Chapter 27

2786 Words

PASADO alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Ysay. Iyon ang ikatlong araw at gabi niya kina Miguel. Hindi siya makatulog dahil nasa kabilang kuwarto ang isip niya. Na kay Miguel. Wala pang isang oras ng maghiwalay sila at ihatid siya nito sa kanyang silid. Pero pakiramdam niya ay gusto pa rin niya itong makita at makausap. Ang totoo ay gusto niya itong laging nakikita at nakakasama. Nasasanay na siya sa presensiya nito lagi at hindi na kumpleto ang araw niya kapag hindi ito nakita o kahit marinig man lang ang boses nito. Totoong umiibig na nga siya kay Miguel. Ngayon ay iniisip niya kung ano ang ginagawa ng binata. Kung tulog na ba ito? O iniisip rin ba siya katulad niya? Kagaya ba niya ay hindi rin ito makatulog dahil sa pagiging inlove nito sa kanya? Pangiti-ngiti si Ysay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD