Vaniah's POV
Inis na inis akong lumayo sa kanya at dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong isauli ang gamit niya sasabihan niya ako na enemy kuno niya? Kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon. Ni hindi ko nga siya kilala kung maka-enemy bwiset ka. Ngayon lang may tumawag sakin ng ganoon dahil ngayon lang din naman ang unang paraan na may maka pansin sa akin. Pero nakaka inis pala ah, hays!
Nag umpisa na unang klase namin at syempre, hindi ako nakapag focus dahil sa ginawa at sinabi niya kanina! Kung gusto niya ng kaaway edi sige! Akala mo naman kung sino eh. Kapag talaga nakita ko yan sasabunutan ko ang sarap sarap niyang kaladkarin palabas ng school kung hindi lang siya ang may ari nito eh.
"Miss Villamor, nakikinig ka ba?” tanong sakin ng teacher namin. Kanina pa kasi ako tulala habang nakakunot ang noo. Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko dahil sa galit. Sa ganoong paraan kasi ako laging naiinis, at alam na alam niya kung paano ako inisin.
“Y-yes ma'am... I'm sorry I'm not feeling well.” Palusot ko.
“Then go to the clinic, Villamor. You should rest, I'll talk to your teaches to let them know.” Sambit niya.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot at kinuha na ang gamit ko para pumunta sa Clinic. Wala nang masyadong tao dahil class hours na. May mga tumitingin sa aking estudyante ngunit hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa clinic.
Pagpasok ko ay sinalubong ako ng nurse na naroon at tinanong ako kung anong masakit sa akin at kung anong nangyari. Sinabi ko lang sa kanya na masakit ang ulo ko at nahihilo ako kaya pinahiga niya ako sa higaan. Binigyan niya rin ako ng gamot at tubig pero hindi ko na yun ininom dahil hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko, joke lang.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na rin ako. Nagising ako dahil may narinig akong nag uusap sa bandang pwesto ng nurse. Ano ba 'yan, nagpunta nga ako dito para magpahinga tapos mag iingay ang mga 'to.
Nang buksan ko ang mga mata ko, mas lalong nag init ang ulo ko. Pakiramdam ko kasing pula ko na yung kamatis dahil sa inis ko. Bakit ba siya andito? Akala ko ba ‘enemy’ niya ako? Ang g**o naman talaga ng lalaking to ang pangit pangit pa ng ugali bwiset talaga.
Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatayo siya sa harap ng kama ko. Nagulat ako nang iabot niya ang bag na may pagkain. Ano ba naman to, akala ko ba magka-away kami? Bakit tinutulungan nya ako? Nakaka g**o naman ng isip 'to.
"Para saan ’to?” iritableng tanong ko.
"Para sayo?” sagot niya.
“Bakit? Hindi kita gets eh. Akala ko ba enemy mo ako? Tapos ngayon tinutulungan mo 'ko, hibang ka ba?” tanong ko sa kaniya.
Napa-iling lang siya at binuksan ang pagkain na dala niya.
“Bakit ka nga ba andito? Paano mo nalaman kung nasaan ako? Ano bang pake mo?” Sunod sunod na tanong ko
“First of all, I own this place. Second, I want to talk to you about something.” pagpapaliwanag niya. Ano naman kayang pag uusapan namin? Ngayon lang nga kami nagkaroon ng matinong usapan eh.
“I saw you, that night.” Sambit niya na nakapag pataas ng balahibo ko, tinutukoy niya ba ay yung gabing nang holdap ako? pero paano? Wala namang ibang taong andun noon eh.
“I was hiding that time, then I saw you. I remembered your face because nakikita kita dito sa school.” pagpa-paliwanag niya. Buong katawan ko ngayon ay nanlalamig dahil sa kaba. Paano kung magsumbong siya? paano ako makakapag-aral? paano ako makaka kuha ng scholarship?
“S-so bakit mo ’to sinasabi sa akin?” nauutal na tanong ko.
”To tell you that what you just did was so wrong. I won't tell anyone, just do what I say.” sabi niya.
“Ano? Gagawin ko.” Sagot ko.
"Be my girlfriend." Sagot naman niya. Kumunot ang noo ko kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi niya. “Be my girlfriend, I'll pay for your tuition until you graduate. I can also pay for your sister's tuition.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking 'to. Sa dami dami ng pwede niyang ipagawa sakin, bakit girlfriend niya pa? Wala nga akong karanasan sa pagkakaroon ng crush, boyfriend pa kaya?
“Nbsb ako, mukha ba akong may alam sa bagay na iyan?" Natawa siya sa sinabi ko.
“Ako rin naman ah, patas lang tayo.” Sabi niya sabay humalakhak. Parang tanga.
“Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo, jojowain mo na ako kaagad.” mataray na sambit ko.
“Just call me Theo. Kung gusto mo, love na lang since tayo na rin naman.” tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang bilis talaga mag isip ng lalaking ito. “And you?” Tanong niya.
“Vaniah, call me Iah." sagot ko.
Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko, naestatwa naman ako sa ginawa niya. Ngayon lang may nakahawak saking ibang tao maliban sa pamilya ko. Parang nakuryente ang buong katawan ko dahil don.
“Ang ganda ng pangalan mo, Vaniah.” Naiinis ako sa sinabi niya pero napatitig lang ako sa mata niya, kulay brown ito at parang kumikinang.
Nang ma-realize niya kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa ay lumayo ito at nagpaalam na dahil may klase pa daw siya. Tumango lang ako at bumalik sa pagkakahiga habang iniisip na um-agree nga pala ako sa sinabi niya. Ayokong mabuking ang sikreto ko at gusto ko ring makapag aral kami ng kapatid ko kaya kailangan kong pumayag.
“Aalis na muna ako, Ipahahatid ko kayo ng kapatid mo mamaya. Dadaan ako dito para ihatid ka sa labas.” Sabi niya at hinalikan ako sa noo...
Tangina, ano bang ginagawa nito. Gulat akong tumingin sa kanya kaya tumawa siya. Kaka-agree ko lang ay kala mo naman ilang taon na kaming mag-jowa. Tumango lang ako at lumabas na siya sa clinic.
...