Chapter 15

2294 Words
MARGARETH POV Habang naka upo ako dito sa harapan niya, hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa kanya. Para siyang isang modelo sa isang restaurant dahil ang sarap-sarap niyang kumain. Napalunok pa ako dahil sa panay sulyap niya sa akin. Akala ko kanina siya lang ang pupunta sa kusina, ngunit hindi naman niya binitawan ang kamay ko hanggang sa pagdating namin dito at hinila pa ang upuan para sa akin. Wala na din naman akong nagawa. Total mabait naman siya at hindi na sumisigaw. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi man lang ako makapag reklamo sa kanya. “Tapos kanaba? “ Hindi ko mapigilan na tanong sa kanya, dahil iba na naman ang mga titig niya saakin. Naalala ko tuloy ang halikan namin kanina sa kotse. Pero napawi din ang ngiti ko dahil sa babaeng nagugustuhan n’ya. Lagi na lang kasi pumapasok sa isip ko. Mukhang napansin n’ya ako dahil nag iba ang emosyon n’ya na kanina parang ang saya n’ya ngunit napakunot noo na s’ya. Pero sinagot naman ako. “Yeah, you can go at the living room first, “ sabi sakin kaya tumayo na ako. Mas lalo akong nalungkot sa sinabi n’ya. Feeling ko nagsawa na agad saakin. “Ok. “ tipid kong sagot sa kanya. At napayuko pa ako. Hindi ko na siya pinansin pa. Pumunta na ako sa living room at in-on ang t.v. Wala naman maganda na palabas pero pinagtyagaan ko na. Hindi naman ako pinag hintay ng matagal, dahil nandito na si herodes, I mean si Andrew. “Are you bored? “ tanong niya saakin at umupo na siya sa tabi ko, medyo umusog pa ako kaunti dahil sobrang lapit niya sa akin . Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag smirk niya ng mahina. “Sandali lang, babalik din ako agad. “ paalam niya sa akin, hindi na din ako nakasagot dahil tumayo na siya ulit at umakyat sa taas. Nagkibit balikat na lang ako. Palipat-lipat pa ako ng channel sa t.v dahil wala naman maganda na palabas. Hanggang sa napatigil ako sa HBO channel kaya naman do’n ko nalang inistop. Hindi pa naman kasi ako inaantok dahil mahaba-haba din ang aking tulog kanina. Kinikilig pa ako sa aking pinapanood sa t.v ng mahagilap ang aking mata na pababa na sa hagdan si Andrew. Omg naligo si pangit? Napa nganga pa ako dahil nakangiti siya habang pababa sa hagdan at nakatitig saakin. Nanaginip ba ako? Tanong ko pa sa aking sarili. Hanggang sa ramdam ko na lang na lumundag ang sofa kung saan ako naka upo. Napalunok pa ako dahil sa fresh at mabango niyang amoy. Mukhang mamahalin ang sabon niya. “Mahilig ka pala sa romantic movie? “ Biglang tanong niya saakin, at nakatingin siya sa t.v, halos malaglag din ang panga ko dahil ang ngiti niya walang halong kaplastikan, kung baga natural, at ang mga mata sa t.v nakatoon kaya naman sinundan ko. Ngunit nagsisi naman ako dahil naghahalikan ang ando’n! “Kung mamalasin ka naman Marga! “ Bulong ko pa sa sarili ko. Ilipat ko sana ang channel ng kinuha niya ang remote control sa kamay ko. Ngunit imbis na remote ang kunin niya, ang kamay ko ang hinawakan niya. “Y-Yung kamay ko, “ nauutal ko pang bulalas sa kanya, ngunit para wala siyang narinig. Samantalang ang t***k ng puso ko parang maatake na yata ako sa sobrang lakas! Habang nakatitig siya saakin. 'tong mga titig niya hindi ko maipaliwanag, parang nakikiusap na ewan? Tumaas–baba pa ang adams apple niya. At bumaba ang kanyang mga mata sa labi ko. Hindi na ako makagalaw dahil pakiramdam ko nanghihina na ako. Iniisip ko baka mag walk-out na naman s’ya katulad kanina. Pero iba ang mga titig n’ya ngayon saakin. Konting-konti na lang at magdikit na ang labi namin sa isa't isa, napapikit nalang ako ng aking mga mata at hintayin ko nalang ang kanyang halik, lalo pa at na amoy ko Na ang fresh breath niya. Na mas lalong nagpa–akit saakin. “Siguro naman matuloy na ngayon. “ bulong ko pa sa hangin habang nakapikit ako. Nang bigla nalang nagbukas ang pintuan sa may main door at bigla akong natauhan! Kaya naman dahil sa hiya ko, mabilis akong umakyat sa taas ng walang paalam. “Anong nangyari kay ma’am Sir? “ rinig ko pang tanong ni Pepito kay Andrew. Ibig sabihin wala silang nakita? Kausap ko sa sarili ko. Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. “Ano ba nangyayari sayo Marga? “ kausap ko ulit sa sarili ko. Hays! Muntik ulit! Bulalas ko pa! “Nanghihinayang ka? “ Sigaw ng kontrabida kong utak. Napailing nalang ako kung ano ang pumapasok saakin imahinasyon. Tiningnan ko ang relo sa bedside table ko ay mag alas onse na ng gabi! Ganun na pala ka lalim ang aking iniisip. Kaya naman napagpasyahan ko nang mag shower, at makatulog na dahil susulitin ko ang pamamasyal bukas. Mukhang maganda naman dito sa Cagayan. Kung hindi ako nagkakamali ay nandito kami sa Cagayan. KINABUKASAN…. Napaunat pa ako sa aking mga braso dahil kagigising ko lang. Sumisilip na rin ang araw sa aking kwarto, dahil lumilipad pa ang mga kurtina mula sa bintana. Binuksan ko ang bintana kagabi pati pintuan dahil mas gusto ko ang preskong hangin. Hindi naman ako nag-alala kasi alam ko naman na hindi ako pabayaan ang mga bodyguard ko. Feeling ko kasi safe ako sa kanila. Hindi katulad sa dati no’n na may pangamba ako. Pagsulyap ko sa orasan mag aalas otso na ng umaga. Kaya wala na akong sinayang pa na oras. Inayos ko muna ang aking higaan bago ako pumunta sa banyo. Tapos na ako sa lahat at nagbihis na din ako. Nag ready na rin ako, nag suot na ako ng swimsuit dahil nakita kong may beach sa likod ng rest-house. Maganda sa balat ang araw sa oras na ganito. Dahil hindi pa masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw. Nag suot lang ako ng dress na pang beach. Para madali kong matanggal kapag nasa tabing dagat na ako. Kaya nagpasya na akong lumabas sa aking kwarto. Pag labas ko sa kwarto, mukhang tahimik naman lahat. Kaya nagtaka pa ako. “Siguro namasyal sila? “kausap ko sa aking sarili. Ngunit napatigil ako dahil may na amoy pa akong parang nilulutong ihaw, napalunok pa ako sa aking na amoy. Pakiramdam ko bigla akong nagutom. Pag baba ko sa hagdan, dumeretso ako sa kusina, baka si Nanay Fe ang nagluluto kaya tuloy-tuloy ako sa paglalakad na akala mo excited pa ako. “Wow Nanay Fe ang bago nama—” hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil si Andrew ang nasa kusina at siya ang nagluluto? At naka apron pa! Without T-shirt? Omg ang Abs! “H-Hi. G-Good morning! “ nauutal ko pang bati sa kanya, tatalikud na sana ako at aalis ng magsalita siya. “Walk out again? “ tugon niya saakin, kaya naman napapihit pa ang aking paa sa pag hakbang. “Again? S’ya kaya yung mahilig mag walk-out! “ maktol ko bago ako humarap. Ngunit nagulat ako dahil nasa harapan ko na pala s’ya. Ang bilis naman? “Good morning baby “ bulong niya sa akin, and OMG! Bakit ang bago niya kahit nag-ihaw na s’ya. Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa baywang ko nang nagpa balik ang diwa ko! “A–Anong g–ginagawa mo? “ nauutal kong tanong sa kanya, at herodes tumawa pa! Pero bakit parang musika saakin pandinig ang tawa niya? Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya. “You stare at me as you want, but, in return baby, “ bulong pa saakin at pina-upo na niya ako sa selya, naghanda na naman siya ng mga pagkain sa mesa. Wala din naman akong nagawa kundi sumunod na lang. Napapa sunod lang ako sa lahat ng gusto n’ya. Inalis na rin niya ang kanyang apron at lalo naman akong natulala sa abs niyang kumikinang lalo at pinagpawisan pa siya! “Like the view huh! “ bulalas niya kaya nagbalik ang aking diwa! Napa iling pa ako! Hindi naman ‘to ang first time kong makakita ng abs kung bakit sa kanya iba ang dating saakin. “Ang kapal mo! “ sagot ko sa kanya ng bumalik na ang aking boses. Tumawa lang naman ang herodes! Ngunit mahina lang sapat na para marinig ko. Sa dami ng pagkain sa mesa duda ako kung maubos namin. Dahil pakiramdam ko busog na ako. Kaya hindi ako kumain kahit masarap lahat ang mga nakaahin. Kaya naman ang prutas lang ang ginalaw ko. Pakiramdam ko busog na ako sa abs niya ay este! Sa amoy ng niluto niya. Napa sulyap pa ako sa kanya dahil pakiramdam ko nakatitig na naman siya saakin. At hindi nga ako nagkamali. Ngunit nakakunot ang kanyang noo at nakatingin saakin. “Ayaw mo ng ulam? “ medyo may pag-alala sa kanyang boses. “No, I mean. I like it. Kaya lang ayaw kong kumain, gusto ko kasi mag swimming sa labas. Pwede ba akong mag swimming?” tanong ko pa sa kanya, tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa bago niya ako sinagot. “Sure, bastat kasama ako, “ sagot niya, napa irap pa ako sa kanya. Mukhang bumabalik na naman ang pagsusuplado niya. “Whatever! “ bale-wala kong sagot sa kanya at tumayo na ako. Pati siya tumayo na rin at sinabayan na niya akong maglakad sa labas papunta sa beach. “Siya nga pala, bakit wala si Nanay Fe? “ tanong ko sa kanya, para may pag-usapan para hindi ako makaramdam ng awkward saamin dalawa. Pero pansin ko sa kanya, bakit hindi siya nagsuot ng damit! Omg! Parang binibida pa ang kanyang Abs saakin ng herodes na ‘to! “Wala sila, pumupunta lang sila dito kapag walang tao, at kapag kailangan, “ Mahinahon naman niyang sagot saakin. “Ah, kaya pala, “ yun lang ang nasabi ko, magtanong pa sana ako ng makita ko na ang dagat! Na para bang nag aya saakin na maligo na! Tinanong ko muna ang kasama ko kung gusto niya maligo din. “Gusto mo maligo? “ tanong ko sa kanya, sabay sulyap sa kanya at sabay tanggal ko narin sa tali ng damit ko. Hindi rin ako nahiya na swimsuit lang ang aking suot, dahil sanay na ako isa pa, beach 'to. “Demment! s**t buddy calm down. “ rinig ko pang bulong niya sabay lunok na naman niya. Pero hindi ko naman naunawaan ng malinaw. “May sinasabi kaba? “ naguguluhan kong tanong sa kanya. “Yeah, I mean wala, sige ikaw nalang maligo dito lang ako. “ medyo taranta pa niyang sagot sakin at tinalikuran na niya ako. “May pa sabi-sabi pang walk-out pero s’ya naman ang mahilig sa walk-out! “ bulong ko sa hangin. Nagkibit balikat nalang ako. Basta ako mag eenjoy! I Love beach anyway! “Whoa!” sigaw ko pa at tumakbo na ako sa dagat! Ay! Sigaw ko ulit dahil ang lamig ng tubig! Ang sarap sa pakiramdam! Napapikit pa ako at ninamnam ang lamig. Alam ko din nanonood ang aking bodyguard saakin. Kaya naman may naisip 'kong kapilyuhan! Magpanggap akong nalunod! Napangisi pa ako sa aking kabaliwan. Mabilis akong pumunta sa may ilalim na banda. “And one, two, three, go! “ bilang ko pa bago ako nagpa ilalim. Ngunit hindi ko inaasahan na may humawak sa aking baywang. Nagulat pa ako dahil bigla niyang sinakop ang aking labi… Wala na din akong nagawa dahil nagpatangay na ako sa matamis niyang halik. Pinulupot ko na rin ang aking mga braso sa kanyang leeg! Dahil bawat halik n’ya saakin palalim ng palalim. Sabay pa kaming hingal na hingal ng maka ahon kami sa tubig. Habang naka yakap parin siya saakin. Ganun din ako sa kanya. Hindi naman ako makapag salita dahil pakiramdam ko umurong na naman ang dila ko. Pati mga tuhod no nanghihina narin. Mabuti nalang at nakayakap siya sa saakin. Hindi ko na alintana ang lamig ng tubig dahil sa mainit nitong katawan ng dumikit sa akin. Nang medyo ok na ako, tumingala na ako sa at nakatitig na naman siya saakin. “ Andrew—-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil muli na naman niyang sinakop ang naka awang kong labi, hindi ko narin mapigilan ang aking sarili at napatangay ulit ako, sinabayan ko ang mapupusok niyang halik na nagbibigay ng kakaiba sa aking katawan. Pakiramdam ko nag iinit ako kahit nasa tubig naman kaming dalawa. “We need to stop, baka saan ‘to patungo, “ rinig kong bulong niya saakin at yumakap pa siya, sabay halik sa noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Bakit kailangan niyang tumigil? Hindi ba sinabi niya na wala siyang girlfriend o asawa? Na alala ko pa kasi ang sinabi niya sa daddy ko. Pero yong sinabi n’ya kagabi sa mga kasamahan n’ya nagbalik tanaw saakin. Kaya napa yuko ako. Pakiramdam ko paulit-ulit n’ya akong ne-reject. Hanggang ngayon nanghihina pa ako sa nangyari, naka-upo kami ngayon sa buhanginan. Walang gustong bumasag sa katahimikan. “About sa nangyari–” pagsisimula niya, natakot ako kaya pinatigil ko siya sa sabihin niya, “Don’t worry about that, just only a kiss! Wag kang mag-alala hindi makakarating sa daddy ko ‘to! “ sabi ko na lang at pinilit kong tumayo kahit pakiramdam ko gusto ko nang umiyak. Bakit parang pakiramdam ko nakaramdam ako ng inggit sa babaeng nagustuhan niya. Sana ako na lang. Ilang beses pa niya akong tinawag ngunit hindi ko na siya pinakinggan. Ayaw ko nang marinig ang rejection n’ya saakin. Hindi ko matanggap sa aking sarili na kapag aminin n’ya saakin na may mahal s’yang iba. Bakit pakiramdam ko sa aking sarili nasasaktan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD