MARGARETH POV
“Pangit help! “ sigaw ko kay Andrew. At napapikit na lang ako ng biglang may umalingawngaw ng putok ng baril!
“AY! “Sigaw ko ulit, dahil bigla nalang may bumulagta sa harapan ko ang isang tao na kanina lang naka ngisi saakin na akala mo isang demonyo dahil sa sama ng itsura. Tinignan ko ang taong may gawa’y walang iba kundi si pangit.
Naaninag ko pa sa kanyang mukha ang pag–aalala at patakbo siya na pumunta sa aking kinaroroonan, bigla akong nanginig sa takot at hindi ko na alam ang aking gagawin.
“Hey, are you ok? “ malamyos niyang boses, naaninag ko sa kanyang mukha ang takot, takot na may mangyari sa akin na masama, sabay pisil sa pulsuhan ko na para bang d'on siya kumukuha ng kasagutan, hindi ko namalayan ang aking sarili at napayakap ako sa kanya sa sobrang takot ko sa taong nakabulagta sa harapan ko.
“Ilayo mo na ako dito please, “ lumabas sa bibig ko at buti nalang at hindi ako nauutal kahit pa nanginig na ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanginig sa nakita kong nakabulagta sa harapan ko.
Hindi ko naman siya narinig na sumagot at para bang binuhat na niya ako, dahil wala na akong nararamdaman para bang namamanhid na ang buo kong katawan sa sobrang takot sa aking nasaksihan.
Hindi ko na rin namalayan na nakasakay na ako sa loob ng kotse at binigyan ako ng tubig. Habang hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Hindi pa kami umalis nang may kumatok sa bintana ng kotse kaya napaigtad na naman ako!
“Sorry Ma’am, Sir nahuli na ang iba. Pero may nakatakas sa iba nilang kasama. “ rinig kong bulalas ni Pepito sa katabi ko. Hindi ko na rin maintindihan ang kanilang pinag usapan dahil sinarado na ni Andrew ang pinto ng sasakyan at lumabas siya.
Nang medyo ok na ang pakiramdam ko, siya naman ang pagbabalik ni Andrew sa loob. Nakita ko pa na parang sinabihan niya si Pepito at patango-tango naman ang isa. Sabay sulyap sa gawi ko.
“Hays! “ hinga ko pa ng malalim at alam ko narinig niya ako. Ngayon ko lang din napansin na may bitbit pa siya. Kung hindi ako nagkakamali baka pagkain yun at nilagay sa back-seat.
Habang binabagtas namin ang daan, walang kaming imik na dalawa. Sabay sulyap siya sa side mirror. Baka sini–siguro niya kung may naka sunod sa amin o wala. Nagtaka din ako at bakit wala sila Pepito. Magtanong pa sana ako ng tawagin ako ng antok. Siguro sa sobrang pagod ko or baka sa nangyari kanina.
Ipinikit ko ang aking mga mata, at pinilit kong iwaksi ang nangyari kanina. Naglalaro rin saaking isipan kung bakit gustong-gusto nila akong patayin?
Naka pikit lang ako ngunit hindi naman ako makatulog. Nakiki ramdam nalang ako sa katabi ko. Mukha naman nawala na ang kasupladuhan niya kanina.
“Pepito, sumunod nalang kayo sa rest-house mauna na kami do’n, make sure na walang nakasunod sa inyo. “ rinig kong utos niya sa mga kasamahan niya, nag pretend lang akong tulog kahit hindi naman.
Pagkalipas ng mahabang-habang byahe. Bigla siyang nagsalita.
“I am sorry about earlier, “ Rinig kong bulalas niya dahilan para mapa mulat ako ng aking mata, tumingin ako sa kanya, kung ako ba ang kinakausap o baka may kausap siya sa kanyang cellphone.
Itinigil pa niya ang kanyang sport-car sa tabi at humarap saakin, nakita ko naman na wala na ang earpiece sa kanyang tainga. Kaya siguro ako nga ang kausap. Hindi naman ako umimik basta nakatitig lang ako sa kanya.
Ewan ko ba sa aking mga mata, kahit pa gusto ko ibaling sa ibang direksyon ang paningin ngunit hindi ‘to makisama, para bang isang magnet din ang taong kaharap ko ngayon dahil sa kanya lang ako napako.
“I am sorry, for what I did. “ ulit na naman niya, kaya medyo naguluhan pa ako.
“Ano bang sinasabi mo? “ sa wakas may lumabas din na boses mula sa aking bibig.
“Dahil sa nangyari kanina, “ sagot niya sa akin at seryoso na ang kanyang mukha. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya. Pero naguluhan ako kung saan ba yung sorry niya, kanina daw? Saan doon? Sa pag bastos niya sa waiter or sa pag–suplado niya sa akin o sa kamuntikan na akong mapahamak? Gusto ko siyang tanungin ngunit ang dila ko umurong na naman! Napalunok pa ako ng ilang beses habang nakatitig sa kanya at ganun din siya saakin, lalo at sa labi ko ang ponterya ng kanyang mga mata.
“OMG! MARGA gumising kana! “ sigaw ng utak ko dahil dangkal nalang ang kulang para mag–lapat na ang labi namin sa isa’t-isa.
Wala na akong nagawa pa kundi pumikit nalang dahil kahit gusto ko man sumigaw ay walang lumabas na boses sa aking lalamunan! Mukhang pinagkakaisahan ako ng traydor kong katawan.
Napa–hawak pa ako sa laylayan ng aking damit nang naramdaman ko nalang na may mainit na labi na dumampi sa labi ko. Sa una, banayad lang hanggang sa naging mapusok na ang halik niya sa akin. Aaminin ko, siya ang aking unang halik kaya hindi ko alam ang aking gagawin, basta sinunod ko ang ginagawa niya sa akin. Isang mainit na halik ang pinagsaluhan namin dalawa habang ako’y nakapikit at ninanamnam ang matamis niyang labi.
Ngunit bigla nalang siyang tumigil sa kanyang ginagawa.
Kaya naman minulat ko na ang aking mga mata, at ang herodes! Parang walang nangyari! Dahil naka focus lang naman sa labas!
Padabog naman akong bumalik sa aking pwesto! Dahil napahiya ako! Bwisit siya! Bulong ko sa kawalan!
“Mukhang ok kana? “ narinig ko bulalas niya. Hindi ko siya pinansin at sa labas nalang ako tumingin!
“Anong akala niya saakin? Bwisit talaga? “ mga himutok ko sa aking sarili!
“Sus ateng! Galit ka kasi binitin ka ni Fafa Andrew? Masarap ba? “ sigaw ng kontrabida kong utak! Napa-iling nalang ako,
“Hindi! Erase-erase Marga! “ Sagot ko sa sarili ko, at napaigtad pa ako ng may dumapo sa kamay kong mainit na palad!
“Hey are you ok? “ ‘to na naman siya ang mukha niya nag-alala na naman na akala mo hindi siya isang herodes! Hindi ba niya alam na siya ang first kiss ko!
Nang nagbalik ako sa diwa ko sinagot ko na siya! At pinaikotan ko siya ng aking mata.
“Ano sa palagay mo? “ maktol kong sagot sa kanya.
“Sabi ko nga, ok kana. “ Imbis na sagutin ako yan pa ang sinabi sa akin! Nang aasar talaga ang herodes na ‘to saakin! At nakangisi pa ang hinayupak!
“Anyway, andito na tayo. Kaya bumaba kana diyan, ako na ang bahala sa mga gamit mo. Pumasok kana do’n. “ Sabi pa saakin kaya naman inismiran ko siya! At lumabas na ako sa sport-car.
Kaya pala tinigil ang kotse dahil nakarating na pala kami! Bwisit! Bakit hindi ko namalayan? Maktol ko sa sarili ko. At napa–padyak pa ang aking mga paa sa buhanginan.
Hapon na nang dumating kami dito sa rest-house na sinasabi niya kanina. Nakita ko pang may lumabas na dalawang matandang babae at lalaki sa loob ng magandang bahay, ngayon ko lang napansin na ang ganda ng paligid. Parang mansion lang namin ang rest-house. Kung baga mini mansion ‘to. Dahil puro salamin ang paligid. Tamang-tama sa kapaligiran dahil puro punong kahoy at dagat ang makikita.
“Hello po! Good evening po. “ magalang na bati ko sa dalawang matanda na sumalubong saamin, mukhang nagulat pa sila sa sinabi ko, ngunit binalewala ko nalang at nginitian naman ako ng matandang babae, hindi siya nalalayo ang edad sa Yaya ko.
Iniwan ko na sila at bahala na sila do’n. Ngunit bago ako makalayo sa kanila narinig ko pa ang sinabi ng matandang lalaki!
“Ayos ah bossing! Ang ganda ng girlfriend niyo! “ Gusto ko man itama ang sinabi ng matandang lalaki kanina ngunit hinayaan ko nalang nagpatuloy nalang ako sa loob ng rest- house.
Nakita ko naman na sumunod ang matandang babae kanina at nakangiting lumapit sa akin.
“Excuse me ma’am, do’n sa taas ang kwarto mo ma’am. Kung nagugutom na po kayo ihahanda ko na ang pagkain. “ sabi niya sa akin. Nakapikit pa ako kanina dahil na-upo ako sa sofa dito sa may living room.
“Salamat po manang, ano po pala ang pangalan mo po? “ magalang kong sagot sa kanya. Mukhang makagaanan ko ng loob ang matandang 'to.
“Naku ma’am, nakakatuwa naman po, at natanong mo pa ang pangalan ko. Ako nga po pala si Marife ma’am. Tawagin mo nalang akong Nanay Fe, “ nakangiti niyang tugon saakin.
“Salamat po Nanay Fe, “ nakangiti ko naman na sagot sa kanya.
“Hindi pa ako gutom Nanay, kumain kasi ako kanina, “ magalang kung sagot sa kanya. Oo dahil habang nag dra-drive si herodes kaninang nasa byahe kami ang trydor kong tiyan panay ang tunog. At tama nga ako pagkain ang laman ng bitbit niya kanina. Kaya naman tinigil niya sa tabi at kumain na ako. Lumabas ang herodes kaninang nagsimula na akong kumakain.
Napahawak tuloy ako sa labi ko, dahil naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti sa nangyari.
Ngunit nagulantang ako sa viverate ng aking cellphone. Parang kanina pa may tumatawag sa akin. Baka si Joy. Kausap ko pa sa aking sarili.
Kaya kinuha ko na mula sa aking bag. Mabuti at nabitbit ko pa kanina.
“hello? “ sagot ko sa kabilang linya dahil hindi nakalagay ang pangalan ng caller sa aking phonebook.
“Hello Margs. How are you? “ Boses ni Cara sa kabilang linya. Kaya napangiti ako. I miss my best friend.
“O' Cara, Is that you? “ Excited kong tanong sa kanya kahit alam ko naman na siya. Dahil boses palang alam ko na. Narinig ko pang tumawa siya.
“Oh yeah my dear! I miss you so much! Kalalapag lang ang eroplano kaya tinawagan kita agad. I really miss you Margs! “ Tugon niya saakin. Kaya mas lalo akong napangiti sa sinabi n’ya.
So, andito na pala ulit sa Pilipinas. Ibig sabihin magba-bonding kami sa madaling panahon. Pero napa–ngiwi ako at baka sa mansion siya umuwi, wala pa man ako d’on.
“Hoy! Bakit ka natahimik d’yan? Nagtatampo na ako sayo, “ Parang nagpapa- awa effect naman ang bestfriend ko. Kaya nagsalita na ako.
“Ano kaba Cara! Excited lang ako dahil nandito kana pala sa Pilipinas. Kaya lang wala ako sa bahay friend.”
Naka ngiwi ko pang sagot kahit hindi naman niya ako nakikita. Narinig ko pa ang buntong hininga n’ya.
“Hays! I know, Tito George told me earlier because I called him when I couldn't reach your number yesterday. But anyway my friend. I want to hangout with you. But I think you’ve already there? “ Parang may tampo pa sa kanyang boses.
“I am sorry Cara. Maybe next time friend. Andito kasi ako—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kay Cara ng biglang may kumuha sa cellphone ko at seryosong lalaki na akala mo nakagawa ako ng mali dahil kung makatingin sa akin ay para bang nakagawa ako ng isang krimen.
At ang herodes! Binulsa ang aking cellphone at bigla nalang akong nilagpasan! Bwisit! Kaya hindi ako nagpatalo at hinabol ko s’ya!
“Hoy Pangit! Yang cellphone ko ibalik mo isa! “ Sigaw ko sa kanya. Mabuti tumigil siya at humarap sa akin. Ngunit ang kanyang mukha ay napaka seryoso wala kang makikita kahit anong emosyon. Napalunok pa ako naka lapit na pala saakin. Dahil masyadong mabilis ang hakbang n’ya na nakabalik kung saan ako nakatayo.
“S-Sandali a-anong g-ginagawa mo? “ nauutal kong tanong sa kanya. Kaya naman napapa-atras pa ako dahil bigla akong kinabahan sa mga titig n’ya saakin. Hanggang sa malamig na cemento ang bumangga sa katawan ko. Muntik pa akong na untog buti nalang mabilis ang mga kamay n’ya at agad niyang nilagay d'on kung saan saan ako ma–untog dapat.
Biglang nagrarambolan sa lakas ng kabog nang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. Pakiramdam ko naririnig din n’ya.
Napa lunok pa s’ya ng ilang beses dahil sa pagtaas-baba ng adams apple n’ya. Napa pikit nalang ako at napahawak sa kanyang mga braso dahil pakiramdam ko matutumba na ako dahil sa panginginig na aking mga tuhod. Mabuti nalang at nakahawak pa s’ya sa baywang ko. Ngunit iyon naman ang dahilan kung bakit mas lalo pa akong nanghihina sa aking kinatatayuan.
Tumingala pa ako sa kanya, dahil sa sobrang tangkad n’ya at nagka salubong ulit ang aming mga mata. Hindi ako kumurap kahit nanginginig na ang buo kong katawan sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.