NAKAMASID si Ysay sa paligid partikular sa mga taong naglalakad sa buhanginan. Nasa tent siya at ilang minuto na rin ang nakalipas simula ng magsawa siyang maglunoy sa tubig. Wala ang bagong kasal at naglakad-lakad habang si Tin ay mag-iikot-ikot lang daw. Saglit na nagpaalam sa kanya si Miguel para magbanyo. Kampante na itong iwan siya saglit dahil may sarong ng hindi see-thru ang nakasuot sa kanya. Hindi niya alam kung saan kinuha ng binata ang sarong na suot niya ngayon. Iba’t-iba ang kulay niyon na parang isinabog na pintura sa tela. Habang hinihintay niya si Miguel ay prente siyang nakaupo pahilata sa isa sa mga sofang nasa tent nila. Kung nagpunta sila roon ng mga panahong hindi pa niya nakilala si Miguel ay siguradong puro kabiteran ang maiisip niya sa mga nakikitang magjo-jowang n

