Azalea’s POV
“How’s the plan huh? My gosh Carter! Di mo pa nga nagagawa ang trabaho mo sinisingil mo na ako!” asik ko sa pinsan ko nang pinuntahan niya ako sa opisina para lang mag palibre ng lunch dito sa mamahaling restaurant.
Natawa siya at sumandal sa sandalan ng upuan.
“Ano ka ba. Magagawa din naman mamayang gabi. Planado na lahat pati nga ang biyahe eh. I advance mo na ang bayad please?” nakangisi niyang pahayag.
Inirapan ko siya at nagtaas ako ng kamay para tawagin ang waiter.
“Ayusin mo lang dahil kapag iyan pumalpak, lagot ka sa akin. Ito na lang ang tanging paraan para maisalba ang kompanyanh pinaghirapan kong itaas!” stresses kong wika.
Nag order muna kami ng pagkain. Pagkaalis ng waiter ay napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.
“Couz, wag kang masyadong magpapa stress diyan. Sige ka, kapag ikaw pumangit ha.” Pabiro niyang bulong. Napanguso ako at hinawakan din ang kamay niya.
“Kahit ma stressed pa ako ng todo, hindi ako papangit, Carter.” usal ko at nginitian siya.
Inirapan niya ako at napanguso kaya natawa ako.
“But, honestly, Aza. Seryoso ka ba sa gagawin mong ito? Are you really gonna throw yourself to him? Alam naman nating wala kang gusto sa kaniya eh.” seryoso niyang pahayag. Mapait akong ngumiti.
“I need to do this, Carter. Kapag ibang lalaki ay may chance pang hindi makatulong sa kompanya. Dito kay Lucas ay 100 percent!” saad ko sa kaniya.
“Paano kung saktan ka niya habang kasal kayo ha? Naku! Ayokong makita ka sa headline ng balita bilang isang battered wife ha!” sikmat niya kaya natawa ako.
“Hindi mo ba kilala ang mga Gutierrez? They’re good people, Carter! Just don’t tell anyone about this plan okay?” sambit ko kaya tumango siya.
Napatigil kami sa pag uusap nang dumating na ang aming pagkain.
“Oh my gosh! Wag kang lilingon.” Biglang usal ni Carter sa gitna ng pagkain namin. Tumaas ang kaliwang kilay ko at napalingon sa aking likod.
“Sabing wag lilingon eh!” asik ng pinsan ko. Napatigil ako sa pagkain nang makita si Lucas na papalapit sa table naming dalawa ng pinsan ko.
Hindi ako nakapagsalita nang bigla siyang naghila ng isang upuan sa katabing table at itinabi iyon sa amin bago siya naupo doon.
“Well, well, well. Kung hindi ba naman ang babaeng kaka propose lang sa akin and now, makikita kita dito.. Having a date with another guy.” nang iinsulto niyang saad. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
“What are you doing here, Mr. Gutierrez?” inis kong tanong. Natawa siya at tiningnan ang pinsan ko.
“Are you this desperate, Ms. Del Fierro? Wait, don’t tell me nag propose ka din sa isang to?” mayabang niyang sambit kaya madiin akong napapikit.
“You rejected my proposal, Mr. Gutierrez.” nagpipigil kong sambit.
Natawa siya at kinuha ang tinidor ko bago tumusok sa ulam kong steak at kinain iyon.
Parang gusto kong sumigaw at agawin ang tinidor ko sa kamay niya! Laway concious ako! Ayaw ko ng ginagamit ng kung sino ang ginamit ko sa bibig my god!
Nakakainis naman ang lalaking ito. Walang manners! Anak ba talaga to ni tita Louise??
“You’re desperate, Azalea. I don’t like desperate woman.” seryoso niyang usal at biglang tumayo at iniwan kami.
“Ano bang problema ng lalaking iyon? May sira ba utak niya?!” inis kong asik at mabilis na itinabi ang ginamit niyang tinidor.
“He looks jealous to me, couz.” natatawang usal ni Carter sabay balik sa pagkain.
“Jealous my ass. Bakit naman siya magseselos eh di nga niya tinanggap ang proposal ko eh tsk.” naiinis kong wika.
************
LUCAS’ POV
“Oh? Bakit ganyan ang hitsura mo?” tanong ni mommy pagkabalik ko sa loob ng room na pina reserve nila.
“I’ll get going, mom. Madami pa akong trabahong kailangang tapusin.” pagpapaalam ko sabay halik sa kaniyang pisngi.
Nagpaalam din ako kay daddy at siyempre sa mga pamangkin kong makukulit.
“Tito handsome, Can I come with you?” inosenteng tanong ni Blaire.
“Nope, baby. Manggugulo ka lang sa opisina ko eh.” natatawa kong sagot kaya napanguso siya.
“I won’t. I promise!” pahayag niya pero umiling ako at hinalikan na siya sa pisngi. Pero ang pamangkin ko ay matalino. Agad niyang ipinulupot ang mga braso sa aking leeg at hindi na bumitaw kaya wala akong ibang choice kung hindi ang dalhin siya pabalik sa opisina ko.
“Oh my, tito handsome she’s so pretty po! Just like mommy ko!” tili ni Blaire na naka upo sa couch dito sa office ko. Ipinakita niya ang magazine na binuklat at napangiti ako nang makitang ang babygirl ko iyon.
Madalas kasi siyang nacocover ng magazines about business eh.
Paano ba namang hindi eh sobrang ganda at sobrang successful pa. Damn! Kaya baliw na baliw ako sa kaniya eh.
“She is, baby.” nakangiti kong usal pero napawi din nang maalala ang nakita kanina.
Tangina di ako nakapagpigil kaya nalapitan ko sila. Mabilis kong itinigil ang trabaho at sinearch ko ang babygirl ko baka sakaling makita at makilala ko ang lalaking iyon.
Uunahan pa yata ako ng gago. Subukan niya lang.
Inabot ako ng trenta minutos sa ginagawa pero hindi ko makita ang mukha ng gagong iyon sa mga manliligaw niya!
“Kainis naman!” mahina kong usal at napabuntong hininga.
“Oh! It’s her again, tito handsome!” bulalas ni Blaire at lumapit pa sa akin. Napipilitan akong tumingin sa kaniya dahil hindi siya tumitigil hangga’t hindi pinapansin.
“Yes, baby.” saad ko sa kaniya at ibinalik ang tingin sa laptop pero mabilis ko ding ibinalik ang tingin sa hawak hawak na magazine ng pamangkin ko nang makita ang lalaking kasama ng babygirl ko.
Shit! Siya yun! Yung gagong kadate niya kanina!
“You know them, tito handsome?” kyuryosong tanong ni Blaire. Hindi ko siya agad nasagot dahil binasa ko ang nilalaman ng magazine.
“The new CEO of Del Fierro Corporation— Azalea Del Fierro together with her cousin, Carter Magalona in one frame!”
Napaawang ang bibig ko sa nabasa at naabutan ko na lang ang sariling nakangisi na.
Shit! Buti naman at pinsan niya pala iyon. Akala ko karibal ko na eh.
“Woooh! Thank you, Lord!” malakas kong sigaw at napatayo pa dahil sa tuwa.
“HAHA! Ayos!” sigaw ko ulit at napasayaw pa. Napatigil lang ako dahil nakangnga na ang pamangkin ko habang nakatingin sa akin.
“Close your mouth, baby. Baka mapasukan ng langaw.” medyo napahiya kong usal at napatikhim ako.
“You look crazy, tito handsome. Daddy and mommy will surely laugh if they’re the ones who saw you like that.” saad ni Blaire.
“Buti na lang ikaw ang nandito. You won’t laugh at tito handsome, right?” wika ko. Ngumiti siya at umiling iling.
“Nope! You’re still handsome naman po even though you look crazy earlier.” Ani niya pa na ikinatawa ko.
“Maki gwapo kang bata ka.” natatawa kong usal sabay tap ng mahina sa ulo niya.