KINAUMAGAHAN ay masakit ang ulo ni Ysay dahil sa hangover. Parang binabarena ang ulo niya sa tindi ng sakit. Nagsisisi siyang naparami ang inom niya ng nagdaang gabi. Pero hindi naman niya masisisi ang sarili dahil talagang nag-enjoy din naman siya. It was one of the best night of her life kung hindi man pinaka. Kaya patatawarin na niya ang sarili sa ginawang pag-iinom. Hindi na rin niya naabutan si Tintin. Hindi nga niya alam kung natulog doon ang kapatid. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil malaki na ito. Ang natatandaan niya kagabi ay si Gene ang kasayaw nito ng magyaya ang mga lalaking magsayaw sila sa dalampasigan. Saglit pa niyang tinantiya ang sarili pagkatapos ay nagpasya ng lumabas ng cottage para hanapin ang mga kasama. Pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya si Miguel. A

