Chapter 30

1304 Words

PAREHONG tahimik sina Ysay at Miguel pagdating sa mansiyon ng mga Monzon. Hindi rin sila nag-uusap sa biyahe kanina dahil sinadya niyang magtulog-tulugan pero ang totoo ay gising na gising siya. Magulo ang kanyang isip at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa hiling ni Elise sa kanya. Ang saya-saya lang nila kagabi at kasasagot palang niya rito ilang araw palang ang nakakalipas pero kapag hinayaan niyang umalis ito ay mawawalay agad sa kanya ang binata ng ilang buwan. Kaya ba niya iyon? Hindi pa ganoon katibay ang taling nagbibigkis sa kanila para tumatag ang kanilang relasyon. At kung pagsubok man ito ay masyado namang napakaaga. Pero nasusukat nga ba sa tagal ng pagsasama para maging matatag ang isang relasyon? Hindi ba at nasa pagmamahalan nila nakasasalay ang lahat. At pagtitiwala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD