Ben's POV Ang sakit pa rin isipin na hindi talaga lahat ng gustuhin natin sa buhay ay makukuha natin.May mga ibinibigay pala para lang paranasin tayo ng kaunting ligaya ...at sa huli kukunin din pala sayo. Pero sa sandaling ligaya na naranasan ko kasama si Gray wala akong pinagsisisihan. Hindi ko pinagsisisihan na mahalin ko siya , dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay isa sa mga siguradong desisyon ko sa buhay ko. Masakit man tanggapin na kailangan niya akong iwan pero handa ko tanggapin ang desisyon niya. Parang ulan na nagdala ng kaunting ginhawa sa buhay ko pero batid kong titila at titila din ito. "Tol,okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sa akin ni Tonyo habang nakaupo lang kaming tatlo sa haral ng bahay ko. "Ikaw Tonyo ang hindi okay. Sira-ulo ka! Kita mong broken-hearted e. Tanong

