NASA dalampasigan ang grupo ni Ysay ng gabing iyon. Nakapalibot sila sa isang bonfire kagaya ng ibang turista sa resort. Sa di kalayuan ay maririnig ang tugtog mula sa isang local live band. Ilang metro naman sa kaliwang bahagi nila ay maririnig ang tunog ang strum ng gitara habang nagkakantahan ang mga nakaupo roon na kagaya nila ay nakaharap din sa bonfire. It was a fine night para kay Ysay. Maraming bituin sa kalangitan na dumagdag sa liwanag ng paligid. Kahit may kaingayan ang paligid ay nakakarelax naman. Ang hampas ng alon mula sa dagat at ang malamig na simoy ng hangin ay nakakatanggal ng sress sa katawan. Ang lahat ng tao roon ay naroroon para mag-relax at iwan sandali ang problema kung saan man nanggaling ang mga ito. Sa mga sandaling iyon ay katabi niya si Miguel at parehong n

