Chapter 3

1050 Words
Simula nung araw na ‘yon sa canteen, nag-iba na ang takbo ng mga araw ko. Halos lahat ng oras, magkasama na kami ni Olivia. Sabay kaming pumapasok, sabay kumakain, sabay din umuuwi. Para bang sa loob ng school, si Olivia na yung safe space ko—yung tahimik na pader na pumapagitna sa akin at sa gulo ng mundo. Pero kahit gaano kami kadalas magkasama, hindi pa rin kami tinatantanan ni Terence. “Uy, Louise,” dinig ko na naman habang papasok kami ng classroom. “Di ba dati ikaw lang mag-isa? Ngayon kailangan mo na ng bodyguard?” Napahinto ako saglit pero mabilis akong tinapik ni Olivia sa balikat. “Ignore him. Hindi siya nag-eexist.” Nagpatuloy kami sa paglalakad, pero ramdam kong sinusundan kami ng mga tingin niya. Parang balakid na kahit hindi mo pansinin, nandiyan lang palagi. Sa loob ng classroom, lagi siyang may pasaring. “Kailangan pa ba talaga ng kasama para lang makaupo sa upuan?” bulong niya minsan habang dumadaan ako papunta sa pwesto ko. “Feeling sikat, kahit walang pumapansin,” narinig ko ulit sa isang umaga habang nag-aayos kami ng mga gamit sa homeroom. Sinubukan kong hindi pansinin, pero minsan mahirap talaga. Lalo na kapag paulit-ulit. Parang sugat na hindi gumagaling kasi araw-araw tinutusok ng kutsilyo. --- Isang hapon, habang nag-aayos kami ng project sa library, hindi ko na napigilan. “Alam mo… matagal na siyang ganyan,” mahina kong sabi kay Olivia habang pinipintahan ko yung project namin. Nagtaas siya ng kilay. “Si Terence?” Tumango ako. “Simula pa nung Junior High… Grade 9 ata ‘yon nagsimula. Hindi pa kami magkaklase pero lagi siyang sumusunod sa akin. Akala ko nung una harmless lang, parang typical crush-crushan lang. Pero habang tumatagal, naging sobra na.” “Paano sobra?” tanong ni Olivia habang pinapahid yung glue sa project namin. “Nagsimula sa sulat. Flowers. Chocolates sa locker ko. Hindi ko pinapansin kasi honestly… wala talaga akong gusto sa kanya,” kwento ko habang pilit kong nililinis yung natapon na paint. “Pero nung hindi ko siya pinapansin, parang napikon siya.” Tumingin sa akin si Olivia, seryoso ang mukha. “Pikon siya kasi hindi mo sinagot?” Tumango ako, medyo natatawa pero mapait yung ngiti ko. “Ayun… naging weird. Pag sinusungitan ko siya, lalong sumisigaw. Pag iniiwasan ko, lalo akong sinusundan. Tapos nag-evolve na sa pang-aasar. Parang ang mindset niya, kung hindi niya makuha gusto niya, gagawin na lang niya akong miserable.” “Ang toxic niya,” bulalas ni Olivia. “Exactly,” sagot ko. “Noong una akala ko ako yung may problema, baka ako yung suplada. Pero habang tumatagal, narealize ko—hindi mo obligasyon sumagot sa kahit sino lalo na pag hindi mo gusto, ‘di ba?” “Of course,” seryosong sagot niya. “And just because nagpakita ng ‘effort’ doesn’t mean may utang na loob ka na.” Ngumiti ako. “Yun din iniisip ko. Pero syempre… hindi ganun kadali kapag araw-araw ka niyang kinukulit.” --- Minsan sa canteen, kahit katabi ko si Olivia, hindi pa rin mapigilang dumaan ni Terence para magbitaw ng kung anu-anong salita. “Uy, Louise! Dati ang lapit lapit ng upuan mo sa crush mo, ngayon, layo mo na. Baka mahulog ka d’yan!” Napatingin ako kay Olivia pero ngumiti lang siya ng pilit, saka bulong, “Pikon lang talaga, wag mo na patulan.” Pero mahirap magpanggap na wala kang naririnig lalo na pag may mga ibang estudyante na kinikindatan siya na parang sang-ayon sa ginagawa niya. Pag minsan, ramdam ko rin na kahit ilang ulit na akong pinagtanggol ni Olivia, parang hindi pa rin ako makawala sa anino ni Terence. Kapag hindi kasama si Olivia, lalo na pag lunch break at may mga errands siya sa org, naririnig ko pa rin ang mga bulong-bulongan. “Ang arte ni Louise, no?” “Akala mo kung sino… Olivia lang pala inaasahan.” May isang beses pa nga, habang naghihintay ako ng teacher sa Math room, bigla na lang akong sinabihan ni Terence, “Pampataas ka lang ng grades ni Olivia? O baka ikaw yung project niya?” Napapikit na lang ako, pinipigilan sarili ko na hindi mapikon. Tiningnan ko siya nang diretso. “Wala ka bang ibang pwedeng gawin sa oras mo?” tanong ko. “Or gusto mo ba mag-enroll ulit sa kindergarten para matuto ng manners?” Nagulat siya sa sagot ko pero bago pa siya makaresbak, dumating na ang teacher namin kaya tumahimik na lang siya. --- Pag uwian, pag kasama ko si Olivia, ibang-iba. Laging may kwento si Olivia tungkol sa bahay nila, business ng parents niya, kung paano gusto niyang maging independent kahit na may kaya sila sa buhay. “Honestly,” kwento niya minsan habang nasa kotse, “di ko na ma-imagine ‘tong senior high ko kung wala ka.” Napatawa ako. “Ako nga eh… dati gusto ko na lang tapusin tong taon na ‘to sa katahimikan pero mukhang binago mo ‘yon.” “Ganoon talaga pag may matapang sa tabi mo,” biro niya. “Correction,” sagot ko, “mas matapang ka. Ako… nagtatapang-tapangan lang pag kasama ka.” Pero sa loob-loob ko, totoo. Hindi naman ako naging palaban. Pinilit ko lang magtitiis ng ilang taon. Pero dahil kay Olivia, unti-unti akong natututo na hindi kailangan tiisin ang mali, na hindi normal yung araw-araw mong binabalewala ang pambabastos ng iba. --- Isang gabi bago matulog, naalala ko lahat ng nangyari mula junior high hanggang ngayon. Ang mga unwanted flowers, sulat na wala akong hinihingi, pangaasar sa hallway, pagtulak sa classroom, pagtatapon ng pagkain sa canteen. Noong una akala ko, normal lang yun. “Ganun talaga pag may gusto sayo,” sabi ng mga kaibigan ko noon. Pero ngayon, naisip ko—hindi dapat normal ang ganitong pagtrato sa kahit kanino. Tinext ko si Olivia bago matulog. Louise: Thank you palagi. Hindi ko alam anong mangyayari kung wala ka. Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto, nag-reply agad siya. Olivia: Duh, syempre. Ride or die tayo, ‘di ba? Kita tayo bukas. Sabay tayo, as always. Napangiti ako bago pumikit. Hindi pa tapos ang laban ko kay Terence, pero ngayon… mas matibay na ako. Kasi hindi ko na kinikimkim mag-isa ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD