Chapter 11

2477 Words
ANG planong pagdidispasta ni Ysay kay Miguel ay hindi nangyari – nanaman. Paano ay sobrang kulit ng binata at sumusuporta naman ang kanyang katawan. Ilang beses na niyang naitaktak ang utak dahil nagkakagulo ang mga nerves niya. Iiwasan na ba talaga niya si Miguel o ipagpapatuloy ang pag-entertain ng kakulitan nito. Abala si Ysay sa umagang iyon sa kanilang kusina. Inihahanda niya ang mga babaunin nila ni Miguel sa kanilang pamamasyal. May nakapagbanggit daw kasi rito na isa sa mga tauhan niya sa farm na mayroong talon hindi kalayuan sa kanilang lugar. Kaya bago sila nagkahiwalay ng nagdaang gabi ay kinulit siya nito ng kinulit hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Tuwang-tuwa ito ng pumayag siya. Sa isip-isip ay bahala na kung ano ang mangyari. Sasamahan lang naman niya ito habang naroon ang binata sa lugar nila. Pagbalik nito sa Maynila ay hindi na rin sila magkikita pa. Tsaka basta nasa kanya pa rin ang control. Wala naman kasing sinasabi o pinaparamdam si Miguel tungkol sa pakikipaglapit nito sa kanya. Baka talagang malapit lang ito sa mga tao. Hindi niya dapat bigyang-pansin ang mga ikinikilos nito. Wala siyang dapat ikabahala para sa sarili. Inako na niya ang mga babaunin nila para sa tanghalian at meryenda. Gustong sumama ni Tintin sa kanila pero may lakad daw ito kaya hindi makakasama. Maaga ring umalis ang kanyang mga magulang para magsimba at saka didiretso sa isang okasyon ng isang kaibigan ng pamilya. Kaya naman bukod sa dalawang kasambahay nila ay siya ang kumikilos sa kusina. Alas nuwebe ang usapan na susunduin siya ng binata pero dahil inalok niya itong doon na mag-agahan sa kanila ay gising na siya wala pang alas sais. Biro mo, gusto niya itong iwasan pero siya pa ang nag-alok dito. Madalas ay kung ano-ano talaga ang lumalabas sa bibig niya kapag nasa harap na ni Miguel. Sinita pa niya ang sarili ng makaramdam ng excitement dahil muli niya itong makakasama. Maging ang pakiramdam na gusto niyang magpa-impress dito sa mga pagkaing babaunin nila. Kaya naman buhos na buhos ang atensiyon niya sa ginagawa. Mag-aalas-otso ng sabihin ni Karla – ang isa nilang kasambahay - na dumating na raw si Miguel. Anito ay naghihintay na ang binata sa kanilang sala. Nagsimula nanamang kumabog ang kanyang dibdib dahil sa excitement at napapansin niyang napapadalas iyon ng napapadalas. Sandali niyang sinipat ang sarili sa salaming nasa kusina bago tinungo ang sala. Nang makitang maayos naman itsura ay nakuntento na siya. “Good morning!” masiglang bati niya hindi pa man nakakalapit dito. Lumipad ang tingin nito sa kanya mula sa portrait niya na nakasabit sa dingding. Lihim siyang napangiti ng maisip na tinitingnan iyon ng binata. Ehem! Maganda ako diyan ha! Ngumiti ito ng makita siya. “Good morning beautiful!” Namula ang kanyang mukha sa endermeant na sinabi nito pero lumobo ang kanyang puso sa papuring iyon. Nagagandahan pala sa kanya ang binata. Kung ganito lagi ang magiging bungad nito sa kanya, buong-buo na ang araw niya. Pero saglit lang ay sinita niya ang sarili. Huwag kang padadala sa mga ganyang pambobola kundi masasaktan ka lang nanaman! “Masyadong maaga ‘yang pambobolang naririnig ko.” Aniyang hindi naalis ang ngiti. Tumawa ang binata. “Well, that’s the truth. Hindi ako marunong magsinungaling.” Echos! “Gutom lang ‘yan. Tara na sa kusina ng makapag-agahan.” Aniya nalang pero sa loob-loob ay nadadala siya sa pambobola nito. Niyaya na niya ito sa kusina para sa kanilang agahan. Nakahanda na ang hapag nang makarating sila roon at sabay silang dumulog. Habang kumakain ay panay ang pahayag ng binata na excited ito sa pamamasyal nila sa araw na iyon. Magana rin ang pagkain nito at kahit siya ay naparami ng pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam siya saglit para magbihis. Ilang minuto lang ay handa na siya at nilabas ang binata. Matiyaga itong naghihintay sa sala. Niyaya na niya itong lumabas. Nang akmang pupuntahan nito ang sariling kotse ay pinigilan niya ito. “Sandali. Hindi ‘yan ang gagamitin natin.” Aniya dito. Nagsalubong ang mga kilay nito. “What? Anong gagamitin natin?” Inginuso niya ang isang type owner jeep na nasa gilid ng bakuran. “Iyan ang gagamitin natin. Hindi mo gugustuhing madumihan ‘yang kotse mo dahil puro alikabok ang dadaanan natin.” Sandali iyong natitigan ng binata bago nagsalita. “Where’s the key?” Tumaas ang kilay niya. “Marunong ka niyan?” Tumawa ang binata. “Of course! Pareho lang iyan sa kotse ko.” “Hah! E mukhang hindi ka sanay sumakay sa ganyan eh.” Napakamot sa batok ang binata. “Well, totoong hindi pa ako nakakasakay sa ganyan at hindi pa ako nakakapag-drive ng ganyan, but I can manage. Hindi ko hahayaang ikaw ang magmaneho sa ating dalawa.” Gentleman talaga. Nakakainis! “Sige, ikaw ang bahala.” Aniya saka dinukot ang susi sa bulsa ng suot niyang denim jacket at inihagis dito. Maagap iyong nasalo ng binata. Paglapit nila sa owner ay naroon na sa likod niyon ang mga gamit at babaunin nila na ipinalagay niya kina Karla. Sandaling kinuha ng binata ang gamit nito sa loob ng kotse at inilagay ang gamit nito sa likod ng owner. Nauna na siyang puwesto sa tabi ng driver’s seat at nang sumakay ang binata roon ay nagmukhang maliit ang sasakyan. “Are you sure?’ tanong niyang pinipigilan ang bumungisngis. “Watch me.” Anitong kumindat sa kanya saka ini-start ang sasakyan. Lumakad na sila at impress siya dahil hindi ito nagrereklamo sa pagmamaneho. Maging sa kalsadang tinatahak nila ay hindi niya ito nakaringgan ng reklamo. Itinuro niya ang daan papunta sa talon na pupuntahan nila. Ilang barangay ang nadaanan nila bago narating ang bungad papasok sa bundok kung saan naroon ang talon. Dahil sa bako-bakong daan ay inabot sila ng mahigit kalahating oras sa biyahe. Pagdating sa bungad ay kailangan pa nilang maglakad ng lima hanggang sampung minuto bago marating ang mismong talon. Ito ang nagbibitbit sa isang basket na naglalaman ng mga baon nila at isa pang bag nito. Akmang kukunin din nito ang bag niya pero maagap niyang kinuha ang gamit. “Kaya ko na.” mabilis niyang sabi dito. “Are you sure?” “Yes, I’m sure. Marami ka ng bitbit.” “Well then, let’s hike!” malakas nitong sabi. Tumawa siya at nagpatiuna na sa binata. Nang makarating sila sa mismong talon ay napahanga ang binata sa lugar. May ilang naglalaba sa di kalayuan at may iilang bata na naliligo na marahil ay kasama ng mga babaeng naglalaba. Binati ng binata ang mga ito. Naghanap sila ng magandang puwesto kung saan hindi sila masyadong masisikatan ng araw pagdating ng tanghali. Nahanap nila iyon ilang metro ang layo sa malaking ilog na siyang binabagsakan ng humigit kumulang benteng talampakan na taas ng falls. Hindi masyadong malakas ang bagsak ng tubig subalit sapat ang lakas niyon para mapasarap ang paliligo sa lugar. Pagkalapag ng binata sa kanilang mga gamit ay nagtanggal ito ng sapatos at nagpunta sa mabatong bahagi na parte ng ilog. Natigil ang gagawin sana niyang paglalabas ng kanilang baon sa basket at nasundan ito ng tingin. Inililibot ng binata ang tingin nito sa paligid at walang babalang sumigaw. “This is life!” malakas at malinaw nitong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid. Hindi pa nakuntento at itinaas pa nito ang dalawang kamay at muling sumigaw na tila wala itong pakialam kung may ibang tao sa paligid. Ang mga naglalaba ay natigil sa ginagawa at napatingin sa binata. Kahit siya ay natulala sa ini-akto nito. Na para bang noon lang ito nakaranas at nakakita ng ganoong lugar na imposibleng mangyari. Ang isang kagaya nito – kahit hindi pa niya alam ang totoong estado nito sa buhay – ay maaring nakarating na sa magagandang lugar higit sa kung nasaan sila ngayon.  Nang lumingon sa kanya ang binata ay nahigit niya ang paghinga. Napakaganda ng pagkakangiti nito sa kanya at sa wari ay kumikislap ang mga mata nito kagaya ng tubig na tinatamaan ng sikat ng araw. Parang bigla ay gusto niyang kunin ang kanyang cellphone at kuhanan ng binata. Na ginawa naman niya. Dali-dali niyang hinagilap ang cellphone sa kanyang backpack at agad nagpunta sa camera application. Walang babalang itinutok niya ang camera sa binata para kuhanan ito. “Anong ginagawa mo?” malakas nitong sabi para marinig siya ng makita nitong nakatutok dito ang cellphone niya. “Kinukuhanan ka. Ang ganda kasi ng anggulo mo diyan.” malakas din niyang sagot. Pumailanlang ang malakas nitong tawa. “Kailangan ko bang mag-pose?” anitong patuloy na tumatawa pero hindi pa man siya sumagot ay nagpose na ito ng nagpose. Napabungisngis siya. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagpindot sa camera. Mukha itong nagmo-modelo para sa isang magazine. Marahil kung sa ibang lalaki ay mauumay siya pero kahit yata ganoon ang gawin ng binata sa harap niya buong maghapon ay titigan lang niya ito. Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng tanggalin nito ang suot na t-shirt. Letse! Inaakit yata ako ng lalaking ito! Aniya sa sarili pero patuloy pa rin ang pagpindot niya sa kanyang cellphone. Muntik siyang maglaway ng tanggalin nito ang damit. “Hindi ko naman sinabing tanggalin mo ang damit mo!” Muling tumawa ang binata. “I think mas maganda ang view kung nakalabas ang mga muscles at abs ko diba?” Wala siyang pinalampas na segundo. Nakuhanan niya ang lahat ng galaw nito habang nagtatanggal ng damit. Hanggang sa tuluyan itong maghubad-baro. Sunod-sunod ang pindot niya. Nakagat niya ang ibabang labi ng marealize ang ganda ng katawan nito. Inaasahan na niyang maganda ang katawan nito pero ang makitang ganoon ay nakapagpapa-apekto pa rin sa kanya. Noon lang din siya nakakita ng six pack abs sa personal at ganoon pala ang pakiramdam. Pakiramdam na gusto niya iyong damhin ng kanyang mga palad. Hindi malaking-malaki ang katawan nito bagkus ay siksik ng laman ang bawat bahagi ng katawan nito. May lean and broad shoulder na nakadagdag sa pagiging maangas nito. Bigla yatang uminit ang paligid sa nakikita niya. Peste! Kinikilig na pati dulo ng kuko niya. Hindi naman niya ito mabara kasi talagang maganda ang katawan nito. At ang abs! Gusto yata niyang magpalaman ng masarap na cheese doon tapos ay kakainin niya. Nang i-zoom niya ang camera sa mukha nito ay wala sa sariling nahaplos niya ang screen ng cellphone. Paano ay napakaguwapo ng kuha ng binata. Isandaang porsiyentong photogenic ito. Ang mga mata nitong nagningning na para bang sinabi nitong para sa kanya ang ngiti nito. Dumako ang tingin niya sa labi nitong nakangiti din. Namimilyo. Nag-aanyaya. Muli ay napalunok siya. Iba na ang tinatakbo ng kanyang utak. Mabilis niya iyong pinutol at ibinaba ang cellphone. Sapat na ang mga kuha niya dito. “Tama na ‘yan. Ang dami mo nang kuha.” Sabi niya dito para lamang itaboy ang nagsisimulang pantasya sa kanyang katawan. Humalakhak ang binata. “Don’t forget to share all those pictures. Sana naman may maganda akong kuha.” Anong share? Akin lang ang lahat ng ‘yun uy! Share share ka diyan. “Maganda na sana kundi ka naghubad!” biro niya na hindi totoo. Alam niyang mas lalong gumanda ang view ng maghubad ito. “I can take off my pants too if you want.” Natatawang sabi nito. Sa sinabi nito ay namula ang mukha niya. Napatingin siya sa mga naglalaba. Hindi niya napigilang bumungisngis ng makitang nakanganga ang mga ito habang nakatingin kay Miguel. “Hoy Miguel! Puwede bang magdamit ka muna. Hindi sila makapagtrabaho dahil sa’yo!” pinanlakihan niya ito ng mata. Nagsalubong ang mga kilay nito. Itinuro niya ang mga naglalaba sa di kalayuan. Sa halip na magdamit ay kinawayan pa ito ng binata habang nakangiti. Maging ang mga batang nakatulala rin dito na nasa tubig. Gumanti ng kaway ang mga ito na ikinatuwa ng binata. “See? They like me. How about you Ysay? Do you like me?” sabi nito sabay kindat sa kanya. Muling namula ang mukha niya. Nasamid siya ng wala sa oras. Muntik siyang mapa-oo kundi lang niya napigilan ng bongga ang sarili. “Ewan ko sa ‘yo Miguel! Maligo ka na kung maliligo ka.” Tumawa ang binata. “Come join me.” Yakag nito. “Mamaya na. Ihahanda ko muna itong baon natin.” Sabi niyang sinimulan ng ilabas ang laman ng basket. Hindi na siya pinilit pa ng binata. Sa halip ay walang-babalang tinanggal nito ang suot na pantalon. Napasigaw siya. “Huwag!” Muling napatingin ang binata sa kanya. Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit dito. Tumigil siya ilang hakbang mula dito. “Anong gagawin mo?” natatarantang tanong niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga tao doon at sa binata. “Take off my pants. Why?” sagot-tanong nito. Nasa mukha ang pagtataka. “Magtatanggal ka ng pantalon?” namimilog ang mga matang bulalas niya. Aatakihin yata siya ng wala sa oras. “What? Do you want me to dive and swim with my pants? Hindi ba ako magmumukhang tanga nun?” napapantastikuhang tanong din nito. Nakagat niya ang labi. May punto ito. Hindi siya nakaimik. Kinakabahan siya sa makikita sa totoo lang. Muli siyang napatingin sa mga naglalaba. Mukhang nag-aabang ang mga ito ng susunod na mangyayari. Siguradong pagpipiyestahan ng mga matang iyon ang katawan ng lalaking ito! Nang hindi siya sumagot ay ipinagpatuloy nito ang pagtanggal ng pantalon. Naitakip niya ang isang kamay sa kanyang mga mata. “You can see now.” Maya-maya’y narinig niya ang tinig ni Miguel. Pagtanggal niya ng kamay sa mukha niya ay dalawang hakbang nalang ang layo nito sa kanya. Napasinghap siya sa bultong nakatambad sa kanya. Hindi ito naka-brief lang gaya ng inaasahan niya. Naka-boxer shorts ito pero hindi malaswa. Iyon ang una niyang nakita. Hindi siya nalalaswaan hindi kagaya ng mga lalaking nagmomodelo ng brief o boxer sa telebisyon o brochure o sa magazine. Napalunok siya. Parang may napansin siya sa likod ng tela ng boxer. Panay na ang paglunok niya dahil hindi niya maalis ang tingin doon. Ilayo mo ‘yang mata mo diyan Ysay! Magka-kamatis ‘yang mata mo!   Mabilis nga niyang inalis ang tingin sa may boxer nito. Umakyat ang tingin niya sa katawan nito partikular sa abs. Bago pa muling gumala ang imahinasyon niya ay lumipat na ang tingin niya pataas hanggang sa mukha nito. Nang tingnan niya ang mukha nito ay nanunukso ang mga mata ni Miguel. “Maliligo lang ako. I need to swim. Now.” Anitong hindi nawawala ang kapilyuhan sa labi at tumalikod na. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng magdire-diretso na ito sa tubig. Parang gusto na rin niyang maligo dahil biglang umalinsangan ang paligid. At gusto rin yata niyang samahan ang binata sa tubig. Marahas niyang ipinilig ang ulo. Hindi siya maaring tablan kay Miguel. Hindi puwede. Malakas ang t***k ng pusong bumalik siya sa naiwang gamit nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD