“ANONG pinagkakaabalahan mo sa buhay?” iyon ang unang naging tanong ni Ysay kay Miguel. Hinayaan siya nitong mauna sa pagtatanong. “I work for my family business.” Sagot nito na sinundan kaagad ng tanong. “Do you find me attractive?” Umawang ang bibig niya. “Bakit ganyan naman ang tanong mo? Hindi naman tungkol sa akin ‘yan eh.” “Nasa rule ang pagtatanong ng kahit na ano. Walang bawal basta malakas ang loob mong magtanong.” Anang binatang nasa mga mata ang ningning. “At kung hindi kita sagutin diyan sa tanong mong ‘yan?” iningusan niya ito. “Then wala kang malalaman tungkol sa akin.” Pangi-ngising sagot nito. Nag-init yata ang ulo niya. Sinimangutan niya ito. “Unfair ‘yun! Ibahin mo ang tanong. Huwag ganyan.” “Hindi ko iibahin ang tanong ko. ‘Yang ang tanong ko eh. Kung gusto mo ay

