Chapter 11

2428 Words
MARGARETH POV NASA living room kami ngayon at ‘to nga, seryoso si Daddy na paikot-ikot sa kakalakad habang nakahawak sa kanyang baba. Nag taka pa ako dahil ang alam ko nasa ibang bansa. Pero sa madaling araw andito ulit sa mansion? “Tell me! What’s happening? “ tanong niya sa amin partikular sa lalaking katabi ko. Nang tumigil siya sa paikot-ikot nitong paghakbang. Sumagot na sana ako kaso tinaas ni Daddy ang kamay niya na para bang ayaw niya ako magsalita kaya napangiwi na lang ako! Dahil kanina pa ako nagsabi na accident lang naman ang nangyari dahil natumba nga ako! Ngunit ang aking Ama parang ayaw pang maniwala! “Young man! Kinuha kita para bantayan ang Anak ko, hindi para sirain mo ang buhay n’ya! “ malakas na boses ni Dad sa katabi kong lalaki, kaya naman kahit labag man sa loob ko kailangan kong magsalita dahil mukhang iba ang nasa isip ng aking Ama. “Dad! Calm down! Is not what you think ok, please Dad, “ pakiusap ko pa sa aking Ama. Ngunit masama ang tingin sa akin! Paano ko itatama ang maling akala n’ya! Mukhang seryoso ang aking ama. “ What do you want to hear Sir? “ Parang walang takot naman na sagot ni Andrew sa aking Daddy, nang kinasinghap ko pa! Dahil walang gustong magpa awat sa titigan nilang dalawa! Parang Lion at Tigre na nag aagawan sa Trono at walang ayaw magpatalo! “Matapang ka bata! “ sagot ni Daddy na para bang tuwang-tuwa sa sinagot ni herodes! Ngunit ako naman ang biglang kinabahan, sa kanilang dalawa. Nakita ko naman na ngumisi si Andrew kay Daddy ngunit panandalian lang! Dahil sinamaan ko siya ng tingin! Ano ba kasi ang na kain at may patakiptakip pa siyang nalalaman sa bibig ko bwisit talaga siya! Ngunit nag balik lang ako sa realidad ng nagsalita ulit si Daddy at napa-ubo pa ako sa tanong niya sa lalaking katabi ko! At hindi ko talaga inaasahan! “Do you have a girlfriend, or wife? “ tanong niya kay Andrew at ang isa naman deretso naman na sumagot sa aking Ama na walang paligoy-ligoy! Ang layo sa tanong ni Dad sa nangyari sa amin ng hinayupak na herodes na 'to! Paano nasali ang girlfriend at asawa? Parang gusto ko ng lumubog kung saan ako nakatayo ngayon dahil ako na ang nahiya sa tanong ni Dad! “No Sir! I don’t have! But–“ hindi na natuloy ni Andrew ang sagot niya dahil tinaas ni Dad ang kanyang kamay! Sabay tingin sa akin ni Dad at inutusan na niya akong umakyat sa taas! Wala naman akong nagawa kundi umakyat na kahit labag sa kalooban ko. Sumulyap pa ako kay Andrew ng isang beses ngunit ang herodes kanina pa lunok ng lunok! Kaya sinamaan ko siya ng tingin bago ako umalis sa harapan nilang dalawa! “Manyak talaga siya! Bwisit siya! Ito na ang huling araw mo! Dahil sure ako tanggal kana sa work mo! “ mga himutok ko habang palayo na ako sa kanila. “Mag-usap tayo sa opisina ko young man. “ narinig ko pang utos ni Daddy kay herodes! Dumeritso narin ako sa aking kwarto. At ngayon ko lang napagtanto ang aking kasuotan! Tama nga si Yaya mukhang makakalimutin na ako. Nahiga na ako sa kama at bigla ko na lang naalala ang nangyari sa amin kanina, hindi ko rin maiwasan ang hindi pamulaan ng mukha dahil napahawak pa ako sa aking pisngi. “My god Marga! Tumigil ka! “ awat ko pa sa sarili ko, ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito, ngunit bigla kong naalala ang hero ko nung unang gabing may panganib ang aking buhay. “Kamusta na kaya siya? Ok ba siya? Kailan ko ba siya makikita ulit? “ sunod-sunod kong tanong sa sarili ko, na akala mo naman masasagot ako! Pero bakit mukha ni herodes ang nakikita ko! No! Erase, erase! Pailing-iling pa ako sa aking iniisip! Imposible na siya yun, dahil ang lalaking tumulong sa akin no’n, ay malayong-malayo kay herodes! Si herodes simpatikong mayabang pero yung hero ko alam kong mabait yun! Period! KINABUKASAN hindi ko nadatnan si Daddy dito sa mansion, ang sabi ni Yaya umalis daw ulit ng maaga. Hindi na rin ako nagtanong. Araw din naman kasi ng Huwebes ngayon. At tinamad akong pumasok. Pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako naka tulog pagkatapos ang nangyari. Buti na lang inuwi ko na ang iba pang pwede kong review–hin para sa kumpanya. Pero parang gusto kong mag unwind. Lumabas ako sa mansion at nakita ko si Pepito! Kaya naman tinawag ko siya! Pero nagtataka ako! Himala hah! Wala si Herodes! “Good morning Ma’am Margareth, “ Bati saakin ni Pepito nginitian ko lang siya at syempre nagtanong na rin ako. “Pets! Pwede niyo ba akong samahan ngayon? Kung busy naman kayo It’s ok! I’ll go by myself! It’s a big favor if that happens, “ sunod-sunod kong sabi sa kanya! Alam ko naman kasi na sinabihan na sila ng Daddy bago pa umalis. “Naku Ma’am, Kasi ano, um—” sagot niyang hindi matuloy-tuloy at pakamot-kamot pa ng ulo niya. Kaya naman nakasimangot ako! Mukhang lahat sila tapat sa Daddy ko! Not like yung dati kong mga bodyguard madali lang mauto! “Kaya nga laging mapapahamak noon diba? “ sigaw ng kabila kong utak! Kaya naman babalik na sana ako sa loob ng mansion, ng nagsalita ulit si Pepito. “Sige ma’am, sasamahan ka namin, pero meron sana akong paki-usap ma’am kung pwede lang sana, “ nahihiya pang bulalas ni Pepito, ngunit nagliwanag din ang aking mukha dahil makakapag-unwind ako sa wakas! “Yeah, sure! What is it? “ excited ko pang tugon sa kanya dahil nakangiti pa ako, ngunit nawala ang ngiti ko ng magsalita siya ulit. “Aalis tayo ma’am, basta ho hintayin muna natin si Sir Andrew, “ pa kamot-kamot pa siya ng ulo! At ano daw Sir Andrew ang tawag nila sa herodes na yun? Kung alam lang ni Pepito na sesanti na ang taong yun sa ginawa kagabi! Napangisi pa ako sa naisip ko! Oo nga noh! Kaya siguro wala dahil na tinanggal na siya! Buti nga! Nagbunyi pa ako sa naisip ko. “Hi naku Pets! Wag ka nang umasa! Dahil tinanggal na ni Daddy yun sa trabaho kagabi! Hindi mo alam? Naku huli kana sa balita! “ Masaya kong sagot kay Pepito! Mukhang hindi naman naniniwala si Pepito saakin, pero bahala siya kung ayaw niyang maniwala saakin. “Imposible yan ma’am! Nakita ko lang kanina si Sir Andrew na kasama ang Ama mo ho. “ sagot naman sa akin ni Pepito! Pero duda parin ako baka hinatid na ni Daddy ang herodes na yun malay ko! Maawain si Dad sa mga tauhan niya. “Ikaw bahala Pets, kung ayaw mo maniwala sa akin! Sige na ready niyo na ang kotse hah! Dahil gusto ko pumunta sa Tagaytay! “ sabi ko pa kay Pepito bago ako bumalik sa loob mansion! Pakanta-kanta pa ako dahil sa wakas wala ng herodes sa buhay ko! Pag pasok ko sa loob busy silang lahat lalo na si Yaya! Kaya naman dumeretso na ako sa aking kwarto at mag handa ako ng mga gamit ko! Dahil mag sleepover ako doon! Pero bago yun tawagan ko muna si Joy baka kasi gusto sumama sa akin. “Kring……… “ rinig ko naman na nag ring agad sa kabilang linya, at agad na may sumagot! “Hello! “ boses ni Joy na halatang kagigising lang, o baka naman nagising ng tawag ko! Alas sais palang kasi ng umaga. “Joy, Tagaytay tayo? “ sagot ko naman agad sa kanya, alam ko kasi na pagod na din siya dahil kung gaano ako ka stress ganun din siya, and I know that! “Hah! Hindi ka pa-pasok ngayon Miss B? “ namamaos niyang boses. Parang may sakit ang aking kaibigan. “Nope! I want to go unwind today, you want to come with me? “ Tugon ko sa kanya at narinig ko pa s’yang napa-ubo. “I’m sorry bess, sayang nga eh, I wan’t too pero baka wala kang secretarya bukas pag pinilit ko, “ namamaos parin niyang boses naawa tuloy ako sa kaibigan ko. “Ok then, go to see the doctor ok! And take medicine my friend! See you tomorrow take a rest, “ sabi ko pa at pinatay ko na ang aking tawag. Nag handa na rin ako ng mga gamit ko. Tapos na ako sa lahat! Well isang maliit lang naman na maleta ang dala ko! Nakasuot na rin ako ng maikling short at hanging blouse at rubber shoe! Parang hiking lang ang pupuntahan ko! At lumabas na nga ako sa aking silid. Pag bukas ko sa aking kwarto ay parang gusto ko rin bumalik sa loob! Paano ba naman kasi ang akala ko na sesanti na andito ngayon sa harap mismo ng pintuan ng aking room? At parang kakatok pa dahil nasa ere lang naman ang braso niya! Kaya naman yung malaki kong ngiti kanina sa labi ko napalitan ng kadismayaan dahil sa herodes na 'to! “Anong ginagawa mo dito pangit? “ tanong ko agad sa kanya! Pero ang herodes nakangisi lang aba! Mukhang napapadalas ang pag ngisi ng hinayupak na 'to! “Akala ko ba gusto mong umalis? “ balik tanong naman agad saakin, wow ha! Ni hindi man lang ako tinawag na Ma’am o di kaya naman MISS lumelevel-up tong bodyguard ko hah! Kaya sinamaan ko siya ng tingin! “Ay, nagmamadali ka Sir? Pasensya na po nagbago na ang isip ko, tsee! “ suplada kong tugon sa kanya. Isasara ko na sana ang pintuan ko ng pinigil niya, at 'to na naman ang puso ko na akala mo nag rambulan sa loob dahil sa lakas ng kabog! Napa–hawak pa ako dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko! Pakiramdam ko may sakit na ako sa puso. Napa atras pa ako dahil ang hinayupak nakapasok na pala sa room ko! Omg! ‘W–What a–are you doing? “ nauutal ko pang tanong sa kanya dahil sa sobrang lapit na namin sa isa’t-isa. Na corner lang naman niya ako ng hinayupak! Dahil naka hawak ang braso niya sa hamba ng aking pintuan, habang ako nakatayo sa tapat ng wall. “ Ayaw mo ba talaga lumabas?” tanong niya sa akin na malapit lang ang mukha niya sa mukha ko! Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga at fresh breath! Putik bakit ba yun ang mga naiisip ko! At katulad ko din siya panay lunok niya! Dahil sa pagtaas baba ng adams apple niya. “G–Gusto ko, “nauutal ko parin na sagot at ang hayop ngumisi na naman! Kaya naman lumabas na naman ang pagka maldita ko ng bumalik ako sa katinuan. “Hoy! Herodes ka! Isa pang ngisi mo makakatikim kana sa akin hayop ka! “ galit kong sigaw sa kanya at ang hinayupak tumawa pa! Omg ang sarap ng tawa niya parang musika saakin pandinig! Napatulala pa ako sa kanyang ginawa! At lalo na nang bulungan niya ako dahil ang init ng kanyang hininga ay para bang nagpagising ng diwa ko ng dumaloy sa aking buong katawan. “We will go out baby, but, change your clothes! I don’t want you to wear that! Disgusting! “ bulong niya saakin na hindi ako agad naka react! At umalis ng hindi ko namalayan! Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito! Pero teka ano daw? Baby? And what! My outfit? Disgusting? Ang hayop naisahan na naman ako bwisit siya! Dahil sa inis ko nagsuot ako ng pantalon na maong at maluwag na blouse! At hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok na medyo kulot. Tumingin pa ako sa salamin sa loob ng aking banyo! Ok naman ang itsura ko at nag suot na ako ng sunglasses, lumabas na ako ng kwarto ko, hila-hila ko ang aking luggage. “Yaya! “ sigaw ko sa mahal kong Yaya at ayun kahit matanda na maliksi pa rin ang galaw. “O' bakit anak? May outing ka? “ tanong pa agad saakin, at tinignan pa ang aking kasuotan! Mukhang nagtaka naman ang Yaya ko dahil minsan lang niya ako makita ang magsuot ng ganito! Sanay kasi siya sa maikli lang ang aking sinusuot. “Yaya wag ka nang magtaka sa suot ko! Bagay ko naman diba? Parang awa mo na Yaya sumakay ka nalang sa trip ko! “ Nagngingitngit kong reklamo sa Yaya ko, mukha naman sinakyan ako ni Yaya, kung alam lang niya na labag ito sa kalooban ko! “Ok naman anak, sa totoo lang bagay mo nga eh, “ sagot naman ng Yaya kong konsintidor! FYI alam ko sinasakyan lang niya ako! Pero bago pa magbago ang isip ko na mag unwind! Pinatawag ni Yaya ang mag bitbit sa aking maleta! “Elsa tumawag ka ng pwedeng matawag diyan sa mga bantay ni Mam Marga mo, at sabihin mo na kunin nila ang gamit na dadalhin niya sa outing hah! “ bilin ni Yaya kay Elsa agad naman na sumunod ang dalagita. Hindi naman nagtagal si Pepito ang nakita kong pumasok, naka-upo lang ako sa sofa na parang walang gana! Paano ba naman ang suot ko hindi ako comfortable! Kaya nakasimangot ako! . “Anak ok na! Ready na! Hindi pa kayo aalis? “ tanong ni Yaya saakin! Aba himala ang Yaya ko ngayon ha, dati hindi pa nga ako nakaka alis ay puro pag-aalala na ang mukha ang nakikita ko sa kanya, ngayon wow kakaiba ha! Parang siya pa may gusto na umalis na ako! Excited ang matanda! Ni hindi man lang nag tanong kung bakit hindi ako pumasok ngayon sa aking trabaho. “Yaya anong ganap sayo ngayon? “ tanong ko sa kanya! Mukhang kakaiba kasi siya ngayon! “Naku anak, wala naman, diba nga gusto mo mag unwind, mag-ingat ka doon hah, “ sagot niya sa akin, napangiwi pa ako sa sinabi ng Yaya ko may nararamdaman talaga akong kakaiba dito. Tatanungin ko pa sana si Yaya ng pumasok ulit si Pepito at mukhang ako ang pakay. “Ma’am, sabi ho ni Sir Andrew, kung ready na daw kayo pwede na daw tayo umalis,” paalala ni Pepito saakin, wala din akong ganang tumayo! Pero dahil gusto ko ngang mag unwind ay tumayo na ako at matanggal ang inis ko sa personal kong bodyguard! Inayos ko na rin ang aking sarili! Huminga pa ako ng malalim bago ako tumayo. Mukhang nagsisi pa tuloy akong mag unwind ngayon, dahil kay pangit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD