Chapter 10

3309 Words
MARGARETH POV “Tok-tok” tunog ng pintuan, may kumatok sa labas ng aking kwarto! Medyo nagulat pa ako dahil naka focus ako sa mga document’s na inuwi ko galing office. “ Marga anak, ready na ang dinner! ” tawag ni Yaya saakin, sinagot ko naman siya ng pasigaw dahil hindi na siya pumasok sa akin kwarto. Siya pala ang nasa labas. “ Thanks Yaya lalabas na po ako! ” Ganting sagot ko sa kanya, kaya naman inayos at binalik ko muna ang mga documents, mamaya ko nalang babasahin ulit. Lumabas na ako sa kwarto at diretso ako sa dining area. Masaya pa ako at na-amoy ko pa ang paborito kong ulam! Pakiramdam ko nagutom agad ako. Totoong pabalik-balik ako sa Amerika noon, dahil doon ako pinag-aral ni Daddy para mas mahasa ang aking kaalaman sa negosyo. Kaya naman namimis ko ang lutong Pinoy lalo pa at wala sa America! Kahit pa sinasabi nila na sanayan lang ang tumira sa Banyagang Bansa ay lutong Pinoy pa rin talaga ang hanap ng aking panlasa! Kaya sa tuwing magbabakasyon ako dito sa Pilipinas ay palaging paborito kong pagkain ang niluto ni Yaya. Pagdating ko sa living room, diretso na ako sa dining. Aatras na sana ako dahil ando’n ang mamang si HPB as in ang Herodes kong Personal Bodyguard! Bakit ko nasabi yon? Kasi ang suplado niya! Lahat nalang siya ang masusunod! Ako ang Amo niya ngunit bakit lagi siya ang pinapaburan ni Daddy! At naka-upo pa na akala mo siya ang may-ari nang bahay hah! Kaya naman sa inis ko tinaasan ko siya ng kilay! Who cares kung bastos ang tingin sa akin! Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng nagsimula siyang naging personal bodyguard ko. “Di umalis siya! Kung ayaw n’yang mabastos!” bulong ko pa sa hangin! As if naman naririnig ako! Pero ang herodes! Dedma lang! Tingnan mo! Hindi man lang ako batiin o pansinin! Bwisit talaga siya! Nagngingitngit ako sa galit dahil sarap na sarap pa siya habang kumakain! Hindi man lang ako hinintay. Nakita ko naman si Yaya na pumasok sa dining kaya naman tinawag ko! Hindi naman sa nagpapansin ako sa lalaking PB ko hah! “Yaya sumabay ka na sakin! Halika kana wag ka nang umangal! “ tawag ko sa Yaya ko, mukhang nagulat pa si Yaya Soledad sa inasta ko! Pero kumakain lang si PB na akala mo siya lang ang tao sa bahay! “So, anino ako multo ganun! “ himutok ko pa! Nakita ko ulit ang isa namin kasambahay kaya tinawag ko rin! “Elsa halika kain kana rin samahan mo kami ni Yaya! “ sigaw ko na tawag kay Elsa, pero ang Gaga tumanggi! “Eh senyoreta, gosto ko man eh, hende po pwede may pinapanood po kase ako, salamat po senyoreta hah, Andito naman po si Manang Soledad at kuyang pogi, “ sagot niya na parang kinikilig pa ang gaga! Kaya naman nilakihan ko siya ng mata! Humagikgik lang naman ang kasambahay namin! “Yaya! Ang tagal mo! “ sigaw ko kay Yaya dahil paalam niya kanina kumuha lang ng plato niya! E’ may plato naman dito! Samantalang ang kasama kong Herodes napa-ubo pa siya! Kaya naman naawa ako kunti noh! Inabutan ko lang naman ng tubig! Mukhang nagtaka pa siya, kalaunan kinuha naman! Pero ang hinayupak mukhang nakalimutan mag thank you! “Thank you self! “ Bulong ko sa sarili ko na alam ko naman umabot sa pandinig niya! Narinig ko pa ang tawanan ng mga kasamahan namin sa bahay at kasama si Yaya! Pero bigla silang natahimik nung sumulyap ako sa gawi nila! At ayon nag alisan lahat! Dahil mukhang walang paki-alam ang kaharap ko ngayon. Umupo na ako at kumain narin! Dahil pritong bangus ang ulam at may sawsawan pang mangga ay kalimutan ko muna na kaharap ko ngayon si Herodes! Dahil natakam na ako sa ulam na nakaahon sa mesa. Basta ganito kasi ang ulam, nawawalan ang galit ko sa sarili. Naghugas muna ako ng kamay dahil magkakamay ako! Nagaya ko lang ito sa mga kasambahay namin noon, dahil mas masarap daw ang kumain ng naka–kamay habang ang ulam ay pritong isda or di kaya inihaw, and I agree with that. “Who cares kung mandiri siya! “ bulong ko pa sa aking sarili! Hindi ko na rin siya pinansin basta kakain na ako! “Wag muna akong mag diet, ” kausap ko pa sa sarili ko. May diet routine kasi ako! Pero ngayon gabi wag muna! Passed! Pagsulyap ko sa kasama ‘to siya kain lang ng Kain, inirapan ko kahit hindi nakatingin sa akin! Ngunit hindi pa rin ako pinapansin! Kaya naman kumain na ako! Habang sarap na sarap ako sa kakasubo ng ulam, pansin ko sa aking peripheral vision ay may nakatitig saakin! Kaya naman napaangat pa ako ng tingin sa aking kaharap sa hapag kainan. Hindi nakaligtas ang pagtaas nang labi n’ya! Dahilan para natulala ako, “totoo ngumiti ba siya? ” kausap ko pa sa aking sarili, pero ayaw ko na siyang tignan baka kasi nakatingin na naman saakin! Bigla tuloy akong naka ramdam ng hiya. Binaliwala ko nalang muna ang nararamdaman ko! Dahil nag eenjoy pa ako sa pagkain! Ako ang may-ari ng bahay kaya bakit naman ako mahihiya sa kasama ko! Ay hindi pala si Daddy pala ang may-ari!, “ bawi sa sinabi ko, napa bungisngis pa ako at medyo malakas ata kasi rinig kong tumawa si herodes! “Pero teka siya ba yun tumawa? “ tanong ko ulit sa sarili ko, dahil nung umangat ako ng tingin! Seryoso naman ang mukha n’ya! Kaya binalik ko ulit ang aking atensyon sa plato ko! Napa-iling nalang ako sa mga nasa utak ko. Imposible naman kasi na siya? Hindi nga marunong ngumiti, tumawa pa kaya! Mga himutok ko sa aking sarili! Naunang natapos kumain si herodes, pero ‘to hindi pa tumayo! Kaya sinamaan ko siya ng tingin! Ngunit ang hinayupak, nakatitig na naman sa akin! Na para bang may mali sa kanyang mga titig saakin. Napa sulyap pa ako sa suot ko, ok naman, nag-suot na din ako nang bra hindi katulad ng dati,ng hindi pa pumasok sa loob ng bahay ang mga bodyguard ko! Saka naka pajama naman ako ngayon noh! Wala naman masama sa suot Ko, pero kung makatitig siya kakaiba! Nabigla pa ako ng nagsalita siya! Mukhang nag-uutos na naman! “Bilisan mo kumain Miss Bernardo! ”utos niya sakin kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin! Dahil namumuro na talaga ang PB kong ito! Ano ang pakialam niya kung matagal akong kumain! Bwisit talaga siya! “Tapusin ko lang talaga ang pagkain ko at makakatikim mamaya ang Herodes na to saakin! “ himutok ko sa sarili ko, hindi ko siya sinagot basta matalim talaga ang tingin ko sa kanya at binalik ko ang atensyon sa pagkain ko! Pasalamat s’ya dahil hindi ko ugali ang magalit sa harapan ng pagkain. Sa wakas natapos ko na rin ang kumain! Ngunit pag-angat ko nang aking ulo para sana sabunin si PB bigla nalang nawala sa harapan ko ng hindi ko namalayan. Palinga-linga pa ako sa paligid dahil bakit hindi ko man lang namalayan na umalis! “Buti umalis siya dahil kong hindi malalagot talaga siya sa bagsik ko! “ nagngingitngit kong galit sa kawalan! Ngunit pansin ko! Nasimot ko pala lahat ng sawsawan ng mangga at kamatis with bagoong! Omg! Dahil nahiya naman ako sa mga kasambahay ko, mukha ata busy sila! Busy sa kapapanood ng kdrama! Eto ako ngayon ako na ang nag ligpit sa pinagkainan namin ni Senyoritong herodes! Dahil wala na ang hinayupak! Buti na lang tinuruan ako ni Yaya noon ng gawaing bahay, lalo na nung mag-isa ako sa America kailangan kong maging Independent dahil ayaw ko na may nakikialam sa galaw ko, yan kasi ang deal namin ni Daddy noon, na mag-aral ako sa ibang bansa, without helping me especially household. Ayaw pa noon ni Daddy Kaso makulit talaga ako! Kaya wala siyang nagawa! Mahirap noon una kasi nasanay ako na may Yaya ako mula pagkabata. Ngunit kinaya ko, dahil gusto ko patunayan sa sarili ko na kahit mayaman kami, gusto ko tumayo ako sa sarili kong paa! Nag working student din ako na hindi alam ni Dad. Kahit hindi naman siya nagkulang na magpadala ng aking allowance. Pero dahil gusto ko maranasan ang mabuhay sa labas ng malaya, nag hanap ako ng trabaho! Doon ko nakilala si Joy ang aking secretary ngayon! Ang aking close Friend! Siya kasi ang tumulong sa akin noon na makapasok sa isang Fast-food chains. Hindi pa niya alam noon na anak ako ng isang billionaire dahil hindi daw niya iniisip, hindi din naman kasi ako ma–sosyal na tao! Well It’s depends! Pero sabi nga niya! Ramdam naman daw niya na may kaya ako sa buhay lalo na nung nalaman niya sa Oxford pa ako nag-aaral! Actually we’re the same school. Nagbalik lang ako sa realidad ng may tumawag sa aking pangalan. “Senyoreta ako na ho diyan, naku nakakaheya po, “ si Elsa na parang nahihiya pa dahil pa kamot-kamot pa sa ulo! Hinuhugasan ko na ang mga plato na gamit namin ni herodes! “Ok, thanks! Pero patapos na ako. Kumain naba kayo? “ tanong ko sa kanya, dahil nakatayo na siya sa tabi ko! At pinapanood pa ako na akala mo, may nakakamangha sa nakikita niya saakin! Pero nakatulala lang siya, hindi yata ako narinig ang dalagang kasambahay namin! Kaya naman inulit ko ang tanong! “Elsa! Kumain naba kayo?! “ pasigaw ko ng tanong dahil mukhang nawawala sa sarili ang batang to! Oo bata ang tawag ko sa kanya dahil 16 palang siya, mahilig kasi si Daddy na mag ampon ng mga taong wala nang pamilya! Hindi naman totally ampon! I mean is, yung kapag wala ng family ang tao tinutulungan ni Daddy na makapag-aral at maka tapos kahit anong course ang kukunin nila! Walang problema yun kay Dad, basta ba kaya nila! “ Ah,eh, Hende pa senyoreta -sabay na lang kame sa kosena senyoreta, “ malambing na boses ni Elsa, minsan natatawa ako sa boses niya, dahil parang ang arte, ngunit nasa tono daw talaga yun, ang pagkakaalam ko kasi sa kanya ay isa siyang Ilonggo. ” Ok sabi ko naman kasi sa inyo sabay na kayo sakin eh, ” reklamo ko pa sa kanya! Nagpunas na rin ako ng kamay dahil tapos na akong nag hugas ng plato. “Nakow senyoreta ey, nakakahiya naman pow sa kasama niyong gwapo, “ hagikgik pa niya parang kinikilig pa ang gaga! At ano daw, sa kasama ko siya nahiya Not me? Kaya sinamaan ko siya ng tingin, mukhang takot naman saakin! At nakahatala naman ang bata! “Nakow senyoreta nagbebero lang po ako ha, Ikaw naman po, syempre po nakakaheya sayo senyoreta, “ Sabi saakin na mukhang nabasa niya ang nasa-isip ko kaya naman bigla ng maaliwalas ang mukha ko. “Ano kaba Elsa, wala yun saakin! Yung sinabi mong gwapo ang herodes na yun! Saan banda ang gwapo doon hah? Ang pangit kaya! “ sigaw ko sa kanya! Natulala pa si Elsa sa sinabi ko dahil hindi siya naka imik agad! “Sige na akyat na ako, bahala na kayo dito hah! Magpagamot ka na sa mata mo Elsa, dahil iba na ang paningin mo malabo na yata, “ sabi ko pa sa kaya at iniwan ko na ang kawawang Elsa. Sumulyap ako ulit sa kanya at nakita ko kinusot pa ang kanyang mata! Mukhang naniniwala naman saakin! Napangiti pa ako sa aking kagagahan! Pagdating ko sa aking kwarto, kinuha ko ulit ang mga documents na pinag-aralan ko kanina. Para ito kasi sa mga delivery papuntang Cebu. Inisa-isa kong basahin hanggang sa may napansin 'kong detalye na nagpa-balik para basahin ko ulit. “What happened? “ bulalas ko dahil 'yon sa report hindi pa nadeliver ang truck papuntang Cebu dahil hindi pa daw nabayaran? Pero pinirmahan ko 'to! I’ll already sign all the documents one weeks ago! Paano ang nangyari na nadelay? Tatawagan ko sana si Joy ngunit gabi na! Kakausapin ko nalang siya bukas. Natapos ko na lahat nang kagawian ko t’wing gabi, nakasuot na din ako ng pantulog, pero hindi naman ako inaantok. Kaya naman lumabas ako sa biranda ng aking kwarto, sinuot ko na ang robe ko dahil manipis lang ang panloob na suot ko. Binuksan ko na ang sliding glass door sa aking biranda at naramdaman ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na dumantay sa balat ko, napapikit pa ako sa sobrang lamig, na masarap sa pakiramdam! Makikita rin dito sa may pool area kaya siguro mas malamig ang simoy ng hangin! Pag tingin ko sa baba, nagtataka ako, kanina naman marami sila doon, dahil pansin ko pa yun bago ako pumikit bakit bigla na naman silang nawala! Takang tanong ko sa sarili ko. Pero binaliwala ko nalang, ganito ako sa tuwing gabi, kinaka-usap ko ang langit, At eto na naman ako! Nakatingin sa mga bituin sa kalangitan na nakakamanghang pag masdan. Napapikit pa ako. “Hi Mom, It’s me again, how are you there? “ nakangiti kong tanong sa kanya, ngunit hindi ko namalayan na dumaloy ang aking luha mula sa aking pisngi. “Do you know how much I really miss you? “ Sabi ko pa sa hangin, habang patuloy akong naka pikit. “Even your name, I didn’t know, Mom why? “ Tanong ko sa hangin na para bang masasagot niya ako, ganito palagi ako. Kapag wala akong ginagawa. Lahat kasi ng picture ni Mommy itinago ni Dad, I was 7 years old when my Mom left us. I don’t know what really happened because my Dad doesn't tell me what exactly happened. Napatigil ako sa pagmuni-muni ng may naramdaman akong nakatitig sa akin! Tumingin pa ako sa baba, pati paligid wala naman akong nakita. Nakaramdam tuloy ako ng kilabot. At napa–yakap pa ako sa aking sarili. “Mom are you with me? If yes! Hug me please. ” Naluluha kong sambit, hindi ako naniniwala sa multo, pero kung talagang patay na si Mom, at kung multo ang nagpapa kilabot saakin, why not! Kaya naman patuloy ako sa pagsasalita! Na para bang kasama ko si Mommy. “You know what Mom, Daddy always out of the town, siguro kung nandito ka, malamang hindi yun aalis, maybe we are happy family and contented? “ sambit ko pa. Oo, laging wala si Dad, parang pinaubaya na nga niya sa akin lahat eh! Pero kung panganib naman ang buhay ko to rescue naman siya agad saakin. “Even Yaya hindi ka niya nababanggit saakin, bakit kahit pagbigkas sayo dito sa mansion ayaw ni Daddy” kausap ko sa hangin, hindi naman literal na ayaw ni Dad na banggitin ang pangalan ni Mom, dahil ayaw daw niya na masasaktan ako. Bago pa ako mahulog sa matinding kalungkutan pumasok na ako sa kwarto ko. Ngunit isang bulong pa bago ako pumasok. “Goodnight Mom, Ilove you. “ bulong ko kaya naman pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na rin sinara ang pintuan ko dahil mas gusto ko ang fresh na hangin, total naman nasa taas naman ako na palapag, wala naman sigurong masamang tao na aakyat? Isa pa anong silbi ng mga bantay ko na sang kadamak-mak, daig ko pa ang anak ng Presidente ng Pilipinas! Nahiga na ako sa malambot kong kama. At hindi ko namalayan nakatulog na ako agad. Nightmare…. Mommy, bitawan niyo ang Mommy ko! Don’t hurt my Mom please po… Nagmamakaawa ko sa mga goons na nanakit sa mom ko, pero hindi ko makita ang mukha nila dahil malabo. “ Margareth my Princess kahit anong mangyari makakaalis ka dito. Pangako sayo. “ Naiiyak na sambit ni Mom saakin. Habang yakap-yakap ako, nang iniwan na kami ng mga goons. Hindi ko maintindihan ang nangyari dahil pitong taon lang ako ngayon. "Magiging masaya ka hah!" Sabi sa akin ni Mom. umiling ako sa kanya, " Mommy sama ako sayo, wag mo ako iwan please.. " Hoy tama na yan drama na yan! Ang bagal ng pera parang wala kayong halaga sa asawa mo! Kaya eto sayo" "Bang! Bang!" Dalawang putok ng baril ang nagpagising sa akin! “Mommy! “ sigaw kong hingal na hingal ako at bigla akong kinabahan nang hindi ko alam, It was a nightmare, a bad nightmare actually. Uminom sana ako nang tubig, ngunit hindi pala ako nag dala kanina, kaya naman bumaba ako. I was walking down the stairs, when I heard a voice in the dark corner of the living area. “who’s there? “ tanong ko na medyo kinabahan pa ako, dahil wala ni isa sa mga bodyguard ang nakabantay sa loob. Maliban lang kay herodes. Ngunit walang sumagot, kaya naman kinapa ko ang switch on ng ilaw, at lumiwanag ang kabuuan ng sala, kaso wala akong nakitang tao. “pero narinig ko may tao, kanina! ” kausap sarili ko, at pinag walang bahala ko nalang, dumeretso na ako sa kusina at kumuha ng bottle of water at umakyat na din ako agad. Sinulyapan ko muna ang living room pero walang tao! Hindi pa ako na kuntento, bumalik ako sa main door, at bubuksan ko na sana ang ng biglang my humawak sa aking braso. “Ay! “ tili ko pa sa gulat ko at agad niyang tinakpan ang aking bibig. Dahil sa sobrang takot ko nanginginig ang aking mga tuhod, pakiramdam ko nangyari na naman ito saakin. “Shhh, It’s me, relax, “ boses ni herodes! Kaya naman inangat ko ang aking mukha at naaninag ko na may pag-alala sa mukha niya. Nang nahimasmasan na ako, sinipa ko ang gitna niya kaya nabitawan niya ako dahil namimilipit siya sa sakit, siguro sa pagkabigla or malakas ang sipa ko? Napangiwi pa ako sa aking ginawa sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtaas–baba ng adams apple niya kahit pa namimilipit na siya ng sakit, dahil nakatitig lang naman ang herodes saakin! Pag tingin ko sa suot ko, napamura pa ako dahil s**t! Maliban sa manipis na nag dress na suot k, wala pa akong bra! Kaya naman sinigawan ko at pinagsusuntok! “Bastos manyak! “ sigaw ko sa kanya sabay suntok ko na rin, hindi naman ako inaawat dahil nakahawak pa siya sa gitna niya! Habang ako patuloy sa kaka suntok sa kanya hanggang sa nawalan ako ng balanse, at ganun din siya! Napapikit pa ako dahil ang alam ko ba-bagsak ang katawan ko sa floor ngunit wala naman akong nararamdaman na sakit maliban sa matigas na tumutusok sa aking puson dahil naka dapa akong bumagsak sa katawan ni herodes! Pag mulat ko sakin mata isang nakangisi na mukha ang nasilayan ko, imbis na ma offend ako sa itsura niya ay kabaliktaran dahil napatulala pa ako! Nagising lang ako sa realidad ng nagsalita siya! “Bumangon kana d’yan, kung ayaw mong makita nila ang itsura natin, dahil sigurado ako na narinig nila ang sigaw mo, “ paos niyang boses dahil siguro sa pag sipa ko sa kanya kanina. Kaya ganun ang boses. Ngunit nakatitig siya sa mukha ko, hanggang sa nagka titigan na kaming dalawa. Para akong na hipnotismo sa mga titig niya, hanggang sa bumaba ang titig niya sa labi ko. Napapikit nalang ako at hinintay kung anong gagawin n’ya saakin. Ngunit sa kahihintay ko wala naman nangyari. Nagulat nalang ako ng may tumikhim saamin habang ang paa lang niya ang nakikita ko dahil hanggang ngayon nakahiga pa rin kami ni Herodes sa floor at ganun pa rin ang posisyon naming dalawa dahil nasa ibabaw niya ako. “Ehem! Mr Falcon, ang sabi ko bantayan mo ang anak ko! “ matigas na boses ni Daddy at medyo malakas, kaya dahil sa gulat ko, napabalikwas ako ng tayo ngunit mas lalo pa akong nawalan ng balanse at bumagsak ulit ako kay herodes! Napapikit nalang ako at napakagat sa aking labi sa nangyari sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD