“Ben come on , kausapin mo naman ako. Ayokong ganito tayo. Try to understand my situation Ben” pakiusap ko sa kanya habang nakatalikod pa rin siya sa akin. Ito na nga ba ang kinakatakot ko ang masaktan ko si Ben. Mas masakit sa inexpect ko at ayokong mangyari iyon pero ano nga ba ang gagawin ko ngayong nasaktan ko na siya? Right after marinig ni Ben ang pag-uusap namin ni Ate Gracia ay kaagad siyang tumakbo palayo sa tubuhan. Ano nga ba ang ineexpect kong maging reaction niya? Ipinakita at ipinaramdam sa akin ni Ben kung gaano niya ako kamahal at alam ko na sa mga narinig niya kanina maaaring isipin niya na hindi ko iyon pinahalagahan. “Ben please lets talk. Let me explain” pakiusap ko sa kanya habang nakatalikod pa rin siya sa akin. “…. Ang tanga ko… alam ko naman na aalis ka eh, al

