SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Ysay. Dahan-dahan siyang bumangon at sinulyapan ang pinto. Mula sa pinto ng kanyang kuwarto ay dumako ang tingin niya sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. Ala una ng tanghali. Napakurap-kurap siya. Hindi niya namalayang nakaidlip siya kanina habang nag-eemo. Nagkulong siya dahil wala siyang ganang lumabas ng araw na iyon. Kahit anong gawin niyang pagbibigay ng konsuwelo para makalimutan si Miguel ay hindi pa rin niya ito makalimutan. Sa halip ay para siyang timang na umaasang bigla itong susulpot sa harap niya. At bakit pa siya aasa e hindi nga ba at siya ang nagsabing huwag na sanang magku-krus ang landa nila? Bakit umaasa pa siya ngayon? Ang mas nakakaloko ay hindi naman sila nagkaroon ng relasyon pero ku

