ISANG normal na araw iyon kay Ysay. Kasalukuyan siyang nasa farm at abala sa pag-i-spray ng mga rosas. Pamukadkad na ang mga iyon at talagang malalaki. Bukod sa mga tauhan niya roon ay personal din niyang inaasikaso ang mga tanim. Pasado alas otso palang ng umaga at hindi pa katirikan ng araw. Nang matigil siya sa mga pulang rosas. Ang mga rosas na ito ang ibinibigay sa kanya ni Miguel dati. Napabuntong-hiniga siya. Ilang linggo na rin simula ng magkausap sila ng binata. Hindi na ito nagparamdam pa. Siguro ay nakalimutan na siya nito. Kaya nga kahit nasasaktan siya at nalulungkot ay pilit na rin niyang kinakalimutan ang binata. Ngayon niya naiisip na tama ang naging desisyon niya kahit na ilang beses niyang tinangkang kausapin ang binata at bigyan ito ng tsansang papasukin sa buhay niya.

