“ARE YOU sure hindi malaswa itong suot ko?” nakangiwing tanong ni Ysay kay Tintin habang nakatingin sa full-length mirror na nasa harap niya. Mula sa ginagawa ay binistahan siya ng kapatid. Nakasuot siya ng two-piece bikini na kulay puti ng mga sandaling iyon. “Kung malaswa ‘yan Ate, ano pa itong suot ko?” maang na tanong ni Tintin. Nakasuot naman ito ng two-piece bikini rin na kulay mapusyaw na dilaw. Mas daring nga lang ang suot nito kumpara sa suot niya. Para silang magpipictorial sa mga itsura nila. Lalo siyang napangiwi. “Gusto ko yatang magpalit ng isu-suot. Magso-short nalang yata ako?” “Ate, nandito tayo sa beach. Natural naka-swimsuit tayo. Nakita mo ba ‘yung mga tao kanina sa labas? Puro mga naka-swimsuit. Tsaka first class resort ito ‘no. Wala kang makikitang naka-short at

