KINABUKASAN ay maagang nagising si Ysay. Kahit pagod ay maganda ang naging tulog niya at dire-diretso. Siguro ay dahil napagod siya sa biyahe kahapon at dahil late na ng matulog sila kagabi. Hindi rin siya nakaramdam ng pamamahay dahil unang gabi niya doon. Hindi nauubusan ng kuwento ang mama ni Miguel pero hindi naman siya nabagot dahil nakakatuwa ang mama nito. Masayahin si Tita Simone at kuwela naman si Tito George. Ilang beses na ipinaabot ng mga ito na pabor sila sa kanya kung siya man ang mapapangasawa ng unico hijo nila. Marami pa siyang nalaman tungkol sa binata dahilan para lalo niya itong magustuhan – at mahalin. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay dinala sila ng mag-asawa sa verandah at doon ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan. Marami palang tinutulungan ang binata na mga bat

