NASA airport sila Ysay. Iyon ang araw ng pag-alis ni Miguel kasama ang pamilya ni Elise. Isang linggo pagkatapos ma-ospital ng babae ay itinakda ang pagpunta nito sa amerika para magpagamot. Gusto na niyang umuwi bago iyon subalit hindi siya pinayagan ni Miguel. Hindi ito pumayag na umalis siya. Pagkatapos ng gabing may mangyari sa kanila ay nag-usap sila ng binata. Alam niya at nararamdaman niya na gusto nitong samahan ang dating kasintahan hindi man ito magsalita. At alam din niyang walang ibang rason ang binata kundi dahil isa lamang itong mabuting tao at nagpapahalaga sa pinagsamahan ng dalawa at ng pamilya ng mga ito. Hindi nito kasalanan kung nasa pagkatao na nito ang pagtulong sa kapwa. At kung dahil doon ay mapapatagal ang buhay ni Elise ay magbibigay siya. Alam nilang mahal na

