tumigil ka! Hindi ako noh! Yung ano–yung pinanood ko! Oo yun tama! “ sagot ko sa kanya at tumawa lang ang gaga!
“Ha-ha! Wag kang magsinungaling my friend! I know you all ready! Ngayon ka lang yata nag open-up about that KISS! “ medyo nilakasan pa niya ang pagbigkas sa kiss bwisit talaga mukhang madagdagan pa ata ang problema ko.
“Well, ano ba kasi ang nangyari? Nabitin kaba? Oh ano? “ tell me at baka naman na misinterpret mo friend? “ dagdag pa saakin. Kaya naman napaisip ako.
Oo nga noh! Hindi kaya na misinterpret ko talaga? Kasi kung nagpatuloy kami sa paghahalikan baka kung saan na napunta! Wala paman din kaming kasama dito sa bahay?
“Hoy! Asan kana? Bigla ka nalang nawala d’yan! “ boses ni Joy sa kabilang linya dahil bigla akong napaisip.
“Kasi ano eh… “ para akong isang bata na hindi ko masabi-sabi ang sasabihin ko sa aking kaibigan.
“Sige na sabihin mo na baka makatulong ako sayo, ayaw ko ng nakasimangot at mainit ang ulo ng amo ko sa lunes hah? “ pabiro pa niyang sinabi sa akin, ang gag* talaga niya! Kilala nga niya ako!
“Si pangit kasi, “ pagsisimula ko,
“Pangit who? You’re handsome bodyguard? “ pagtatama niya saakin, napa ngiti pa ako sa sagot ng kaibigan ko. Buti nalang wala siya sa harapan ko.
“Yes, I mean No! Hindi siya gwapo pangit siya! “ Tanggi ko sa kanya! At ang gaga tumawa na naman!
“ Ok, then, pangit so ano na? “ pagsakay sa akin kahit tawang-tawa naman sa kabilang linya!
“He kiss me “ pagsisimula ko sa kanya! At ang baliw kong kaibigan tumili na naman!
“And? “ sagot pa niya sa akin. Parang kinikilig ang gaga!
“And then, he said sorry after that!” Maktol ko sa kanya,
“And you walk away? “ sagot niya sa akin, tumango lang ako na akala mo nasa harapan ko siya. Nagtaka pa ako bakit alam niya ang ginawa ko.
“Baka naman na mis interpret mo friend, baka naman nag sorry siya sa ibang dahilan. Like you know—” hindi rin niya matuloy ang sinasabi ni Joy.
“What do you mean by that? Straight to the point Joy! “ medyo inip kong sagot sa kanya. Mas marami kasing alam ang kaibigan ko about this topics.
“Anyway, nasaan ba kayo kaninang naghahalikan kayo? “ sagot pa niya sa akin. 'to na nga talagang sure na siya sa sinabi niya.
“Sa dagat! “ diretso kong sagot sa kanya. Para na sayang imbestigador tinatanong lahat eh!
“May tao? “ tanong niya ulit. Ano naman ang kinalaman sa tao ang kiss namin! Pero sinagot ko naman siya.
“Wala! Kasi wala naman mga kasamahan niya, ewan ko kung nasaan sila! Pag gising ko kanina dalawa nalang kami dito sa rest-house. “ Tapat kong tugon sa kanya,
“Friend, don’t offended hah, “ sagot niya sa akin, tumango lang ako na akala mo nasa harapan ko siya,
“Hindi kaya, because he say sorry to you it because he doesn’t want to make a sin like, um! Like kung hindi niyo tinapos ang halikan niyo baka kung saan mapunta, parang ganyan friend. Do you understand what I mean right? “ mahaba-haba niyang litanya saakin. Mukhang nakuha ko naman ang sinasabi ng aking kaibigan.
Oo nga naman! Kanina kasi, parang may matigas na sumagi pa sa gitna ko! Dahil naka suot lang siya ng boxer habang nasa tubig kami. Tapos ako bikini lang. Habang hapit n’ya ang baywang ko. Nag init pa ang mukha ko sa aking naisip.
“Andiyan ka paba Margs? Hello! “ nagbalik ang diwa ko sa boses ni Joy.
“yeah! But how about the girl he likes? “ balik kong tanong. Kasi hindi pa ako kuntento sa sinabi niya kanina saakin.
“Girl, hello! Nakalimutan mo na yata na ikaw si Margareth Bernardo. Ang kinababaliwan ng mga kalalakihan? Wag mong sabihin sa akin na may insecure kana sa sarili mo haller Margs! “ Mahaba-haba niyang litanya sa akin.
“At isa pa! Ikaw sino nagsabi na nagugustuhan palang n’ya. Malay mo ikaw pala yon. “ Dagdag pa niya saakin sabay hagikgik n’ya na parang kinikilig. Kaya naman medyo nakaramdam na ako ng ginhawa sa aking sarili.
“Thanks friend. Ilove you! “ pasalamat ko pa sa kanya.
“Naku! Maliit na bagay! My God's friend! You’re in love with your personal bodyguard? Kung sabagay is not bad naman! He’s so pogi bagay na bagay kayo. I Love you too! “ bulalas pa niya saakin sabay malakas na halakhak!
“He! Tumigil ka! “ pagpapatigil ko sa kanya! At tumawa na naman siya! Sigurado ako lunes sabunin niya ako ng maraming katanungan.
“Sige na ba–bye na! “ pagtatapos ko sa usapan namin! Tumawa naman ang gag* at pinatay na din niya ang kanyang cellphone.
Palakad-lakad pa ako sa paanan ng aking kama at nag iisip! Bakit hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik?
Mag aalas diyes na ng umaga! Medyo gutom na rin ako! Gusto kong bumaba ngunit baka ando’n siya? Hays naman eh!
Nawindang lang ako sa katok ng aking pintuan at dahil sa gulat ko pumunta ako sa bed at mabilis akong nag talukbong! Rinig kong tumunog ang pintuan na para bang binuksan?
Paano niya nabuksan, ang alam ko naka lock yun? Kung sabagay pala hindi ko alam kung kaninong rest house ‘to.
“Haist! “ narinig ko ng huminga siya malalim.
“She’s sleep! “ narinig ko na naman na sagot niya, mukhang may kausap siya sa cellphone. Kaya naman naki ramdam lang ako.
“You shut-up! “ sigaw niya siya kausap niya! Medyo nagulat pa ako. Dahilan upang gumalaw ang aking katawan! At bigla nalang siyang tumahimik. Meron pa akong naririnig na tunog ng kutsara at plato.
Napapikit ako, dahil tinanggal niya ang talukbong ko, tapos hinawi pa niya ang buhok sa mukha ko pakiramdam ko pulang-pula na ang aking pisngi! Dumampi na naman kasi ang kanyang palad sa aking mukha na para bang napaso pa ako sa sobrang init.
“Baby, wake up. “ gising niya sa akin. Ano daw Baby? Parang gusto kong mag tatalon sa tuwa dahil sa endearment na ginagamit niya saakin. Ngunit nagpanggap parin akong tulog.
Pakiramdam ko nakatitig siya saakin. Dahil ramdam ko pa ang hininga niyang mainit-init na dumantay sa mukha ko at fresh breath, parang bagong ligo pa dahil ang bango niya? Parang ang lapit-lapit ng kanyang mukha sa mukha ko! Dahil sa mainit niyang hininga!
Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapa lunok! Dahil mukhang nanadya ang hinayupak! At nga gago narinig ko pang tumawa! Pero bakit ang sarap sa tainga ko ang kanyang pag tawa! May sira na ba ang utak ko?
“Bumangon ka na d’yan baby, kung ayaw mong magsisi ka sa gagawin ko, “ bulong pa niya sa akin tainga. At bulta-boltahe ng kuryente ang nano’t sa aking balat. Ang nagpagising sa dugo kong natutulog!
Ano daw pagsisihan? Ang ano? At bigla na lang akong napabalikwas mula sa pagka higa. Dahil pumasok saaking utak ang sinabi ng magaling kong kaibigan!