IPINULUPOT ni Ysay ang mga braso sa leeg ni Miguel. Lalo pa niyang idinikit ang labi sa labi nito at mariing hinalikan ang binata. Naramdaman niya ang pagkabigla ng nobyo sa naging aksiyon niya. Mabilis itong humiwalay sa kanya. “Ysay… don’t do this to me. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.” Tila nahihirapang saad nito. Mukha ngang nahihirapan ito dahil naramdaman niya ang bagay sa ibaba nito na tumigas. Pilya siyang ngumisi at lalo pang idinikit ang katawan sa katawan nito. “Ysay…” may pagbabanta na sa tinig nito pero naroroon ang paghahangad. Nagkaroon ng tunog ang ngisi niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanila mula pa kagabing nagpunta sila sa ospital ay gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano ngayon. Mayroon siyang gustong mangyari at desidido na siyang gawin iyon ngayon. Pi

