bc

The Lost Page of Lupensa

book_age16+
474
FOLLOW
2.1K
READ
others
time-travel
brave
drama
tragedy
bxg
lighthearted
serious
mystery
superpower
like
intro-logo
Blurb

Isang nobela ng pakikipagsapalaran ng isang labing- anim na taong gulang na babae na gagampan ng isang malaking misyon para sa paglaya ng Lupensa buhat sa kapangyarihang itim ni Deviana. Ang maisulat at maituwid muli sa buhay na aklat ang kasaysayan ng kaharian.

chap-preview
Free preview
Chapter One
SA madawag na kagubatan sa paanan ng bundok Asila, may dalawang pares ng paa na  magkasunod na tumatakbo. Lumilikha ng  mumunting ingay ang bawat pag-apak sa lupa na bumabasag sa katahimikan ng gabi. Ramdam ang matinding pagmamadali para hindi maabutan ng mga humahabol sa kanila. Dinig na dinig ang mabilis na t***k ng puso dulot ng pagkapagod na nadarama na hindi kababasahan ng pagsuko.      “Yuni, tumakbo ka na! Huwag mo na akong alalahanin!” pasigaw na sabi ng isang babae na si Alora na nadapa sa pagtakbo dahil sa pagkasabit ng paa sa nakausling ugat ng malaking puno.      Nilingon ito ng kasamang dalagita na kasunod nito sa pagtakbo. “Tita Alora!” akma niyang dadaluhan sana at tutulungang makatayo ang tiyahin pero pinigilan siya nito. Buhat sa mumunting liwanag ng buwan ay kita niya ang pangngiwi ng mukha nito sa sakit na nadarama.      “Tumakbo ka na palayo sa akin. Palapit na ang mga tauhan ni Deviana.” Utos nito sa kanya. “Hindi ka nila dapat mahuli, mahalaga ang misyon mo. Sa iyo nakataya ang kaligtasan ng buong Lupensa.”      Nakarinig sila ng mga mababagsik na huni ng mga nilalang na tanda na nakita sila ng mga humahabol sa kanila. Malungkot na tinanguan niya si Alora saka may pagmamadaling iniwan na ito. Narinig niya ang pagbigkas ng enkantasyon ng tiyahin kapagdaka’y sumigaw ito ng malakas.      Alam niya nahuli na ng kaaway si Alora. Buhat sa likuran niya ay naramdaman niya ang mabibilis na paa ng mga tumatakbong nilalang na siya naman ang target na mahuli. Nakadarama na siya ng pagkapagod sa pagtakbo at parang hindi na niya kakayanin  pa. Oo, ayaw niyang sumuko ngunit bibigay na ang katawang pisikal niya.      Bumagal na ang paa niya sa pagtakbo kasabay ang pagpikit ng mga mata niya. Handa na siyang magpaagos sa susunod na mangyayari. Tanggap na niya ang kanyang kahihinatnan.      Sa paghinto niya ay may liwanag na tumapat sa mga paa niyang na sapatos na goma ang suot. Ang mga dahong nakakalat sa kinatuntungan niyang lupa ay marahang nilipad ng hangin saka lumikha ng munting ipu-ipo. Bumalot iyon sa paa, binti at maging  ang buong katawan niya. Naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere.      Sa sumunod na sandal ay ibinaba na siya sa harap ng isang malaking puno. Umalis sa pagkakabalot sa katawan niya ang mga dahon na nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Tumambad sa kanya ang malaking uka sa ibabang katawan ng malaking puno na tila isang pinto. Ito na nga ang pakay niyang Puno ng Panahon. Alam niya na ginamit ni Alora ang mahika nito para makarating siya doon. Nagawang bigyang buhay ng tiyahin ang mga dahon sa kagubatan para maitakas siya sa kaaway.      Lumakad siya palapit sa bukana ng puno. “Mahiwagang puno ng panahon, nakikiusap akong dalhin mo ako sa nakalipas kong buhay at sa nakaraan ng Lupensa.”      Lumiwanag ang buong puno magmula sa mga ugat patungo katawan, mga sanga hanggang sa mga dahon. Nawala sa isang iglap ang liwanag ng puno na  kasama rin siyang nawala sa kagubatan. Namalayan niya na bumubulusok ang katawan niya sa isang nakakasilaw at walang katapusang liwanag.      “Yuni, anak, gising!”      Bigla siyang napabalikwas matapos na marinig ang boses na iyon ng Nanay niyang si Marta. Niyugyog din nito ang katawan niya.      “Hala ‘nay, akala ko totoo. Mabuti at nanaginip lang pala ako.” Napayakap siya dito. Dinig pa rin niya ang malakas na pagtibok ng puso niya.      “Binangungot ka anak, mabuti at narinig ko pag-ungol mo at tila paghahabol mo sa sarili mong hininga. Nag-alala ako kasi ang tagal mo bago nagising.”      “Nay, napaginipan ko na may kasama akong isang babae na parang ka-edad mo lang. nasa kagubatan daw kami ng Celeeya .” inikwento niya ang mga nangyari sa panaginip niya na sariwa pa rin sa alaala niya.      “Baka epekto ‘yan ng madalas na pagbabasa mo ng maraming libro anak. Nakikita ko sa laman ng isip mo ang masalimuot at delikadong sitwasyon na kinasadlakan mo sa iyong panaginip.”      Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip niya. Sino ang babaeng kasama niya? Sino pati ang mga humahabol sa kanila.      “Matulog ka na ulit, Yuni, ‘wag mo nang pakaisipin ang panaginip mo. Marahil ang mga kasama mo doon ay likha ng iyong imahinasyon na galing sa binabasa mo.” Sabi ng Nanay niya na nabasa ang laman ng isip niya.      Tumango siya saka nahigang muli. Katabi niyang natutulog sa papa ang kanyang ina. Ang tatay naman niya ay maagang umalis para mamili ng binhi ng palay na itatanim sa kanilang palayan. Mag-uumaga na mga oras na iyon.   ANG pamilya ni Yuni ay mga pangkaraniwang mamamayan ng Lupensa. Ang kanilang bahay ay kahoy habang ang sahig ay gawa sa dinurog na bato. May malawak silang palayan na siyang pinagkukunan nila ng kabuhayan.      Katulad ng isang mamamayang Lupensa, ang nanay at tatay niya ay may taglay na mahika na nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Si Nato na kanyang ama ay biniyayaan ng mahika ng pambihirang kalakasan ng katawan. Mabilis nitong naaararo ang lupang sakahan nang hindi na kailangang gumamit ng hayop o anumang bagay. Kayang-kaya nitong buhatin ang maraming mabigat na bagay sa isang iglap.      Ang isang Lupinse ay nagkakaroon ng mahika sa pagsapit nito sa ika-labing anim na taong gulang. Si Yuni ay tatlong buwan na ang nakalipas nang sumapit siya sa ganoong gulang.      Ako kaya kailan ko makukuha ang mahika na para sa akin? Ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa rin.      “Huwag kang mainip anak, darating din ang sa’yo ang mahikang para sa’yo.” Sabi ni Marta na nalaman ang iniisip niya. Iyon ang mahikang taglay ng nanay niya, ang mabasa ang laman ng isip at puso niya gamit ang isip nito. Kung kaya hindi niya kayang makapaglihim dito. Malalaman nito agad kapag may ginawa siyang kalokohan o muntikan. siyang mapahamak.      Kasalukuyan silang kumakain ng agahan. Buhat sa dakong silangan ay natatanaw ang malaking palasyo ng kaharian ng Lupensa.      Tumingin siya sa ina na may kislap ng katuwaan ang mga mata. “Nasasabik na po kasi ako “nay kung ano po ang mahikang matatanggap ko. Iniisip ko po kung paano ko ito magagamit sa buhay ko.”      “Basta anak, anuman ang mahika na darating sa’yo ay magpasalamat ka at tanggapin mo siya ng buong puso. Gamitin mo siya sa mabuting bagay at hindi para makapanakit ng iba. Tandaan mo ang mahikang mayroon tayo ay may malaking dahilan sa buhay natin kung bakit iyon ang natanggap natin.      Nakakaunawang tumango siya. Sana nga ay matanggap na niya ang mahikang laan para sa kanya.              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook