Chapter 29

2720 Words

NAALIMPUNGATAN si Ysay sa mga boses sa paligid. Mahina lamang iyon pero dahil mababaw lang ang tulog niya ay nagising siya kaagad. Kasama niya si Miguel kanina na nakaupo sa sofa habang binabantayan si Elise nang patulugin na siya ng binata. Wala sana siyang balak matulog pero dala ng lamig ng aircon ay inantok siya. Nagising siyang nakahiga na sa sofa. Nagmulat siya ng mata at akmang babangon na nang marinig niya ang sariling pangalan na binanggit ni Elise. “Mig, baka puwede mong kausapin si Ysay. Alam kong maiintindihan niya dahil babae rin siya. And she really seems nice. Magaan ang loob ko sa kanya.” tinig iyon ni Elise. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya si Miguel na nakatayo sa paanan ng kama ng dalaga. Ang ina nito ay nakaupo sa kama malapit sa ulunan nito habang ang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD