“YSAY… please say something.” Anang binata ng hindi siya makapagsalita. Nasa mukha nito ang paghihintay kung ano ang isasagot niya. Kumukurap-kurap siya. Pilit inaarok ang mga salitang pinagsasabi nito. Kailangan niyang magsalita. “I-I’m sorry Miguel….” Pumiyok siya. Nagtanong ang mga mata nito. “H-Hindi ko matatanggap ang panliligaw mo.” Mahina pero malinaw niyang sabi. “W-Why?” bumakas ang labis na pagkabigla sa mukha nito. Mukhang hindi inaasahan ang kanyang magiging reaksiyon lalo ang kanyang tugon. Iniwas niya ang tingin dito at malakas na tumikhim. “Ayoko….” Suminghot siya. Anumang sandali ay iiyak siya pero pinigilan niya ang sarili. “Bakit ayaw mo?” tila napakaraming katanungan ang nakapaloob sa iisang tanong na iyon ng binata. Umiling-iling siya saka nagkibit-balikat. “Da

