MAGAAN ang pakiramdam ni Ysay ng araw na iyon – sa ibang aspeto. Iba ang pakiramdam niya. Hindi iyon normal na gaan lang ng pakiramdam dahil wala siyang problema. Magaan at masaya ang pakiramdam niya dahil kasama niya si Miguel. Kung ganito ang pakiramdam ng nasa alapaap ay baka nasa alapaap nga siya. Kasalukuyan silang nasa talon ng araw na iyon. Nang magkaayos sila ay muli itong nagyaya na magpicnic sila roon. Agad siyang pumayag dahil nasasabik din naman talaga siyang makasama ito. Ayaw niyang i-deprive ang sarili dahil lamang natatakot siya sa maraming bagay. Gaya ng sinabi niya sa sarili at kay Miguel, pagbibigyan niya ang sarili kahit sa huling pagkakataon. Kahit na sinabi na niya iyon dati sa huli. Susubukan ulit niyang maniwala at manampalataya sa ngalan ng pag-ibig. Hindi pa siy

