Chapter 14

3173 Words

“MAGANDANG UMAGA Ate Ysay!” Iyon ang naging bungad sa kanya ni Nobel. Isa sa mga tauhan niya sa flower farm. Ito ang napagbuksan niya sa kanilang pinto ng umagang iyon ng lunes. Pumasok na ang kanyang mga magulang at si Tintin. Nakapantulog pa siya at halos kagigising lang. Madaling araw na siyang nakatulog gabi dahil kung saan-saan naglakbay ang kanyang imahinasyon. Ngayon ay inaantok pa rin siya. “Magandang umaga rin Nobel.” Ganting-bati niya sa lalaki. Mas bata ito sa kanya ng sampung taon at nakababatang kapatid na rin ang turing niya rito. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya sa farm kapag wala siya. “Anong meron at nandito ka?” tumutok ang paningin niya sa isang piraso ng malaki at pulang rosas. Nasisigurado niyang ang rosas ay galing sa kanilang farm. Ang malalaki at pulang-pulang r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD