Chapter 14

2172 Words
MARGARETH POV Sa matagal namin pag titigan kanina ay walang nangyari. Hindi rin n’ya binalik ang aking cellphone. Kaya hinayaan ko nalang. Dahil sa nanghihina ang aking tuhod. Napa-upo pa ako kanina sa sofa at iniwan niya ako. Hindi ko namalayan, nakatulog ako. Ngunit ang pagka-alala ko sa sofa ako nakahiga, paanong nandito ako ngayon sa malambot na kama? Napa-unat pa ako sa aking braso dahil medyo masakit ang isa, tagilid kasi akong nakahiga. “Ma’am. Kung gising na kayo, bumaba na daw kayo at kakain na, “ boses ng lalaki ang kumatok mula sa labas ng pintuan. Nagtaka pa ako bakit lalaki, hindi ba dapat si Nanay Fe yun? “Ah, siguro yung asawa, “ kausap ko sa aking sarili. At nagpasya na akong lumabas. Pero bago yun magpalit muna ako ng damit, tiningnan ko pa ang orasan sa bedside table ko, mag–aalas otso na pala ng gabi. Kaya pala pakiramdam ko gutom na ako. Wala na rin akong narinig na katok, at yabag nalang ang narinig kong palayo. Kaya naman nagpasya na akong bumangon. Nakita ko pa ang aking maleta sa paanan ng aking bed kaya naman binuksan ko na. Kinuha ko ang kulay krema na spaghetti strap long dress na gustong-gusto kong isuot lalo na kapag ganitong unwind ang pinupuntahan ko. Kahit pa gabi mas gusto ko ang mga ganitong suot. Mahilig kasi ako sa long-dress. Isang beses ko pang pinasadaan ang aking sarili sa salamin ng banyo at nang nakontento na ako’y napag pasyahan ko nang lumabas sa aking kwarto. Habang pababa ako sa hagdan, narinig kong parang may nagkakasiyahan sa labas ng rest house. May narinig din akong kumakanta at parang may gitara pang tumutugtog. Tuloy-tuloy naman ako sa paghakbang pababa. Ngunit nakita ako ng isa sa mga bodyguard ko. At binati ako. “Good evening ma’am. Sandali po at tawagin ko si Sir Andrew. “ Bati niya saakin at umalis na sa harapan ko kahit hindi pa ako nakaka sagot sa kanya, napa-iling nalang ako. Mukhang mahiyain ang mga bago kong bodyguard. Lahat kasi pinalitan ni dad, magsimula ng si Andrew ang personal bodyguard ko, si Pepito lang ang hindi. Mukhang lahat sila, Sir na ang tawag kay herodes! Maya't maya lang ay nakita ko nang pumasok ang taong laman ng utak ko kanina. At napatigil pa siya saglit, habang nakatitig sa akin, kaya naman napalaki ang mata ko at baka nakalimutan ko na naman ang magsuot ng bra! Kinapa ko pa ang aking harapan at nakahinga naman ako ng maluwag dahil meron naman. Kaya tumingin ako ulit sa gawi niya. “Ahm! “ tikhim pa niya na narinig ko, hindi rin nakaligtas sa akin ang paglunok niya. “Kumain kana, nakahanda na ang pagkain, “ Sabi niya sa akin na hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng labi niya. Totoo ba ngumiti siya? Kausap ko sa sarili ko. Nauna na siyang pumasok sa kusina, at sumunod nalang ako. Nakita ko naman na nakatakip na ang mga pagkain at umuusok pa! Parang bagong luto lang lahat. Dahil lahat umuusok. Pinapanood ko siya dahil busy siya sa pagtanggal ng mga takip. Sabay sulyap sa akin ng tapos na siya. Hindi ko alam kung saan ko ibaling ang paningin ko kaya hinayaan ko nalang na nakatitig din ako sa kanya. At ‘to na naman! Ang puso ko na parang hinahabol sa sobrang bilis ng t***k. May sakit na yata ako sa puso? Omg! “Halika kana, kumain kana baka malipasan ka pa ng gutom, “ Nagbalik lang ang diwa ko sa boses niya, mukhang unlimited ang kabaitan ni herodes ngayon. Parang kinilig pa ako sa inasta niya ngayon. Kahit kinuha niya ang cellphone ko. Bumawi naman s’ya sa pagkain. Magpa-liwanag nalang ako kay Cara kapag nagkita kami. “Siya kaya ang naghanda sa pagkain? “ tanong ko sa sarili ko. Hinila pa niya ang selya para sa akin. Magpasalamat sana ako ng magsalita siya ulit. “Sige kumain ka muna d’yan, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka, “ tugon pa niya saakin, napakurap pa ako sa kanyang inasta! Mukhang unlimited nga ang kabaitan ngayon. Sa-sagot pa sana ako kaso wala na naman lumabas sa bibig ko kaya tumango nalang ako sa kanya. Umalis siya na nakatulala pa ako! Napa-iling nalang ako sa sarili ko. “Ano ba nangyari do’n? Naingkato ba? “ kausap ko sa aking sarili. Kaya naman napagpasyahan ko nang kumain, naglaway pa ako sa masarap na ulam na nakaahin. Halos lahat paborito ko ang nasa hapag kainan. Nagtaka pa ako, dalawa ang plato ang nakapatong sa lamesa ngunit bakit mag-isa lang akong kakain. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula na akong kumain. Inuna kong kinuha ang pritong bangus na gustong-gusto ko with sawsawan na soy sauce at kalamansi, siguro dahil meron pang naiwan na mga seeds. Pangalawa kong kinuha ang talbos ng kamote with kamatis. Kahit kumakain na ako ay naramdaman ko pa ang laway ko. “Humm, sarap! “ bulalas ko pa habang kumakain ako, ‘to na yata ang hang-out ko na nasarapan ako sa pagkain. Dahil lutong bahay. Tiningnan ko pa ang umuusok na may sabaw, na curious ako kung ano yun dahil hindi naman pamilyar saakin. Minsan ko kang nakikita na kumakain ang mga kasambahay namin specially kapag wala si Yaya. Kaya naman kumuha ako. And guest what? Karne ng baka yata 'to? Kumuha ako ng konti at nginoya ko pa. Masarap naman siya! Hindi ko alam kung ano ang klase ng luto yan. Basta may sabaw na may mga gulay, like peachy ba at marami pang iba. I think it's just kind of bolalo. Maybe? At wakas tapos na din akong kumain. Nakatayo na rin ako. Kukunin ko na sana ng plato ko at hugasan ko nang nakita kong pumasok si Pepito. “Hi Pets, kumain kana? “ nakangiti ko pang tanong sa kanya, napa kamot lang naman ang ulo ang isa. Mukhang nahihiya pa saakin. ‘Naku, ma’am kanina pa kami tapos, si Sir Andrew lang po ang hindi pa. “ pa kamot-kamot ang ulo niya na sagot saakin, napa nganga pa ako sa sagot ni Pets sa akin, “Hindi pa siya kumain? “ balik tanong ko sa kanya, at tumango siya. Kaya pala dalawa ang plato sa mesa kanina. Pero bakit hindi siya kumain? Ayaw ba akong kasabay? Mga katanungan sa utak ko at napatingin pa saakin si Pepito. “ Baka hindi pa siguro gutom si Sir, ma’am, siya kasi lahat ang nagluto n’yan, “ Parang proud pang tugon ni Pepito kahit hindi ko naman tinatanong, sabay turo niya sa mga pagkain na nakaahon sa mesa. Mas lalo tuloy akong nahiya, dahil bakit hindi siya kumain. Dahilan para makonsensya pa ako. “Um, Pepito tawagin mo na lang kaya siya para maka–kain na siya, “ Medyo nag-alala ko pang boses sa kanya, mag aalas nuebe na kasi dahil nasarapan ako sa ulam. “Naku ma’am, eh ano kasi—” hindi matuloy-tuloy ni Pepito ang sasabihin dahil parang nahihiya pa! “Anong ano? “ balik tanong ko sa kanya at ‘to na naman siya pa kamot-kamot pa ng batok, “Ano nga? Tawagin mo na siya, malamig na mga pagkain oh! “ turo ko pa sa mga ulam, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang ngiti ni Pepito, na para bang tuwang-tuwa siya sa sinabi E' wala naman nakakatawa? “Kayo nalang kaya ma’am ang tumawag kay Sir, baka ho eh, mapakain n’yo yun! Kanina pa namin siya sinasabihan na kumain muna pero ayaw paawat ma’am! Ang sabi ba naman ay, baka daw iba ang makain, “ mahaba-habang litanya ni Pepito saakin na hindi ko naman maunawaan. At pangisi, ngisi pa ang mokong! “Ok, ako na ang tumawag, ikaw na bahala magpa init d’yan hah! Konsensya ko kapag nalipasan ng gutom yung Sir niyo! “ sagot ko sa kanya, nilakasan ko pa talaga ang bigkas sa sir dahil parang hiyang-hiya sila kay herodes! Ay hindi na pala herodes dahil mabait na pala siya. Hindi ko na hinintay si Pepito na sumagot sa akin dahil iniwan ko na siya, ngunit narinig ko pa ang huli niyang bigkas bago ako makalabas sa kusina. “Tsk! Ang hirap talagang makisama sa dalawang timanaan ni kupido! “ bigkas pa ni Pepito ngunit binalewala ko nalang. Paglabas ko sa biranda narinig ko na ang gitara na may tumitipa, sabay tawanan ang mga bodyguard ko. Hindi ako nakita ng iba kasi nakatalikod ang karamihan. Kasama ang nakahawak sa gitara. “Sir Andrew kantahan mo na kami, ganda ng boses mo diba pare? “ bulalas ng isa sa mga kasamahan niya. Hindi pa ako lumalapit dahil parang napako ang paa ko sa aking kinatatayuan. “Yung para sa babaeng nagpatibok sa puso mo Sir! “ Dagdag pa ng isa. Medyo nasaktan ako sa sinabi nila na may nagugustuhan na palang ibang babae ang Sir nila. Ibig sabihin pala meron nang nagpapa t***k sa puso n’ya? Kaya ba ayaw akong halikan dahil my iba na pala s’yang mahal. Ngunit nakuha n’ya ulit ang atensyon ko ng magsimula na siyang tumipa sa gitara at kumanta, habang nakikinig ako. “ kamukha mo si paraluman… Nung tayo ay bata pa Ang galing-galing kong sumayaw Mapa boogie man o cha-cha…. “ Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil bigla nalang kumabog ang aking puso. Samantalang ang mga kasamahan niya ay sinasabayan pa siya sa pagkanta. Hindi ko akalain na may maganda pala siyang boses. “Ang swerte naman ng babaeng kinakantahan n’ya. “ Bulong ko pa sa kawalan habang nakatanaw ako sa kanila. “Ngunit ang iyong paborito…. Ay ang pag sayaw mo ng El bimbo Nakakaindak nakakaaliw Nakakatindig balahibo! “ Pagpapatuloy niya sa kanta, kuhang-kuha niya ang boses ng original song’s kung hindi ako nagkakamali ang ERASERHEADS. Para akong nanonood lang ng isang band sa isang concert! Hindi ko na rin naiintindihan ang mga lyrics sa kanta niya hanggang sa tumahimik ang kanyang mga kasamahan at siya nalang ulit ang kumanta, “Naninigas ang aking katawan Kapag umikot na ang plaka Patay sa kembong ng baywang mo At pungay ng iyong mga mata… “ Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil pakiramdam ko feel na feel niya ang kanta. At sabay-sabay na naman silang kumanta, na akala mo isang barkada lang sa kanto. I don’t understand why I am smiling watching them, especially the man who holds the guitar and sings a song. Kahit alam ko naman na hindi sa akin ang kanta. Basta feeling ko para saakin 'yon. “ Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo At kahit hindi na uso ay Ito lang ang alam ko…. “ Patuloy niya sa pagkanta! Para bang may pinapatamaan siya? Sabay hiyaw pa ng mga kasamahan niya. “Who! Kaya mo yan sir! Banat! “ sigaw ng isa na akala mo nag che-cheer siya sa isang contest! “ Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay….. “ Hindi pa tapos ang kanta, ngunit binigay na niya sa mga kasamahan niya ang gitara at sila na ang nagpatuloy sa kanta. Habang ako nakatayo parin sa harap ng pintuan. “Sir Andrew! “ napa igtad pa ako sa biglang sulpot ni Pepito at pagtawag kay herodes. Ngayon lang nagbalik ang aking diwa. Pakiramdam ko para akong naingkanto dahil hindi ako makagalaw. Dahil lahat na sila nakatingin sa akin. Partikular sa taong kanina lang kumakanta. “Naku! Sir, pasensya na, napa-init ko na ang ulam! Kanina pa ako naghihintay doon sa loob, “ bulalas ni Pepito. Nakakunot noo naman ang isa! “Naku Sir, tamang-tama narinig ni ma’am ang boses niyong pang singer! “ bulalas ng isa kung hindi ako nagkakamali siya yung naka kita sakin kanina pagbaba ko. “Um! Sige babalik na ako sa loob. “ paalam ko sa kanila ng meron na akong boses, hahakbang na sana ako ng nagsalita si Pepito. “Ma’am Marga, hindi niyo ba tatawagin si Sir Andrew na kakain o sasamahan man lang? “ nakangiti na bulalas ni Pepito saakin, tiningnan ko pa ang iba at para bang nag aabang sila kung ano ang isasagot ko dahil lahat sila naka nga-nga pa na akala mo tumigil ang mundo nilang lahat. Napalunok naman ako, kung tutuusin madali lang naman ang sinabi ni Pepito ngunit parang ang hirap naman sa aking bibig na bigkasin, kaya naman tumango nalang ako bilang sagot! At ang aking mga bodyguard para bang nabunutan pa sila ng tinik sa lalamunan. Dahil lahat sila parang nakahinga na. “L-Let’s go. “ medyo nahihiya ko pang tawag sa personal bodyguard ko. At tumayo naman si herodes. “Ang weird naman nila? “ bulong ko pa sa kawalan! At tumawa lang ang kasama ko. Wait, really tumawa siya? “Halika na baka magbago pa ang isip mo “ sabi saakin at hinawakan na ang aking kamay at inaya na ako sa loob. Narinig ko pang naghiyawan ang kanyang mga kasamahan sa labas bago kami pumasok. Napailing na lang ako sa kanila. At napangiti ngunit ng maalala ko na meron na siyang ibang nagugustuhan bigla akong nalungkot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD