Chapter 12

1788 Words
MASARAP na nanananghalian sina Ysay at Miguel. Isang oras itong naglunoy sa tubig bago umahon. Ngayon ay kasama na niya itong nakaupo sa baon nilang picnic blanket na nakalatag na ngayon sa lupa. Isang oras din siyang nakamasid dito at okay sige, pinagpapantasyahan niya ito. Pero sa isang oras din na iyon ay ilang beses niyang kinastigo ang sarili. Hanggang pilitin nalang niya ang sariling huwag pansinin ang pagliligo ng binata sa talon. Ang ginawa niya ay humiga nalang at kunwa’y inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro. Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. Nagising lang siya sa mahinang pagtapik sa kanya ni Miguel. Napabalikwas pa siya ng bangon ng bulto nito ang bumungad sa kanya. Tumutulo pa ang tubig sa katawan nito. Mabilis niyang inayos ang sarili at dumistansiya rito. Kung hindi niya iyon gagawin ay baka bigla niya itong masunggaban na pagsisisihan niya sa huli. Hanggang sa magyaya na itong kumain na sila. Sa gilid niya ay may malaking puno na may mayayabong na mga ugat. Sa tulong ng puno ay malilim sa puwesto nila. Pulos papuri ang naririnig niyang komento mula sa binata. Kagaya kaninang umaga ay ganadong-ganado ito sa pagkain. Adobong manok na tuyo ang sabaw at relyenong pusit ang niluto niya para sa kanilang pananghalian. Hindi niya nakalimutang magbaon ng iba’t-ibang klase ng prutas para sa kanilang panghimagas. Inalok nila ang mga naroon bago kumain subalit nagpaalam na ang mga ito dahil tapos na raw maglaba ang mga ito. Kaya hindi pa natatapos ang kanilang pananghalian ay sila nalamang  ang tao doon. Pagkatapos nilang kumain ay nanatili silang nakaupo. Nagkaroon ng katahimikan ang paligid na sila na lamang ang natira. Kahit sila ni Miguel ay ninamnam ang katahimikan at walang nagsalita. Tanging ang malakas na bagsak at lagaslagas ng tubig at huni ng kung ano-ano sa paligid ang maririnig. “I feel so great right now.” Naulinigan niyang wika ni Miguel. Tumingin siya dito. Nakatingin ito sa may bahaging tubig. Bigla ay umatake nanaman ang malaking kuryosidad niya tungkol sa estado nito sa buhay. Pero pinigilan niya ang magsalita. Ayaw niyang palawigin ang pagkakakilala niya. Kapag natapos nito ang bakasyon sa kanila ay tapos na rin ang pagiging tour guide s***h chaperone niya dito. Walang rason para makilala pa niya itong mabuti. Ibinalik niya ang tingin sa talon. “Ysay…?” maya-maya’y narinig niyang untag nito. “Hmmnnn…” mula sa talon ay nilingon niya dito. Nakatitig na pala ito sa kanya. Nagkatitigan sila pero siya ang unang nagbawi ng tingin. Papaano ay naka-hubad pa rin ito. Mukhang gusto nitong ibalandra sa kanyang maghapon ang katawan nito. Ang lakas-lakas pa naman ng dating nito ngayong mamasa-masa ang buhok nito at katawan. Ruggedly-wet-look-handsome ang peg nito ngayon. Tapos ang kulay nitong tan ay parang naging ginto pa dahil sa kumikinang-kinang na tubig na nasa katawan nito. “Why are you avoiding me at the reception?” Nasamid siya. Naalala pa talaga nito ang pang-iiwas niya. “Don’t deny it. Alam kong iniiwasan mo ako. Bakit?” pangungulit nito. Nagpahugot siya ng malalim na paghinga. “Miguel, hindi kita iiniwasan ---.” “Hindi ako naniniwala.” Putol nito sa kanya. “Is it because what happened the first time we met?” panghuhula nito. Pinukulan niya ito ng tingin. Alam mo naman pala eh! Tila nag-usap ang kanilang mga mata. Sa huli ay nahihiyang tumango siya. “Sino ba naman ang hindi mahihiya sa nangyari diba? Para akong timang ng gabing ‘yun. Ano nalang ang iisipin mo sa akin? Ayaw ko ng maalala pa ang nangyari.” Medyo naging awkward ang boses niya. “So ayaw mong maalala na nagkakilala tayo?” Alanganing tumango-umiling siya. “Iniisip mo sigurong isa akong babaeng ---.” “No!” muli nitong putol sa kanya. “I never think of that way. Hindi kita inisip na isang babaeng ang habol sa mga lalaki ay s*x lamang.” Diretso itong nakatingin sa mga mata niya kaya kita at ramdam niya ang sincerity ng binata. At tinamaan siya sa kasinserohan nito. “T-thank you…” matipid pero totoong ngumiti siya dito. “So tell me, ano palang meron ng gabing iyon at nakilala kita sa bar? Baka puwede mo ng i-share sa akin.” “Na-ah. Not so fast, Miguel. Sikretong malupit iyon.” Aniyang sunod-sunod ang naging pag-iling at ibinalik ang tingin sa talon. “Hindi kita pipilitin. But I just want you to know na wala kang dapat ikahiya sa akin. It’s our little secret.” Nilingon niya ulit si Miguel. “Wala kang pinagsabihan o pinagkuwentuhan?” “Wala…” “Wala? Kahit mga pinsan mo at close friend? Si Tristan?” “None. Sikreto nating dalawa iyon habang-buhay.” Paninigurado nito. Kung bakit ay nagka-pogi points nanaman ito sa kanya ng sinsero rin itong ngumiti. “S-Salamat Miguel. I really appreciate your sincerity. And I admit, nagpapasalamat ako na ikaw ang nakatagpo ko ng gabing iyon. Ewan ko kung anong nangyari sa akin kung hindi ikaw iyon.” Bahagya siyang natawa sa mga sinabi. “Well, I’m glad too na ako nga ang nakatagpo mo that night. Hindi ko rin siguro gugustuhing may iba kang makakasama ng gabing iyon. I wouldn’t imagine.” Titig na titig ito sa kanya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi niya alam pero parang may nahimigan siyang laman sa mga salita ng binata. Pakiwari niya ay may mga gusto pa itong sabihin pero pinili nalang nitong huwag ituloy. Pero ayaw niyang pakaisipin pa iyon. Muling nagkarooon ng katahimikan ng ilang sandali bago siya ang bumasag niyon. Hindi talaga siya makatiis. “Puwede ba akong magtanong?” hindi napigilang sabi niya. Tumingin ito sa kanya. “Anong itatanong mo?” Nag-atubili siya. “Medyo personal…” Napangiti ito at tuluyan siyang hinarap. “Ask anything at sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.” “Kahit ano?” “Yes. Kahit ano. I’m an open book, pero sa iyo lang ha.” Bakit sa akin lang? Tinantiya muna niya ito bago siya magtanong. “Sino ba talaga si Miguel?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. Nagkibit-balikat siya. “Bukod kasi sa pangalan mo, pagiging magpinsan niyo ni Tristan, bukod sa nakilala kitang maginoo, mabait, hindi mapagsamantala….” Lumuwang ang ngiti nito. “…huwag kang ngumiti ng ganyan. Sinasabi ko lang ang nalalaman ko sa iyo.. bukod doon ay wala na…kaya sino ka ba talaga? Anong trabaho mo? Anong buhay mo bago kita nakasama dito ngayon? Pero okay lang naman kung hindi mo sasabihin. Wala namang magiging problema doon. Sinasamahan lang naman kita sa pamamasyal kaya ---.” “Hey! Chill… papaano ko masasagot ang mga tanong mo kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon para sagutin ka?” natatawang sabi nito. Napangiwi siya. “Oo nga naman….sige.. magpakilala ka na…” “I will answer all your questions but promise me, you will share yours after. Oh wait! I have an idea. Why don’t we play a game. Para fair.” “Ano namang klaseng laro ‘yan?” tumikwas ang isang kilay niya. “Question and answer. Madali lang. Magtatanong ka sa akin at diretso kong sasagutin. After my answer, I’ll follow it with question na sasagutin mo naman. And then you can proceed to your next question. Deal?” Ngumuso siya. “E paano pag ayaw ko?” “C’mon! It’s a fair game. Mapapahiya ba talaga ako sa’yo?” medyo nalungkot na tanong ng binata ng hindi pa rin siya nagsasalita. Iningusan niya ito. “Ito naman! Para pinag-iisipan ko pa eh! Pero sige na nga.” Patay ka na talagang Ysay ka! Umaliwalas ang mukha ng binata kasabay ng pag’yes’ nito na umalingawngaw sa buong paligid. Lihim siyang napaismid. Para namang sinagot kita sa lagay na ‘yan kung makapagreact ka. Pero sa loob-loob niya ay kinilig siya sa isiping iyon. Kota ka na sa kilig Ysay. Baka kung saan ka dalhin ng kilig-kilig na ‘yan ha! Sa pagkabigla niya ay kumilos ito at iglap lang ay hawak na ng dalawang kamay nito ang mukha niya. “Ang cute-cute mo talaga!” Nanggigigil na sabi nito saka pinisil ang kanyang pisngi. Nabigla siya. “Miguel! Ano bang ginagawa mo?” gulat na gulat niyang bulalas. Bahagyang namula ang mukha niya. Masyadong magkalapit ang kanilang mga mukha at biglang nanariwa sa kanyang isip ang pagkakalapit ng kanilang mga mukha ilang buwan na ang nakakaraan. Isa pa ay sensitive ang katawan niya pagdating sa mga lalaki. Hindi siya basta-basta nagpapahawak sa kahit kaninong lalaki o idikit ang balat sa mga ito. Humalakhak ang binata. Inalis ang kamay sa mukha niya pero tinitigan naman siya na lalo niyang ikina-conscious. Bakit ba tinititigan siya ng napakaguwapong lalaking ito? “O ngayon tinititigan mo naman ako. Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nako-concsious ako!” hindi niya napigilang ibulalas. Ibinaling niya ang mukha sa ibang direksyon. Hindi siya pinakinggan ng binata. Sa halip ay hinawakan nito ang mukha niya at muling ipinaharap dito. Kumabog ang kanyang dibdib ng makitang seryoso na itong nakatitig sa kanya. “Miguel…” angal niya. “Alam mo bang mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita kita. Lalo na kapag nakangiti ka at ako ang nginitian mo? At hindi ka dapat ma-conscious dahil napakaganda mo. Ang ganda-ganda mo Ysay.” Lalo yatang namula ang mukha niya sa pinagsasabi nito. s**t! Ang ganda-ganda raw niya! Coming from this man na ubod ng guwapo at puro positibong bagay sa katawan ay sinabihan siyang napakaganda raw niya. Mas mahaba pa sa San Juanico Bridge ang buhok niya ang peg niya ngayon! At babae siya. Natural lang na mapa-flatter siya kagaya ng ibang babaeng pinupuri ng isang lalaki. Hindi siya dapat magpanic kung grabe na ang kabog ng dibdib niya at lutang ang pakiramda niya dahil sa kilig. It’s just a normal reaction ng isang taong pinupuri.  “Tigilan mo ‘yan Miguel!” sabi niya dito kahit gustong-gusto niya ang papuri nito. Pumikit nalang siya para hindi makita ang mukha nitong malapit na sa mukha niya. “And your blushing again…” namaos ang tinig nito. Nagsisimula na siyang maaapektuhan sa mga pinagsasabi nito at bago pa siya makagawa ng isang bagay na pagsisisihan niya ay kumilos na siya. “Magwo-walk out na ako!” pananakot niya dito. Kumilos siya para tumayo pero maagap siya nitong napigilan. Sa pagkakataong iyon ay tumatawa nanaman ito. “Aalis ka ng hindi pa nagsisimula ang ‘kuwentuhan’ natin.” Anito ng masigurong hindi na siya tatayo. “E ikaw eh…kung ano-ano ang sinasabi mo…” dinadala mo ako sa kung saan-saan. Lagot ka kapag hindi mo ako nasamahan. Tumawa lang ulit ito pero hindi na nagkomento pa. “Okay…” at nagsimula ang tanungan portion nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD