PAGKATAPOS magpakasawa nila Miguel at Ysay sa pool ay niyaya siya ng binata sa rooftop ng mansiyon. Maganda pala ang view doon at kahit malamig ay masarap sa pakiramdam. Lalo na ngayong yakap siya ni Miguel. Nakaupo si Miguel habang siya ay nasandal sa didbdib nito. May makapal na carpet na nakalatag para hindi sila malamigan. Nakayakap ang mga braso nito sa kanya habang hawak naman niya ang mga kamay at braso nito. Pareho na silang nakabihis ng pantulog at mag-aalas dose na ng hating-gabi. Ilang minuto palang sila doon at ninanamnam ang sandaling magkasama sila. Higit doon ay ninanamnam din nila ang oras na nagkaroon ng katuparan ang kanilang relasyon. Nararamdaman niya ang magaan at mabining paghalik ng binata sa kanyang buhok. Bahagya siyang nakakaramdam ng kiliti pero gustong-gusto n

