Chapter 12

2192 Words
MARGARETH POV NASA labas kami ngayon ng sasakyan. At tulad ng inaasahan ko, si herodes ang aking driver. Nagtaka pa ako dahil bago ang kotse! Isang kulay pulang Lamborghini lang naman! And guest what? Syempre sa tabi niya ako sasakay! Dahil two seat lang naman ang seater nito. Pinaikotan ko siya ng aking mata ang hinayupak! Pero pansin ko lang! Bodyguard ba talaga ang kasama ko ngayon? Kung umasta mas mayaman pa kay Daddy eh! Ngayon ko lang din nakita ang Lamborghini sa mansion. Kay Daddy ba ito? At hindi rin siya nagsusuot ng uniform katulad ng aking mga bodyguard. He's wearing a jeans with white fitted shirt na halata ang katawan nitong alaga sa gym. Nagising lang ang diwa ko ng nagsalita si herodes kong bodyguard! “If you don’t want to miss your unwinding! Get in the car. “ Masungit na naman niyang boses saakin! Kaya sinamaan ko siya ng tingin! Habang ang mga bodyguard kong iba naghihintay sila sa amin at naka ready na rin ang mga sasakyan nila. “Ay, sorry Sir hah! Nainip kaba? “ pang iinsulto ko na sagot sa kanya! Napa flip pa ako sa buhok ko at tinalikuran ko na siya saka ako sumakay! Kahit paano gentleman naman ngayon dahil naka bukas na ang pintuan ng kotse. “Wow! “Hindi ko mapigilan bulalas ng nakasakay na ako sa loob, hindi naman sa ignorante ako noh! Pero sa totoo lang kahit anak ko ng mayaman hindi pa ako nakasakay ng ganito, at ngayon lang! Kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Ngunit nawala lang nang pasakay na rin si herodes! At ang seryoso ulit! Ngunit nagsalita siya! Akala ko nga mapanis na ang laway niya. “Where do you want to go for unwind? “ tanong niya sa akin, aba! Himala hah, hindi sumigaw sa akin ngayon! At ang hayop sinulyapan pa ako partikular sa suot ko kaya imbis na sagutin ko sa tanong niya iba ang sinabi ko! “Wag mong pagtatawan ang suot ko ngayon dahil malilintikan ka sa akin herodes ka! “ bulyaw ko sa kanya total naman wala kaming kasama sa kotse dalawa lang naman kami! Ang hinayupak ngumisi na naman bwisit siya! “Ang pagkaka-alam ko wala pa naman akong sinabi sayo, and about your outfit, not bad anyway, “ walang gana niyang sagot saakin. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng labi niya. Parang gusto pa akong pagtawanan ng herodes na 'to eh! Kaya naman sumimangot ako! Ngayon lang ako nakatanggap ng rejection! Oo, nga naman ang suot ko ngayon pang manang! Kung bakit kasi pinakinggan ko siya eh! Bwisit! Kaya tumahimik na ako! Dahil aminin ko naiinis talaga ako sa kanya. Tahimik lang ako sa biyahe magmula kanina, ramdam ko rin na pasulyap-sulyap pa siya saakin. Dahil sa labas ako nakatingin at buti naman binuksan ang bubong ng kotse kaya langhap ko ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit pa ako dahil sa masarap na pakiramdam! Kalimutan ko muna ang herodes sa pambwibwisit niya saakin. Pero nam–bwisit ba s’ya? Hindi naman ah! Hays basta! Mga himutok ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni herodes, total naman tiwala naman si Daddy sa kanya at kahit naman kumukulo ang dugo ko hindi ko din maintindihan ang aking sarili kung bakit pakiramdam ko, safe akong kasama siya. Pumikit ako at ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin. Nakangiti pa ako na para bang isang bata na pinayagan maglaro sa labas ng aking mga magulang. Dahil hindi ako kuntento tumayo pa ako at tinaas ang aking kamay! Mukha naman mabait si herodes ngayon dahil medyo binagalan pa ang takbo ng kotse niya, o sport car. Ay basta kotse yun na yun! “Woooh! Ang sarap! “ sigaw ko sa kawalan! Wala din akong pakialam sa katabi ko ngayon basta mag e-enjoy ako! Pagmulat ko sa aking mga mata isang napakagandang tanawin ang aking nakikita! Malawak na karagatan at kumikinang na dalampasigan! “Wow! “ Hindi ko mapigilan ang aking sarili at humanga pa ako sa aking nakikita. Hindi naman nagtagal ang biyahe dahil limang oras lang naman! Ni hindi ko nga namalayan dahil sa magandang tanawin. Nakita ko lang ang kratula na nakasulat ng pag pasok na ang aming sasakyan sa isang resort! “WELCOME Anguib Beach of Santa Ana Cagayan” Basa ko sa karatula na nakasulat sa aming dinaanan kanina! Hindi na rin ako nagtanong sa driver ko! Kasi nag-e-enjoy ako sa tanawin. Ang mga halaman at mga puno ng nagtataingang sa laki ng aming dinaanan. Ngunit napamulat ako ng mata ng nagsalita siya! Akala ko nga mapanis na ang laway namin! Kasi naman hindi na siya nagsalita kanina, dahil nag patugtog lang naman sa stereo ng kotse ng mga ewan ko ba kung anong klaseng songs ang mga yun! Pang old na! Kung sabagay old na si herodes na pangit hmmmp. “Do you want to eat? “ tanong niya sa akin, aba! Nagtanong kung gusto kong kumain! Sagutin ko sana s’ya ng NO, nang biglang tumunog ang trydor kong tiyan. At ang herodes tumawa pa pero mahina lang naman sapat na para marinig ko, kaya sinamaan ko siya ng tingin! Kahit hindi naman nakatingin sa akin. “I think, gutom na mga alaga mo. “ sabi pa niyang nakangisi, kaya sinigawan ko na naman siya! Ano daw alaga? Anong akala niya sa akin hindi ako healthy? Excuse me! “Hoy simpatiko kang herodes na pangit! Wala akong alaga! Isa pa hindi kasi ako kumain kaninang umaga kaya siguro gutom na ako bwisit ka! “ sigaw ko sa kanya, naaninag ko pa ang pag-alala sa kanyang mukha. Dahil umupo na ako. “Hindi ka kumain kanina bago tayo umalis? “ pag-uulit pa niya! Aba! Bingi ba siya? Paulit- ulit lang ang tanong ganun? “Oo, hindi! “ sigaw ko sa kanya! Sira ulo siya hah! Sabi ba naman may alaga ko asar! “Ok, sit down properly! You need to eat first, next time kapag gusto mo mag unwind, kumain ka ng hindi ka nalipasan ng gutom, “ sabi pa niya na gumagalaw ang mga panga niya, na touch naman ako. Para siyang isang ulirang Ama na nag-alala sa kanyang Anak. At may naisipan 'kong kapilyuhan, nakangisi pa ako sa aking iniisip. “Thanks Daddy, opo kakain po ako kapag aalis po ako, salamat Dad! “ nakangiti kong sagot sa kanya, dahil kung umasta akala mo isa siyang ulirang ama! Mukha nagwagi naman ako dahil sumama ang mukha niya! Ngunit kalaunan napalitan ng ngisi! At agad naman akong kinilabutan sa ngisi niya. “Daddy? “ pag-uulit pa niya sa sinabi ko sabay ngisi! Omg kinabahan ako! “Sound goods! Pwede rin, “ dagdag pa niya sabay patango-tango! Ako naman iba ang naiisip ko! Iyon din kaya ang iniisip? Omg Marga! Sira ka talaga! Himutok ko sa aking sarili! “So, your my mommy too, isn’t it? “ nakangisi n’yang sulyap pa saakin bwisit siya! Sabi ko na nga ba iisa ang isip namin! Herodes na to! Hindi ko na siya sinagot dahil pakiramdam ko umurong na ang dila ko! Hanggang sa may tinawagan siya gamit ang earpiece sa kanyang tainga! Mukhang gumamit ng bluetooth! “Yes Pepito! Tumigil muna tayo diyan sa may restaurant, kakain muna tayo dahil medyo malayo-layo pa tayo sa rest house, ok then. “ narinig kong utos niya kay Pepito! Ano daw rest house? So means, may rest house si Daddy na hindi ko alam? O di kaya naman nerentahan ganun? Malalaman ko mamaya! Mga tanong ko sa aking sarili. At ito nga, tumigil nga kami sa isang restaurant! Ok naman mukhang masarap naman ang mga pagkain! Sabay pa kaming pumasok kanina ni herodes! At may pahawak-hawak kamay pa siyang nalalaman! May bodyguard bang ganito? Napaigtad pa ako dahil pakiramdam nakuryente ang aking katawan sa pagdikit ng aming balat! Tanggalin ko pa sana kaso ang higpit ng pagkahawak niya. Akala mo naman takasan ko siya. Samantalang sila Pepito ayun pa ngisi-ngisi din ang gago! Mukhang nahawa na sila sa kasama nilang herodes! Ngunit binaliwala ko na dahil nakita ko sa mga naka display na ulam ang aking paborito! Napalunok pa ako at 'tong trydor kong tiyan tumunog na naman! Tatawa pa sana ang herodes pero inunahan ko siya ng masamang tingin, at buti naman at mukhang takot saakin! Dahil nagpigil ang gago! “Sir, Ma’am, welcome po sa XANADU BAR & GRILL AT AVALON BEACH! “ nakangiting pagbati sa amin ng isang waiter, sinuklian ko naman ng ngiti ang isang lalaki, ngunit ang kasama ko mukhang maasim ang mukha dahil hindi maipinta! Kanina lang pa ngisi-ngisi pa! “Give me the menu and you my go! “ agad na sagot niya sa waiter, at ang waiter naman mukhang nagulat pa sa inasta ng bodyguard ko! Sinamaan ko pa ng tingin si Andrew ngunit bale wala naman ang ginawa ko! Kaya padabog akong na-upo sa aming table. Umupo naman siya na akala mo isang Hari kung umasta! Kaya hindi na ako nakapagpigil at sinabihan ko siya. “Hoy ikaw! Pwede ba kung makipag usap ka sa mga tao wag kang bastos! “ sabi ko sa kanya sa mahina lang na boses syempre pero alam niya naman na galit ako, dahil magkatabi lang naman kami! Kung bakit kasi ganito ang chair nila! Wala bang pang dalawahan na chair, kailangan talaga iisa at magkatabi! Parang na-nadya ang herodes na 'to! “ Look, we're here to eat, not for fight, if you don’t mind, “ suplado niyang sagot saakin, mag walk out na sana ako ng magsalita siya ulit. “Sit down! If you don’t want to, I will fire him! “ nagbabagang ang mga mata niya sa pagka sabi niya sa katagang fired him, medyo kinabahan naman ako! Bakit parang ang taong kasama ko ay hindi basta-basta! Kung sabagay nga naman! I don’t know him right. Only his name! Umupo na ako sa tabi niya kahit labag sa kalooban ko! Napansin din ako ng mga kasamahan namin na may something sa kanilang pinuno! Oo, pinuno nila ang hinayupak na ito dahil pakiramdam ko mas pinapakinggan pa nila kaysa saakin! Bwisit! Tiningnan ko pa siya ng masamang tingin at huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita ulit! “Who are you? “ seryoso kong tanong sa kanya, mukha naman hindi niya inaasahan ang aking tanong dahil nakita ko sa kanyang mukha ang kunting pagkabigla ngunit napalitan agad ng kaseryosohan na wala akong maaninag na kahit anong emosyon. “I am your Personal bodyguard, “ diretso niyang sagot saakin. “I know you are! But I mean it. Who exactly are you? “ seryoso ko parin na tanong sa kanya, ngunit ang herodes hindi ako pinansin at agad na naman nagsalita mukhang ang mga kasamahan niya na naman ang kinakausap gamit ang earpiece na naka kapit sa tainga niya. “Pepito, tumingin sa paligid! May napansin akong kahina-hinala. “ rinig kong bulong niya na para bang ako lang ang kinakausap! Bigla din akong kinabahan sa narinig ko! Hanggang dito ba naman may gustong pumatay saakin? “Look, kung gusto mong makarating tayo sa gusto mong puntahan, kumain kana, “ suplado pa rin nitong sagot sa akin pagkatapos niyang kausapin si Pepito! Kaya naman hindi ako nakatiis at sinagot ko siya ng pasigaw! Dahil kanina pa siya namumuro saakin! “Ako ba ang gustong pumunta dito? Ang sabi ko Tagaytay, hindi dito! “ ganting sagot ko sa kanya! Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng restaurant! Napansin ko pa ang pag galaw ng mga panga niya na para bang nagpipigil na magalit! “Margareth, “ sagot niya sa akin, nagimbal pa ako sa pagbigkas niya sa pangalan ko na parang musika! Pero iwinaksi ko agad sa aking isipan. Bakit parang ang sarap sa pandinig ko ang pagbigkas n’ya sa pangalan ko? Kumakabog na naman ang puso ko, na pa parang naghahabulan sila sa loob. Napa–hawak pa ako dahil sa sobrang lakas. At napansin ko pa s’yang nakatingin saakin. “Excuse me! “ Paalam ko pa kanya dahil hindi ko maunawaan ang sarili ko. Hindi ko na siya pinansin kahit alam ko tinatawag n’ya ang pangalan ko. Diretso kong tinungo ang banyo. “Relax Marga, ano bang nangyari sayo? “ sita ko sa sarili ko. Huminga pa ako ng malalim. Nang medyo ok na ako. Tumayo na ako sa loob ng cubicle. Ngunit nagimbal ako sa biglang may kalabog akong narinig mula sa labas! Dahil nandito ako sa loob ng cubicle! Narinig ko pang naghiyawan ang kapwa kong kababaihan dahil sa malakas na kalabog mula sa labas. Hindi rin maalis sakin na medyo kabahan ako dahil kanina lang, narinig ko pa ang aking bodyguard na may sinabi sa kanyang kasamahan na mag manman sa paligid! “Hindi kaya, nasundan na naman ako ng mga gustong pumatay saakin? “ kausap ko sa sarili ko ng bigla nalang nag bukas ng pintuan, kung saan ako naka tayo. At nakita ko ang isang ngisi ng lalaki na may hawak ng baril na ngayon ko lang nakita. “Pangit help! “ sigaw ko, napa pikit na lang ako ng biglang may umalingawngaw ng mga putok ng baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD